Chapter 27: Shh
Cassie's Point of View
Pagmulat ko ng aking mata ay nakasalampak parin ako sa loob ng women's CR. Kumikinang ang mga bubog ng ng basag na bintana dahil sa maliwanag na sikat ng araw galing sa labas.
Ang akala ko ay matagal akong nakatulog kaya inasahan kong may nakahanap na sa akin rito. Bumuntong-hininga nalang ako at pinilit na tumayo. Buti nalang ay malakas na ako kundi babagsak ako sa mga bubog.
Ako nalang ang nag-iisa dito sa loob ng CR. Wala na rin ang mga alaga ko. Mas okay pang nakaalis na sila ng maaga kesa sa may makakita pa sa kanila dito. Mapapahamak pa sila dahil sa mga mapanghusgang taong nakapaligid.
Lalabas na sana ako ng CR nang maisip kong kailangan kong ayusin ang loob nito. Pag may nakakita sa lugar na ito, malamang ako ang mapapagbintangan dahil sa ako ang huling lumabas sa banyo na ito.
Kaso ano ang idadahilan ko kung bakit ang tagal ko rito? Hinimatay? Natulog? Tumakas? Tumae!? Bahala na nga!
Ikinumpas ko ang aking kamay sa hangin at dahan-dahang lumutang sa paligid ang mga bubog. Nagdikit-dikit ang mga piraso ng bubog. Ilang segundo lang ay binuo nito muli ang bintana sa CR. Maayos na muli ang CR, maliban sa itim na dugo sa sahig.
Hayaan mo na. Iisipin naman nilang putik lang iyan.
Tumungo ako sa lababo at naghugas ng kamay. Naghilamos na rin ako dahil sa nabubudburan ng alikabok ang mukha ko. Ayoko magkatigyawat noh.
Narinig kong bumukas ang pinto ng CR. Pagharap ko roon ay nakadungaw ang ulo ni Rhea.
"Huy, tapos kana tumae?"
"What the!? Hindi ako tumae, baliw!", sigaw ko sa kaniya.
"Ang tagal mo kaya!", kontra niya at tuluyan nang pinapasok ang sarili.
Pinagpag ko ang kamay ko para tumalsik yung sobrang tubig. Itinapat ko ito sa hand dryer para matuyo. Hindi ko pinatagal dun yung kamay dahil sa ang init ng hangin nito.
"Tara na", ani ko.
"Ano bang ginawa mo dito?", taning niya sa akin.
"Naghanap lang ako ng tissue sa bawat stall. Mangunguha ako kung meron", pagsisinungaling ko. "Tara na kasi".
Sumunod na lamang siya sa akin. Mukha namang naniwala siya eh. Sabay kaming bumalik sa aming classroom. Wala na si Sir Lucero kaya malamang ay tapos na ang kaniyang lecture.
"Gaano ba ako katagal na nawala dito?", tanong ko kay Rhea bago kami maupo.
"Akala namin pumunta ka na naman sa clinic", sagot niya.
Tumango nalang ako at isinuot ang aking earphones habang hinihintay ang susunod na teacher. Nakita ko si Miki na nagda-drawing. Si Rhea naman ay nagbabasa sa kaniyang cellphone ng kung anumang kababalaghan ang binabasa niya.
Habang nakatunganga sa kung anumang bagay ang makita ko, napansin kong dumaan si Rick at Ajax sa aming pintuan. Kinawayan nila ako at inanyayahan akong lumapit sa kanila.
"Guys, wait lang...", paalam ko kila Rhea nang tapikin ko siya sa likod.
Agad akong tumungo sa pintuan kung saan nakatayo sina Ajax at Rick. Sumabit pa yung earphones ko sa isa sa mga upuan ng aking kaklase nung nagmamadali akong puntahan sila sa pinto.
Nang maabutan ko na sila, halatang nagpipigil ng tawa ang dalawang lalaki dahil sa pilit na inosenteng ngiti nila. Malamang ay nakita nila ako nung mangyari yun.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasíaLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...