Sorry

1.8K 90 10
                                    

( R h i a n )

"Anak, bakit ngayon ka lang?" Tanong sakin ni mama.

"Hindi ka manlang nagtext o tumawag manlang." Sabi naman ni papa.

Hindi na dumagdag si ate, kasi alam naman nya ang nangyari.

Mahirap magsinungaling, pero hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila yong pagpunta namin sa hotel at kung ano ang ginawa namin. Syempre, confidential yon.

"Sorry po, Ma, Pa. Pagkatapos po kasi ng dinner, nagkaroon ng emergency si Glaiza. Dinala po sa hospital yong papa nya, kaya hindi ako nakapagtxt. Sorry po." Sagot ko sa kanila.

"Sa hinaba haba ng oras, hindi mo manlang naisip yon? Anak naman." Sagot ni mama sakin.

I feel really bad right now.

"Kumusta naman yong papa nya? Ano daw nangyari?" Tanong naman ni papa sakin.

"Nag colapse daw eh, pag alis ko, hindi pa rin sya gising eh." Sagot ko.

"Nako, kawawa naman. Sana gumaling kaagad sya." Sabi naman ni mama.

"Anak, wag mo ng ulitin ito ha? Hindi kami nakatulog sa pag aalala sayo." Sabi sakin ni mama.

"Opo, sorry po ulit." Sagot ko at tiningnan ko si ate, nakatingin lang sya sakin. As in tutok na tutok. Alam nyang nagsisinungaling ako pero hindi naman sya nagsasalita.

"Tara na, pasok na tayo nang makapag almusal tayo." Yaya ni ate samin.

Kaya yon, pumasok na kami at kumain na. Pagkatapos, pumunta ako sa kwarto ko, para kumuha ng damit, kasi maliligo ako.

"Rhian? Mag usap nga tayo." Sabi ni ate sakin.

"Tungkol saan ate?" Tanong ko sa kanya.

"Saan ba talaga kayo nagpunta ni Glaiza? Alam kong hindi lang sa hospital kayo nanggaling. Alam kong may iba pa kayong pinuntahan." Sabi sakin ni ate.

Total alam naman ni ate ang tungkol sa aming dalawa, sasabihin ko nalang sa kanya ang totoo.

"After naming mag date, nagpunta kami sa hotel. Nagkwentuhan, tapos may biglang tumawag na dinala sa ospital ang papa nya, kaya yon, nagpanic kami at nagpunta doon, kaya hindi ako nakauwi at nakatext." Sagot ko sa kanya.

"Aba aba, Nako Rhian, may hindi ka sinasabi. Ate mo ako tapos naglilihim ka." Sabi ni ate tapos nag cross arms sakin.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya. Bawal ishare yong ganon.

"Grabe ka, Binigay mo sa kanya yan? Eh hindi pa nga kayo matagal na magkakilala. Inunahan mo pa ako, ako nga virgin pa rin hanggang ngayon." Sagot ni ate.

"Ate, wag ka ngang maingay. Baka may makarinig sayo." Sagot ko sa kanya.

"So totoo nga. Ikaw na babae ka, buti nga babae yong gumanyan sayo, nako! Teka, kayo na ba? Kasi kung hindi, mas magagalit talaga ako sayo, dahil sa kagagahan mo." Sagot sakin ni ate.

"Kami na nga kasi." Sagot ko sa kanya, para tumigil na sya.

"Ayon naman pala, ayusin mo lang na hindi ka masaktan. Kasi pag nangyari yon, ipapabugbog ko sya." Sagot sakin ni ate.

"Oh sya, maligo ka na, nangangamoy kana." Dagdag pa nya tas lumabas na.

Inamoy ko ang sarili ko, hindi naman ako mabaho. Si ate talaga.

Tapos yon, pumunta na ako sa banyo para makaligo.

______

( G l a i z a )

"Mama?" Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ngayong nandito sya.

Naglakad sya papalapit samin ni papa.

"Anak." Hinawakan nya ako.

"Don't touch me and don't call me that. Nakakapangilabot." Tumayo ako at sumandal sa wall ng kwarto ni papa.

"I'm sorry Alfredo, kung ngayon lang ako nakapunta. Kadadating ko lang kasi from Korea." Sabi ni mama sa papa ko.

"It's okay." Sagot ni papa.

What? Okay lang kay papa? Hindi ko maintindihan.

"Pa? What's going on?" Tinanong ko si papa in a calm voice kahit pa gusto kong magalit, naisip ko pa rin ang kalagayan ni papa.

"Anak, patawarin mo na ang mama mo." Sabi niya sakin.

"Papa, hindi ganon kadali yon. At sorry po pero wala akong balak na patawarin sya." Mahinahon kong sabi.

Wag lang talaga magsalita itong babaeng ito, dahil baka sumabog ako.

"Cous, chill lang." Sabi naman ni Chynna. Tsak lumapit sya kay mama.

"Tita, labas po muna tayo." Yaya nya kay mama, at mabuti naman sumana ito.

Nang makalabas na sila, saka ko hinarap si papa.

"Papa naman. Ano yon? Bakit sya nandito?" Padabog akong naupo sa tabi niya.

"Anak, find a way in your heart to forgive her. She's your mother." Sabi naman ni papa.

"Why? Bakit pa? Eh iniwan nya nga tayo noong limang taon palang ako nang walang rason lang. Tapos ngayon babalik sya kung kailan matanda na ako? Hindi ko kailangan ng ina. Ikaw lang papa, sapat na." Sagot ko sa kanya.

"Actually anak nagkausap na kami bago pa ako makauwi dito sa pilipinas, she's very sorry na iniwan nya tayo dati, and I can't help it, I still love her, anak. Hindi yon nagbago. I know this is hard for you, pero sana anak, dumating ang panahon na mapatawad mo rin sya." Sagot ni papa sakin.

I want to be happy for him, pero pano ako? Hindi ko kayang makita o makasama si mama. I hate her for leaving us, for leaving me. Anak nya ako tapos iniwan nya lang. Hindi nya ako mahal. That's for sure.

I took a deep breath and hold his hand.

"Basta Pa, wag nya lang talaga akong pakialaman, magiging okay ako." Sagot ko sa kanya.

"Thank you anak." Sabi nya.

"Nagpabili pala ako ng food kanina kay yaya. Kain tayo Pa." Sabi ko sa kanya at tinulungang umupo si papa.

Habang kumakain kami, naiisip ko kung saan titira si mama, kung hanggang kailan ba nya kami guguluhin.

"Papa, hanggang kailan si mama dito?" Tanong ko.

"She's staying here for good. With us." Nakangiting sabi ni papa.

"Ha?" Parang nabingi naman ako doon.

"You heard me." Sagot ni papa.

Parang gusto kong maglipat bahay, pero ayoko namang iwan si papa na kasama si mama. Hay wala talaga akong choice.

"Sya nga pala anak, asan si Rhian? Diba nag date kayo kagabi? How was it?" Tanong ni papa.

Ngayong namention niya ang mahal ko, gumanda ang pakiramdam ko.

"It was great". Napangiti ako ng maalala ko ang kagabi sa date at sa hotel.

"And?" Sabi ni papa.

"And she said Yes." Kinikilig kong sabi kay papa.

"Congratulations anak. I'm happy for you." Sabi ni papa tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Thanks Pa." Atleast I have papa and mahal ko that loves me. I don't need anyone else.

Pinagpatuloy namin ang pagkain at pagkatapos pinatulog ko na ulit si papa para makapagpahinga sya.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon