Chapter 26: Charm
Cassie's Point of View
Nakaupo ako ngayon sa bathtub ko habang naliligo. Naalala ko yung nangyari kagabi. Sana okay lang si Rick pagkatapos niya akong ihatid. Sa susunod nga talaga bibili na ako ng electric taser o kaya pepper spray.
Pepper spray nalang para mura. Gagastos pa ako sa maliit na makina kung sa simpleng spray lang, tatalab na sa mga sira ulong handa nang humapdi ang mga mata.
Natawa nalang ako sa aking sarili nang maisip ko yun. Pero sa isang saglit, napalitan ito agad ng lungkot. Habang naalala ko ang mga panahon na wala akong magawa para protektahan man lang ang sarili ko, naiisip ko na humihina na ako.
Hindi nako matatag tulad ng dati. Hindi na ako tulad ng dati na malakas at matapang. Isa na akong duwag na umaasa sa mga tao na iligtas ako.
What happened to me?
Tumayo nalang ako mula sa bathtub at nagbanlaw na ng katawan para makaalis sa malamig na tubig. Pagkatapos nun ay binalutan ko na ang aking sarili sa isang makapal na tuwalya upang magpatuyo.
Tumungo ako sa aking kuwarto at dun ako nagbihis. Buti nalang at nakakandado ang pinto para wala munang makapasok. Kinuha ko ang aking uniform mula sa closet at inilapag doon sa aking kama.
Pinatuyo ko muna ang aking buhok bago magbihis. Nagtali ako ng buhok at nagkabit ng hikaw. Nang makapagsuot ako ng sapatos, napansin kong maaga pa pala para umalis. Baka ako palang ang tao dun sa classroom.
Lumabas ako mula sa aking kuwarto at bumaba papunta sa sala para i-check ang mga alaga ko. Iniwan ko silang kumakain kanina bago ako maligo. Pagbaba ko ay nadatnan ko ang nakakalat na plato sa sahig ngunit wala ang aking mga alaga.
Naisipan kong pumunta sa kusina kung sakalaing naroroon sila dahil wala na rin naman silang ibang mapupuntahan kundi sa kusina. Saktong-sakto ay lumabas roon sina Sunny at Moonie at nagtatalon sa aking harap.
Kumunot ang noo ko sa kanila. "Anong nangyari?", tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pag-ungol ni Smokie sa loob ng kusina. Agad akong pumasok sa kusina at hinanap doon si Smokie. Bumibilis ang pagtibok ng puso ko sa tuwing hindi ko makikita si Smokie sa bawat lingon ko.
Sa isa pang ungol ni Smokie ay narinig ko ito sa ilalim ng mesa. Napasingap ako nang may makita akong nakakalat na dugo malapit sa kaniyang paa mula sa paanan ng upuan.
Medyo nahilo ako sa dugo pero tiniis ko iyon, maialis ko lang si Smokie roon. Binuhat ko siya at dinala sa sala. Inilapag ko siya sa sofa para malambot ang kaniyang higaan.
Pumunta ako sa CR para kunin ang first aid kit sa mirror cupboard. Kumuha din ako ng isang tabong tubig at malinis na towel bago bumalik sa mga alaga ko.
Lumuhod ako sa sahig para malinisan ko ng maayos ang sugat ni Smokie. Sinubukan kong magdahan-dahan ng paglinis ngunit sa isang dampi lamang ay umuungol na siya sa sakit.
Naisipan kong tawagan nalang si Kuya Rich para siya ang maglinis ng sugat niya. Natatakot akong baka lumala pa ang pananakit ni Smokie dahil sa akin. Tinipa ko ang home number ni Kuya Rich sa telepono at itinapat ko iti sa aking tenga. Sa tatlong ring lamang ay nakasagot agad si Kuya Rich.
"Doc Vallecera speaking...", tamad niyang pagbati bagi humikab. Oo nga pala, masyado pa palang maaga.
"Kuya Rich...", napatingin ako kay Smokie na naghihingalo sa sofa. "I need your help".
"You're lucky, wala akong duty ngayon. Wag kang mag-alala, papunta na ako", sabi niya.
"Salamat, Kuya", sabi ko nago ibinaba ang telepono.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...