( G l a i z a )
Gosh! 11 p.m palang. Ang bagal ng oras. I wanna go out na!
Paikot ikot ako sa loob ng kwarto ko, habang hinihintay na mag alas dose. Eh kasi naman, si papa, siguradong nasa office pa nya.
Pag lumabas ako ngayon, makikita nya ako, at pag nakita nya ako, siguradong kakausapin na naman nya ako about doon sa company namin, gusto nya ako na ang mamahala, which I don't like, kasi ayoko ng responsibility.
Pag ako na ang mamahala ng company, madami akong magiging responsabilidad. Diba? Ayoko ng ganon, tsaka kailangan committed ka sa work. No way! Ayoko rin ng ganon. Matatali ako sa work, at hindi na ako makakapag enjoy sa life! Kaya no, no, no ako dyan.
Ang gusto ko lang sa buhay ay maging masaya, maging free at mag enjoy lang. Yon lang.
Finally, after an hour! Oras na nang pag alis ko. Grabe, para akong manananggal nito, hating gabi kung lumabas sa bahay. Pero ano naman? Eh sa mga ganitong oras ako nag eenjoy sa buhay. Party party!
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko ng dahan dahan at naglakad ng nakatiptoe pababa ng hagdan.
Mabilis ang mga kilos dahil isang pagkakamali ko lang, siguradong hindi na ako makakalabas.
Nakapatay na ang lahat ng ilaw kaya alam kong tulog na ang mga tao, lalong lalo na si papa.
I made it to the front door without anyone noticing. Kasi nga tulog na sila.
Binuksan ko ito ng dahan dahan at naglakad papunta sa garage para kunin ang kotse ko. Nasa likod ng bahay ang garage namin, kaya malayo ito sa kwarto ni papa siguradong hindi nya maririnig ang pag alis ko.
Nakangiti ako ng marating ko ang kotse ko, pero hindi ko ito mabuksan. Nakakainis! Hindi ko naman kasi ito nilalock eh. Bat nakalock ito ngayon?
Kinuha ko sa bag ang flashlight ko, para hanapin na ang susi ng kotse ko.
Pero laking gulat ko ng lumiwanag ang paligid.
"Ay kalabaw!" Ang bigla kong nasabi.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong ni papa na nakatayo sa harap ko.
"Kanina ka pa ba dyan pa?" Pag iiba ko ng usapan.
"Aba'y oo. Hindi mo lang talaga ako nakita kasi madilim." Sagot niya sakin.
Oo nga naman. Sabi ko nalang sa sarili ko.
"Saan ka pupunta? Hating gabi na, saka ka lalabas? Ano ka? Aswang, nako Glaiza. Kailan ka ba mag mamature?" Sabi ni papa.
Ayan na naman. Yan yong mga linyang paulit ulit kong naririnig. Pero walang epek sakin.
"Pa naman, gigimik lang ho ako." Sagot ko sa kanya.
"Gimik gimik ka dyan, pumasok ka sa loob." Medyo nagagalit na ang boses ni papa.
Bahala sya, aalis pa rin ako. Kaya hinalungkat ko uli ang bag ko para hanapin ang susi ng kotse ko. Pero hindi ko ito mahanap.
Saka si papa nagsalitang muli.
"Ito ba yong hinahanap mo?" Tanong ni papa kaya naman napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang pinakamamahal kong susi. Hawak hawak nya.
"Pa, akin na yong susi." Sabi ko sa kanya.
"No, hindi ka aalis. Pumasok ka na sa loob." Sagot ni papa. Feeling ko isa akong bata na pinagdadamutan ng gusto ko.
"Pa, hindi na ako bata. Akin na yong susi." Sagot ko at lumapit ako sa kanya, at nakipag agawan ng susi. Pero sadyang matangkad si papa kaya hindi ko maabot.
"Hindi ka na nga talaga bata, kaya please lang act your age!" Sabi ni papa at tinalikuran na nya ako.
"Wag palalabasin ang batang ito." Sigaw ni papa sa mga tao sa paligid namin. Tumango naman ang mga ito.
Kaya nagmaktol akong pumasok sa loob at bumalik sa kwarto ko. Nasira ang mga plano ko tonight. I texted my friends and told them na pass muna ako ngayon.
_____
( R h i a n )
Kakapasok ko palang sa bahay, at sobra akong napagod sa maghapon.
"Anak, saan ka galing? Okay ka lang ba?" Tanong ni mama sakin na tipong nakidnap ako or something. Tapos chinek pa ang mukha ko, likod ko, kamay ko, at mga paa ko. Grabe! Sinuri nya talaga ang buong katawan ko.
"Ma, nag hanap lang ako ng trabaho." Sagot ko sa kanya at saka pabagsak na umupo.
"Oh, naghanap lang naman pala sya ng trabaho. Wag kang o.a ma." Sabi naman ni papa saka lumapit sakin.
"Kumusta naman anak? Nakahanap ka ba?" Tanong ni mama sakin saka ako minasahi sa likod.
"Hindi nga po eh, ang hirap maghanap ng trabaho ngayon, puro paasa." Sagot ko.
"Hala, akala ko sa pag ibig lang yon paasa, pati pala sa trabaho." Sabat naman ni Ate Katrina na biglang sumulpot galing sa kung saan.
"Ay, humuhugot na naman si Ateng." Sabi ko sa kanya.
"Okay lang yan anak, makakahanap ka rin. Wag kang magmadali." Sabi ni papa.
"Oo nga anak, tsaka tulungan mo nalang kaya kami ng mama mo sa palengke. Habang naghihintay ka ng trabaho." Sabi sakin ni papa.
"Pa, gusto ko pong magkatrabaho na. Para mapalagu din natin ang pwesto natin sa palengke. Basta, makakahanap din ako ng trabaho. Hindi ako susuko." Sabi ko sa kanila.
"Sumuko ka na. Wala ng pag asa yan." Sabi ni ate.
Sinamaan ko sya ng tingin. Ngumiti sya sakin, natakot siguro.
"Katrina wag mo ngang itulad sayo si Rhian. Kaw ba, kaylan ka maghahanap ng trabaho?" Tanong ni papa sa kanya.
"Soon." Pa cute na sabi ni ate at saka pumasok sa kwarto nya, para mahindi na sya madadakan pa.
"Ma, Pa, punta na po ako sa kwarto ko. Goodnight po." Sabi ko sa kanila at pumasok na ako sa kwarto ko.
"Goodnight anak." Sabay na sabi ni mama at papa sakin.
Tinamad na akong magbihis, kaya diretso na akong nahiga sa kama, at tumingin sa kisame. Hay, sana bukas magkawork na ako. Please. Please. Please.
Ang dami ko ng napuntahang hiring. Pero wala akong napapala. Sana talaga bukas, mayron na.
Pinikit ko ang mga mata ko, at pagkalipas ng isang oras, nakatulog na ako.

BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.