Prologue
The endless fall...
The strong wind crashing down on me...
The heavy splash...Yun lang ang tanging mga natatandaan ko bago ako makarating dito...
Dito sa malamig at madilim na kawalan.
I can feel myself floating in heavy water, without getting drenched by it, with my eyes closed.
I can't feel myself breathing, nor does my heart beating.
I know exactly where I am right now... Because I have faced death for the second time.
Iminulat ko na ang mga mata ko at iginalaw ang katawan ko para makatayo ng maayos.
Nanatili parin ang paglutang ko pero ngayon ay maayos na ang aking pagtayo.
Naramdaman kong may matinding pagkirot sa aking likod pero hindi ito naging masakit para sa akin. Pinalibutan ako ng puting liwanag nang mailabas at mailapat ko ang mga puting pakpak sa likuran ko.
Huminga ako ng malalim bago tumingin ng diretso.
Sa di-kalayuan ng aking paningin, nakapansin ako ng maliit na paggalaw sa madilim na kawalan.
Nang tinuonan ko ito ng pansin, napansin kong may paparating sakin na itim na pigura ng isang babae.
Huminto ito sa harap ko na parang hinahayaan akong pagmasdan ko ito.
Ang buong katawan at mukha niya'y kasing-itim ng gabi. Ang mga mata niya'y nagliliyab na pula sa dilim. Ang itim na usok sa kaniyang ulo ay nagsisilbing kaniyang buhok.
Isa siyang kampon ng kadiliman.
"Sino ka at anong kailangan mo sa akin?", tanong ko nang may pagdiin sa aking tono.
Lumapit ito sa akin at ipinatong ang kamay sa dibdib niya.
"Huwag kang matakot sa akin. Hindi kita sasaktan", sabi niya na sa isang kalmang tono.
"At bakit naman kita pagkakatiwalaan?", sabi ko sa kaniya.
Napansin kong ipinikit nito ang mga mata niya at yumuko siya sa akin.
"Tinalikuran ko ang kasamaan para tulungan ka, Cassie", pagpapaliwanag niya.
Natigilan ako nang mabanggit niya ang pangalan ko.
"Paano mo ako nakilala?", tanong ko.
Humarap na ito sa akin at tumingin ng diretso.
"Ikaw ang sanggol na biniyayaan ng kapangyarihan at katangian ng isang anghel", panimula niya.
Hinayaan ko lang ang sarili kong pakinggan siya.
"Ikaw ang batang itinakda para pigilan ang diyablo sa masama niyang plano", dagdag niya pa.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ako? Bakit ako?
"Teka lang...", sabi ko habang nakataas ang kamay ko. Lumapit ako ng bahagya sa kaniya. Sabihin na nating lumutang ako palapit sa kaniya. Binaba ko na ang mga kamay ko at tumingin sa kaniya.
"Ako?", pagve-verify ko sa pagtuturo ko sa aking sarili. Tango lang ang sagot niya sa akin.
"Bakit ako nadamay sa kaniya? Bakit ba ako napunta rito in the first place?", sunud-sunod kong pagtanong sa kaniya.
"Dahil isa kang makapangyarihang nilalang. Naging hadlang ka sa kaniyang mga plano", pagpapaliwanag niya. "Siya ang dahilan kung bakit ka nandito ngayon", pagtatapos niya.
BINABASA MO ANG
Inhuman Nature (COMPLETED)
FantasíaLook over here, Look over there, Eyes on everywhere What a wonderful sight to see Where incredible creatures could be You are living in an unnatural world, surrounded by things you've only seen as a myth, disguised as humans. Be careful for what y...