( R h i a n )
Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang nagbibigay ng saya sa buhay ko. Si Glaiza.
Tulog na tulog pa rin sya, mukhang sarap na sarap sa unan nya (yung braso ko).
Ang sarap sa pakiramdam na magkasama kami ngayon. Yong pagmulat ng mga mata mo, sya kaagad makikita mo. Tas magdikit lang kayo, kasi maliit yong kama.
Hinalik halikan ko sya sa noo. Tapos maya maya, nakangiti syang nagmulat ng kanyang mga mata.
"Good morning mahal ko." Sabi ko sa kanya.
"Good morning too mahal ko." Sagot nya sakin.
Tapos hinalikan ko sya, para mas lalong gumanda ang araw ko.
"Naks naman, kagigising ko lang, may award kaagad ako." Nakangiting sabi ni Glaiza.
"Tara na, tumayo na tayo. Para makapag almusal na." Sabi ko sa kanya.
Tumayo kami at nagkatawanan dahil nakaunderwear lang kami pareho. Kaya yon, nagbihis kami at nag ayos ng sarili. Tapos lumabas na kami para mag almusal.
Agad kaming binati ni mama at papa. Binati din namin sila. Saka naman ang pagdating ni ate, kaya sabay sabay kaming nakapag almusal.
Napatingin ako sa bintana, napakaganda ng langit, siguro magandang magswimming ngayon.
"Ma, Pa, gusto nyo bang pumunta at maligo sa beach?" Tanong ko sa kanila.
Nakatinginan sila.
At sabay na sumagot ng "oo naman".
"Ako? Hindi nyo ba ako isasama?" Tanong ni ate.
"Syempre kasama ka. Ikaw pa ba." Sagot ko sa kanya.
"Eh ako?" Tanong ni Glaiza.
"Mas lalo ka na. Pati yong pamilya mo, sama mo rin." Sabi ko sa kanya.
Napangiti sya, at pinagpatuloy ang pagkain.
"Rhian, bakit bigla kang nagyaya? Anong mayron?" Tanong ni ate sakin.
"Wala lang. Maganda kasi yong sikat ng araw, parang ang sarap maligo sa dagat." Sabi ko sa kanila.
"Sabagay." Sagot ni ate.
Tapos yon, pagkatapos naming kumain, naligo na ako at pinauwi ko na si Glaiza para yayain ang parents nya, pati si Chynna at Solenn.
Ako naman ay nag ready na rin para sa outing namin.
Magiging exciting ito, dahil kompleto kami.
Pagkatapos mag ready ng lahat, bumyahe na kami papunta sa resort at agad na nag check in sa hotel. Tapos nagpaalam muna ako saglit kayla mama, para bumili ng regalo para kay Glaiza. Siguradong matutuwa sya dito.
Maya maya, tinawagan ko si Glaiza at tinanong kung nasan na sila. On the way na daw, kaya naman bumalik na din ako sa resort.
Nakita ko sila mama na naliligo na sa dagat. Naglakad ako papalapit sa kanila, at tinawag sila. Wala pa akong balak maligo eh. Kaya nagpunta muna kami sa buhangin at umupo kaming apat.
"Magpapaalam po sana ako." Panimula ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong naman ni ate.
Tiningnan ko lang sya at pinagpatuloy ang sinasabi ko.
"Seryoso po ako kay Glaiza, at alam ko na sya na talaga ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko. Gusto ko po sanang malaman kung papayagan nyo po akong maging maligaya?"
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.