Chapter 32: Involved
Cassie's Point of View
"Guys! Bilisan niyo, male-late na tayo!", tawag ko sa kanila mula sa sala.
Nakaupo ako ngayon sa sala habang hinihintay ko ang dalawang lalaking naliligo PA RIN sa banyo ng kani-kanilang kuwarto.
Of course, may sari-sarili silang guest room para hindi na sila maghintayan sa pagligo. Lalo pang tatagal kung maghihintayan pa sila. Hindi rin naman sila puwedeng magsabay.
Nasa dulo ng corridor ang kuwarto ni Ajax at nasa tabi naman ng kuwarto ko ang kuwarto ni Rick. Sana naman ay nagbibihis na ang dalawang lalaking iyon. Ayoko nang ma-late ulit.
Hinihimas ko ang balahibo ng aking mga alaga na nakahiga sa aking hita nang makarinig ako ng pabagsak na pagsara ng pintuan. Napatingin ako sa itaas na hagdan kung saan nakatayo si Ajax na pinupunas ang kaniyang buhok gamit ang isang tuwalya na galing sa kuwarto niya.
"Nasaan na si Rick?", tanong niya habang naglalakad pababa ng hagdan.
"Nakikita mo ba rito si Rick?", mataray kong sagot.
Mahina siyang natawa bago niya ibinato ang tuwalya sa pinakataas ng hagdan. Napaawang ang bibig ko sa kaniyang asal sa loob ng bahay ko. Iniurong ko ng kaubti ang mga alaga ko sa sofa bago ako tumayo para lapitan siya.
"Hoy! Huwag kang magkalat! Ibalik mo iyan sa—", natigilan ako nang bigla nalang siya naghadang ng tubig na hugis bola sa aking mukha.
Sinubukan kong umilag ngunit hinaharang ng hugis bolang tubig ang aking paningin sa kaniya. Nagdabog ako sa aking puwesto habang patuloy na umiilag sa lumulutang na tubig.
Maya-maya'y napatitig ako nang matapon ang tubig sa aking harapan na nagdulot ng basa sa sahig at pagtalsik sa aking uniporme.
"Urgh! Aj—", nalunok ko agad ang mga sasabihin kong salita nang tumambad sa harapan ko si Ajax.
Sobrang lapit ng kaniyang mukha sa akin kaya'y nararamdaman ko ang kaniyang paghinga. Tinitigan niya ako ng malalim sa aking mga mata na animo'y tinutunaw niya ako sa kaniyang tingin. Tanaw sa kaniyang mukha ang isang ngisi na nagpaalala sa akin nung unang sandali na kami ay nagkita.
Kinilabot ako ng hawakan niya ang aking baba habang tinitigan ang aking labi. Napalunok ako sa kaba, iniisip na kung ano ang gagawin ko sa sandaling ito.
"Good", bulong niya bago ako bitawan.
Naglakad siya palayo sa akin at muling umakyat sa hagdan. Pinanonood ko lamang siya nang pulutin niya tuwalyang kaniyang iniwan at bumalik sa kaniyang kuwarto.
What the fuck was that all about? Bakit ako ganito maka-react? May ine-expect ba akong mangyayari?
Nakahinga ako ng malalim na hindi ko pala alam na kanina ko pa pinipigilan. Pabagsak akong umupo sa sofa at humilata sa sandalan. Pumikit ako ng saglit hanggang sa may maalala ako bigla.
Mabilis kong kinuha ang bag ko na nasa aking tabi. Hinalungkat ko ang aking gamit para makuha ang aking phone. Nang mapindot ko ang phone ko ay nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang oras.
"RICK! AJAX! BILISAN NIYO!", malakas kong pagsigaw na halos marinig na ng buong building.
Mabilis kaming naglalakad ngayon sa loob ng parking lot habang hinahanap ang koyse ni Ajax. Isinama ko rin ang mga alaga ko para hanapin ang kotse niya.
"Urgh! Male-late na talaga tayo!", angal ko.
"Huwag ka na ngang magreklamo. Atleast nga ihahatid ko na kayo.", kontra ni Ajax.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasyLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...