( R h i a n )
Hindi naman masyadong madami ang ginagawa ko ngayon, so meron akong time para titigan si Glaiza ng palihim. May salamin kasi ako sa table ko na nakaharap sakin, eh nasa likod ko ang office ni Glaiza, so kitang kita ko sya.
Nakita kong may kausap sya at patawa tawa pa sya.
Nalungkot ako sa nakita ko, mukhang masaya sya. Sino kaya yong kausap nya? Sana si Chynna lang yon. Pero alam ko naman na pag si Chynna yong kausap nya, seryoso sya. So hindi si Chynna. Yong papa nya kaya? Hmm, possible nga.
Medyo narelax yong isip ko. Baka nga yong papa nya lang yong kausap nya.
Huminga ako ng malalim at bumalik sa pag tatype sa computer ko.
"Hello Rhian." Biglang sabi ni Glaiza na nakatayo pala sa tabi ko. Nagulat ako kaya napahinga ako ng malakas.
""I want you to know that whatever happens to us, I take it seriously. Okay?" Sabi nya sakin.
"Masaya akong marinig yan mula sayo. Ganoon din ang kasi ang nararamdaman ko para sayo." Sagot ko sa kanya.
"Really?" Tanong nya.
"Yes."
"Bat ka nanggugulat?"Tanong ko sa kanya.
"Hello, hindi ka naman magugulat kung nandito ka lang. Ang layo na ng narating mo siguro." Sagot nya.
Oo nga naman.
"Sorry naman. Hmm, may ipapagawa ka ba maam?" Tanong ko sa kanya.
Umirap sya sakin. Natawa ako sa itsura nya. Mukhang ayaw nyang tawagin ko syang maam.
"Wala naman. Namiss lang kita. Ikaw lang naman yong hindi ako namimiss." Sagot nya sakin.
Tumingin ako sa paligid kung mayroong nakarinig sa sinabi ni Glaiza. Mukhang wala namang nakarinig, kasi mga busy pa rin sila sa mga trabaho nila.
"Syempre naman, namiss din kita." Sagot ko sa kanya pero mahina lang ang boses ko. Baka kasi may makarinig eh. Ma issue pa kami.
"Anong sabi mo? Hindi kita narinig." Sagot nya sakin.
Napatakip ako ng mukha ko. Ngayon pa talaga sya nabingi? Nako Glaiza.
Tiningnan ko sya ng mamaya nalang tayo mag usap look.
"Di kita maintindihan." Sabi niya sakin. Tapos ngumiti sya. Seryoso ba sya o narinig nya talaga tas joke nya lang ito?
"Ang saya mo no?" Sagot ko sa kanya tapos tumayo at nagpunta sa kitchen, para mag templa ng coffee ko. Tsaka para doon nalang din makipag usap sa kanya. Alam ko namang susundan nya ako.
So yon, pagdating namin, nagtempla ako, sya naman nasa likod ko lang.
"Rhian, dinededma mo ba ako?" Tanong nya sakin.
Natawa ako sa tanong nya. Ang dami namang pwedeng isipin yon pa talaga.
"Hala sya, hindi naman." Sagot ko tas lumapit ako sa kanya.
"So ano nga, hindi mo talaga ako namimiss?" Tanong sakin ni Glaiza.
"Sa pilitan ba? Kailangan bang oo yong sagot ko?" Sabi ko sa kanya. Tas tumawa ako ng kunti.
"Alam mo, walang nakakatawa. Medyo nakakapikon ka na. Bahala ka nga dyan." Sagot nya sakin tapos tumalikod na sakin at tipong mag wowalk out na.
Mabilis ko syang hinawakan sa kamay at hinila papalapit sakin hanggang sa maglapit ang mga labi namin.
Lumaki ang mga mata ni Glaiza habang magkadikit parin ang mga labi namin. Tapos bigla ko din syang nilayo sakin na ikinagulat nya.
"I miss you." Sabi ko sa kanya, tapos inunahan ko na syang bumalik sa office. Bahala sya sa kitchen.
_____
( G l a i z a )
Napatingin ako sa direksyon ni Rhian, at mukhang malayo ang iniisip nya.
Kaya nilapitan ko sya, pero wala eh, ang layo pa rin ng tingin. Hindi manlang ako napansin.
Tinawag ko ang atensyon nya, aba'y nagulat sakin.
"Bat ka nanggugulat?" Tanong nya. Hindi ko nga sya ginalaw, nagulat sya. Siguro kung tinapik ko sya nasapak ako.
""Hello, hindi ka naman magugulat kung nandito ka lang. Ang layo na ng narating mo siguro." Sagot ko sa kanya.
"Sorry naman. Hmm, may ipapagawa ka ba maam?" Tanong nya.
Nag echo sa tenga ko yong salitang "ma'am", nananadya yata sya eh. Pagkatapos ng kiss namin, maam talaga itatawag nya sakin?
Napairap tuloy ako sa kanya.
"Wala naman. Namiss lang kita. Ikaw lang naman yong hindi ako namimiss. Sagot ko sa kanya.
Pagkasabi ko nyan, kinilig talaga ako. Pero deep inside lang, bawal ipakita.
Tumingin tingin sya sa paligid, siguro sinisuguro kung may nakarinig sa sinabi ko. Nahihiya siguro sya, nako! Maghintay lang sya, isang araw ipagkakalat ko sa buong mundo na mahal ko sya.
"Syempre naman, namiss din kita." Sagot nya sakin. Dinig na dinig ko, at tuwang tuwa ang puso ko. Kaya gusto ko na ulitin nyang sabihin yon.
"Anong sabi mo? Hindi kita narinig." Pakunwari kong sabi sa kanya.
Napatakip sya sa mukha nya. Nahiya siguro sakin. Ayeee. Kinikilig tuloy ako.
Tumingin sya sakin at parang may sininyas, eh hindi ko naman naintindihan. Tapos naglakad sya papunta sa kitchen na hindi manlang ako sinabihan. Kaya sinundan ko sya. Pero hindi pa din nya ako pinansin.
"Rhian, dinededma mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
Hindi naman daw pero hindi ako pinapansin. Kaya kinulit ko ulit sya.
"Sa pilitan ba? Kailangan bang oo yong sagot ko?" Tanong nya sakin tas tumawa sya. Hala, nakakapikon sya.
"Alam mo, walang nakakatawa. Medyo nakakapikon ka na. Bahala ka nga dyan." Sabi ko sa kanya tas tinalikuran ko sya, hindi ko alam kung ano yong trip nya. Mamaya nalang ako babalik pag okay na sya.
Hinatak ako ni Rhian pabalik sa kanya, at saktong naglapat ang aming mga labi.
Sobra akong nagulat sa nangyari, pero syempre I enjoy her sweet kiss.
Kaso lang tinulak nya kaagad ako, hindi ko pa nga masyadong naenjoy yong moment.
Iniwan pa ako dito. Nako, itong babaeng ito, masyado akong binibitin. Tapos nang gugulat pa.
Inayos ko ang sarili ko at naglakad papunta sa kanya. Ako naman ang gugulat sa kanya.
"See you later." Bulong ko sa kanya. Tas kinindatan ko sya. Tapos bumalik na ako sa office ko.
Alam kong nag iisip sya ngayon kung bakit see you later ang sinabi ko. Bahala syang magconclude.
And then I saw her walking towards my office.
Sabi ko na nga ba, hindi sya mapapakali. Hinintay ko syang makapasok, and I show her my sweetest smile.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.