( R h i a n )
See you later daw? Anong ibig sabihin noon? Di ko maintindihan.
Kaya naglakad ako papunta sa office nya. Aba'y nadatnan kong nakangiti si Glaiza. Alam nya talagang pupunta ako dito.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kaagad sa kanya.
"Ang ibig kong sabihin ay kung pwede ba kitang yayaing makipagdate sakin mamaya?" Sagot nya sakin.
"Date?" Paglilinaw ko sa kanya. Baka kasi iba lang yong narinig ko.
"Yes. Ayaw mo ba?" Tanong sakin ni Glaiza.
"Okay lang sakin." Sagot ko sa kanya.
Syempre gustong gusto ko, pero dapat pakipot ako kasi baka sabihin nyang "easy to get" lang ako. Hindi pwede yon, kahit pa gustong gusto sya, dapat pakipot muna.
"Okay lang? So parang napipilitan ka lang? Ganon?" Tanong ni Glaiza sakin.
Nahalata nya pala. Baka sumama na ang loob nito sakin.
"Gusto, syempre." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti sya sakin.
"Then I'll pick you up at 7." Sagot nya sakin.
"Okay." Sagot ko sa kanya.
Tapos nagpaalam na ako para bumalik sa table ko. Pero tinawag nya ako, kaya lumapit ako sa kanya.
"Yes ma'am?" Sabi ko sa kanya.
Umirap na naman sya.
"Pwede bang wag mo akong tawaging maam? Nakakapangit ng mood eh." Sabi nya sakin.
"Ano naman dapat itawag ko sayo?" Tanong ko.
Ngumiti sya ng nakakaloko.
"Pwede namang.... babe,love, sweety." Sagot nya sakin. Natawa ako sa sinabi nya. Deep inisde, sobrang kilig ang nararamdaman ko.
Pwede naman kahit ano yong itawag sya
"Ewan ko sayo Glaiza. Sige na babalik na ako sa table ko." Sabi ko sa kanya.
"See you later, Rhirhi." Sagot nya sakin.
Tapos lumabas na ako.
Binigyan nya ako ng nickname. I like it!
Nagpakabusy na ulit ako sa trabaho ko.
Then dumating na ang oras ng uwian. Hinintay ko si Glaiza, at sabay kaming umuwi. As usual, hinatid nya ako sa bahay para daw mabilis akong makapag ready.
So yon, patakbo akong pumunta sa kwarto ko, at naghanap ng maisusuot. Nang makahanap na ako, naupo muna ako saglit sa kama ko, at lumabas na rin para makapagpaalam kayla mama at papa.
Pagkalabas ko, nakita ko sila sa kusina kasama si ate.
"Ma, Pa. Magpapaalam po sana ko ako. Niyaya po kasi ako ni Glaiza na kumain sa labas." Sabi ko sa kanila.
"Aba'y kung sa labas lang naman, bakit di nalang dito sa loob ng bahay." Sagot ni ate.
"Ate naman, hindi naman literal na sa labas ng bahay natin." Sagot ko sa kanya.
"Anak, napapadalas na yata yong pag labas nyo ah." Sabi naman ni papa sakin.
"Hindi naman po." Sagot ko sa kanya.
"Oh sya, sige na. Magbihis ka na. Basta anak, mag ingat ka palagi ha? At wag kang magmamadali sa mga bagay bagay." Sabi naman ni mama sakin.
"Salamat ma." Sagot ko sa kanya at niyakap sya, pati narin si papa.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.