You're Hired

2.8K 124 13
                                    

( G l a i z a )

Dahil nakakastress na sa Office nagpunta ako isang bookstore, na hindi ko alam ang reason kung bakit dito ako na napunta.

Then I saw Rhian.

Of all tha people, sya talaga nakita ko. So yon, nilapitan ko sya, I talked to her eventhough halata namang ayaw nya.

Pero okay naman syang kausap eh. Maybe ang sama kong tao lang talaga dahil hindi ko napansin ang kabutihan nya.

Kaya naman, I told her about the vacant position in our office. Pero parang hindi naman sya interesado, o kung interesado naman sya, hindi ko mahalata.

Kaya ayon, hindi ko sya tinantanan.

I don't know why I'm doing this, but I can feel that she's the right person for the job. Kaya sana, tanggapin na nya bago pa ako mainis.

Anyway, she paid for her book and then lumabas na sya sa bookstore, ako naman nakasunod lang sa kanya. Para akong ewan pero okay lang, feel kong maging ganito ngayon eh.

Finally, she said: "Aalis na ako. Bye, Glaiza."

Wait, hindi yon ang gusto kong marinig eh.

"What?! You're leaving?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, maghahanap ako ng mapapasukan. Diba? Sinabi ko yan sayo kanina. Sige na, alis na ako." She answered.

"Hiring nga kami." Sabi ko sa kanya.

"So?" Tanong nya.

"Hindi pa ba obvious yon?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ba sya nakakaintindi?

"Ang alin?" Inosenteng tanong nya.

Hindi nga talaga nya alam. Hay nako!

"You're hired!" Madiin kong sabi sa kanya with matching smile pa.

Nakanganga lang sya sakin. As in! Nakapagbilang pa ako ng 1 to 10 bago sya kumurap.

"Rhian?" Tawag ko sa kanya.

"Ano nga ulit ang sabi mo?" Tanong nya sakin.

"You're hired!" Ulit ko.

"Pero hindi naman ako nag aapply, tsaka diba ayaw mo sakin." Sabi nya. Medyo nailang tuloy ako.

"Naghahanap ka ng work diba?" Tanong ko sa kanya.

"Yes." Sagot nya.

"I am hiring you!" Sabi ko sa kanya. Sana naman magets na nya.

"Ha?"

"Alin ba ang di mo naiintindihan doon?" Tanong ko. My goodness.

"Kasi nga diba ayaw mo sakin. Tsaka hindi ako prepared." Sagot nya.

"Don't worry na sakin pa naman yong application mo. Tsaka nainterview na kita dati diba? So okay na yon. Again, you're hired." Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Nakatingin lang sya sakin na para bang hindi nya alam talaga ang pinagsasabi ko.

"Alam ko para kang ewan. Gusto mo ba o ayaw mo?" Tanong ko sa kanya. Nawawala na ang pagiging good ko.

"Gusto. Hindi lang talaga kasi ako makapaniwala." Sagot nya.

"Maniwala kana kasi ito na oh, nangyayari na." Saka ko sya hinatak bago pa ako magalit at bawiin ang mga sinabi ko.

Hay! Hindi ko alam na ganito pala itong babaeng ito.

_____

( R h i a n )

Paulit ulit na sinasabi sakin ni Glaiza na "You're hired" pero parang hindi mag sink in sa utak ko.

Kasi naman, ang pangit ng una at pangalawa naming pagkikita. Tapos biglang may ganito? Ano yon magic?

Unexpected na nga na dito kami nagkita, tas mas malala pa ito kaya nganga talaga ako.

I'm happy na magkakawork na ako, pero hindi pa rin ako makapaniwala na ngayon na ito mangyayari at sa companya pa nila Glaiza. Hindi talaga ako makapaniwala. Promise!

Pero ang bait ni papa God sakin. Biruin mo, hindi na nya ako pinahirapan pa. Hired na kaagad ako.

Alam kong nagtitimpi lang si Glaiza na hindi magalit sakin, pero napaka obvious naman sa mukha nya. Eh ano ba kasing magagawa ko? Hindi nga ako makapagsalita ng maayos sa sobrang gulat ko.

Tsaka nag iisip ako kung anong mangyayari sakin pagdating sa companya nila? Knowing na hindi mabait na tao si Glaiza. Malay ko ba kung pakana nya lang ito. Pero bahala na.

Kaya ayon, nang hinatak nya ako, eh di nagpahatak ako.

Tapos naglakad na kami papunta sa Building nila. Kabado ako sa mangyayari pero sana naman maging okay ako doon.

Nagtaka pa si manong guard ng makita akong kasama si Miss Glaiza o nagtaka sya na kasama ko si Miss Glaiza. Na gets nyo ba? Ako hindi. Ano ba itong nangyayari sakin? Wala ako sa sarili ko. Kailangan kong makabalik sa sarili ko bago pa ako tuluyang mawala.

"Wait lang!" Sabi ko kay Glaiza. Then huminto ako sa paglalakad.

"Ano na naman?" Tanong nya sakin.

Tiningnan ko sya tapos ang paligid ko, pati si Guard tiningnan ko. Tapos huming ako ng malalim. Saka nagsalita.

"Totoo ba talaga ito? Hindi mo ba ako pinagtitripan lang?" Tanong ko sa kanya.

"I'm serious. Seryoso akong tao Rhian. Bakit mo naman naisip yon? Gusto mo bang pagtripan kita? Magsabi ka lang." Halata sa boses nya ang pagkainis.

"Hindi. hindi. Okay na ako. Tara na!" Nginitian ko sya tapos ako na ang humatak sa kanya papasok sa loob.

Bahala na talaga. Pag hindi sya umayos, aalis kaagad ako.

Tapos yon, sumakay na kami sa elevator para pumunta sa office nya.

Goodluck to me!

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon