Happiness

1.4K 66 7
                                    

( R h i a n )

Pagkatapos ng araw na yon, tuluyan na nga talagang nagkaayos si Glaiza at ang mama nya. Pati na rin kami.

Akala ko nga kaplastikan lang yon (forgive me for thinking that way), pero okay na kami. Mabait naman pala sya.

It's been a week now, at maganda naman ang naging resulta ng pagsasabi ko ng buong katotohanan kay Glaiza.

Kasalukuyan kaming naghahanda para magsimba, bilang pasasalamat sa mga blessings na binigay samin.

"Tapos ka na ba Katrina?" Tanong ni mama kay ate na nasa kwarto pa nya, siguro nagpapaganda.

Sya nalang kasi ang hinihintay namin.

"Wait lang." Sagot nya.

Kinatok ko sya sa kwarto nya at binuksan nya ito.

"Ano?" Tanong nya.

"Tagal mo ate ah. Nagpapaganda ka yata." Sabi ko sa kanya.

"Sira! Maganda talaga ako at tsaka ano bang paki mo kung matagal ako." Nagtataray na naman na sabi ni ate sakin.

"Eh kasi naman simbahan ang pupuntahan natin, hindi party." Sagot ko sa kanya.

Inirapan nya lang ako at nagpatuloy sa pag aayos ng sarili nya.

Siguro inabot sya ng 30 minutes. Buti nalang talaga, maaga pa kaming nagprepare.

So yon, sumakay na kami ng jeep para makapunta sa simbahan. At pagdating namin, nandoon na sila Glaiza. Gusto kasi namin na sama samang magsimba.

Isang buong pamilya kami ngayon dahil kasama ko rin si mama at papa pati na rin si ate. Sya naman kasama din ang parents nya  pati si Chynna. Oh diba? Ang dami namin, parang fiesta lang.

Ang saya lang kasi supportive ang parents namin. Tanggap nila ang relasyon namin, at yon naman talaga ang importante.

Pagdating namin sa simbahan, magkatabi kami ni Glaiza, si Chynna naman at ate ang magkatabi. Natatawa nga ako kasi hindi maipinta ang mukha ni ate, pero hindi naman sya nagrereklamo kasi nasa simbahan kami. Tapos yon, nagsimula na ang mass.

Pagkatapos ng mass, napagdesisyunan naming pumunta sa bahay nila Glaiza. Nahihiya pa nga si mama at papa, kaso nag insist talaga yong papa ni Glaiza na sumama sila, kaya yon, wala na silang nagawa.

Tapos yon, bumyahe na kami papunta sa bahay nila.

Pagdating namin, agad na inihain ang pagkain sa hapag. We bless the food at kumain na pagkatapos.

"I'm so glad that we are all here today." Sabi sakin ni Glaiza.

"Masaya din ako." Sagot ko sa kanya.

"But I can't wait na masolo ka mamaya." Kumindat sakin si Glaiza.

Kinurot ko sya sa may pwet, at mas lalo pa syang natuwa.

"Shhh!" Sabi ko nalang sa kanya para sawayin sya, baka may makarinig pa sa sinabi nya.

"Anak!" Tawag ng mama nya. So yon, nag usap sila in a low voice, tsaka hindi naman din ako tsismosa, kaya kinausap ko nalang si ate.

"Kumusta ate?" Tanong ko sa kanya.

"Makakumusta ka naman, parang hindi tayo magkasama eh." Sabi ni ate sakin tapos inirapan ako.

"Kumusta puso mo?" Tanong ko sa kanya.

"Babatukan na kita, isa pa Rhian." Sabi niya ulit sakin.

Nakakatawa talaga si ate, nagpapakabehave ngayon eh.

Maya maya nagsalita na ang mama ni Glaiza.

"Everyone, I'd like you to meet my daughter." Sabi nya.

Lahat kami nagulat sa sinabi niya. Si Glaiza ba tinutukoy nya? Tapos biglang may pumasok.

"Hello everyone." Bati nya.

Napanganga kami ni Glaiza sa nakita namin.

Sya??

_____

( G l a i z a )

After what happened, mas lalo pa kaming naging close ni mama. She fix what's broken in us. Si papa naman, lumakas na ang katawan, syempre, buhay na buhay na ulit ang puso nya diba?

Masaya ako sa naging resulta ng gulong nangyari samin. It brings us closer to each other.

Napag usapan naming magsimba kasama ang pamilya ni Glaiza, kasi hindi pa sila nagkita kita. Oh diba? Supportive ang family namin. Ang sweet.

So yon, pagdating namin sa simbahan, dumating na din ang pamilya ni Rhian and everything turn out just fine.

I am so blessed to have a family na open minded. Pareho kami ni Rhian.

Ang nakakatawa sa araw na ito ay si katrina. Si Chynna kasi alam kong okay lang, pero si Katrina kaso hate ako, mas lalo na si Chynna. Alam kong pinipigila nya ang sarili nya na magalit. She's trying to be nice.

I can't blame her naman kung bakit galit sya samin, pero it's so long ago na. Dapat nakamove on na sya, katulad namin. I just want us to be friends, kasi pamilya na kami eh. Diba?

So yon, pagkatapos ng mass, we invited Rhian's family sa bahay para kumain at makapagbonding na rin.

So yon pumunta kami sa bahay at agad na inihain ang pagkain. We enjoyed the food as much as we enjoyed the company of each other.

Then my mom called me but I was not paying attention to what she's saying, kasi naman magkatabi kami ng mahal ko, kaya naririnig ko ang pag uusap nila ni Katrina. Nakakatawa ang magkapatid na ito. Sayang only child kasi ako, kaya wala akong kapatid na kakulitan, pero I have Chynna naman, yon nga lang madalas kaming magkaasaran.

Then I was shocked ng marinig ko ang sinabi ni mama.

"Everyone, I'd like you to meet my daughter." She said.

What???

Then pumasok siya and greeted us. Seriously? Of all people, sya pa?

Parang nananaginip lang yata ako, kaya nakanganga lang ako sa nakikita ko.

Lumapit sya sa mama ko at nagmano, pati na rin kay papa at sa parents ni Rhian.

Seryoso ba sya? Lahat talaga? Masyado yata syang magalang.

"What the F?" I said out loud.

"Glaiza!" Saway sakin ni Rhian.

Mukhang hindi ko matake ang nangyayari ngayon.

"Punta lang ako ng C.R." Paalam ko sa kanila.

I need air, parang hindi ko yata kayang huminga ngayon.

Maya maya, kinatok ako ni Rhian.

"Glaiza, okay ka lang ba?" She asked. Binuksan ko ang pinto, at ngumiti sa kanya.

"Is this really happening?" Parang gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ito.

"Yes, kaya tara na, bumalik na tayo doon." Sabi nya sakin at hinatak ako pabalik sa hapag.

Oh well, I guess I deserve an explanation, enlightenment, etc.

Tapos saka na ako magrereact.

*****

Hello readers. 😊😊

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon