Stay

2.2K 96 7
                                    

( G l a i z a )

Nagising ako na nasa loob ng kotse ko habang ito ay umaandar.

Napatingin kaagad ako sa driver's seat, baka nakidnap na ako, o nananaginip o ano. Kasi the last that I remembered is being drunk sa office. So pano ako napunta rito?

Medyo blurred ang paningin ko kasi nga lasing ako. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng driver ko.

"Hey, sino ka? At saka bakit kaw nagdadrive ng kotse ko?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin sya sakin.

"Oh, gising ka na pala." Sagot nya sakin.

"Rhian?" Alam kong sya ito, kilala ko boses nya eh.

"Ako nga. San ba bahay mo para maihatid na kita. Buti na nga lang nagising ka, wala akong pera pang hotel mo." Sagot nya sakin.

"May pera naman ako sa purse ko." Sagot ko sa kanya. Anong akala nito sakin, poor!

"I know. Pero ayoko namang makialam sa gamit mo, baka masabihan mo pa akong magnanakaw." Sagot nya sakin.

Aba'y nakuha pa nyang isipin yon, sa kabila ng nangyayari ngayon. Pano kung di ako nagising? Saan kaya kami napunta O saan kaya nya ako iiwan?

Umayos ako ng upo ko.

"Salamat nga pala." Bigla kong nasabi.

"Para saan? Para sa hindi pag iwan sayo at pagdrive sayo ngayon? You're welcome." Sagot nya.

Medyo masungit sya ngayon. Pansin ko lang.

"Galit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ako galit sayo. Sabihin mo nalang kasi kung saan ang address mo para maihatid na kita at makauwi na ako kasi mahirap ng makasakay sa mga oras na ito." Sagot nya.

Napatango naman ako, at tinuro sa kanya ang daan. Ang bilis magpatakbo ng babaeng ito na parang nakikipag karira. But it suits her.

Nang makapasok na kami at makagarahi, lumabas sya ng kotse kaya ganon din ang ginawa ko.

"Goodnight Glaiza. Uwi na ako." Sabi nya kaagad tapos tumalikod na at naglakad papunta sa gate.

Napakurap akong ng dalawang beses.

"Teka, teka." Habol ko sa kanya.

"Ano?" Tanong nya.

"Uuwi ka talaga? Malalim na ang gabi oh. Dito ka nalang kaya matulog." Sabi ko sa kanya.

"Uuwi na ako,siguradong nagpapanic na ang mga tao doon sa bahay sa kahahanap sakin." Sagot nya sakin.

Kung hindi lang talaga masakit yong ulo ko, ihahatid ko sana sya, kaso delikado.

"Sige, sasamahan nalang kitang maghintay ng masasakyan." Sagot ko sa kanya. Tapos naglakad na kami papuntang gate.

Alam ko sa sarili ko na malabo na syang makahanap ng sasakyan sa mga oras na ito, pero ayoko namang isipin nyang pinipigilan ko talaga syang umuwi, baka ano pang isipin nito.

Sa sobrang tagal ng paghihintay namin, medyo nawala na ang epekto ng alak sakin. Ikaw ba naman, maghintay ng sasakyan ng isa at kalahating oras. Di ka kaya magising.

Sa loob ng mga oras na yon, hindi umimik sakin si Rhian. Kaya hindi nalang din ako nag ingay baka wala sya sa mood, mag away pa kami.

Then bigla syang napabuntong hininga, at tumingin sakin ng masama.

Nako po. Ano kayang ibig sabihin nito?

-----

( R h i a n )

Buti nalang talaga nagising si Glaiza. Kasi kung hindi, baka dinala ko na ito sa bahay, at siguradong malaking gulo yon.

Medyo wala ako sa mood ngayon kasi inaantok na ako at namomroblema ako sa pag uwi ko mamaya.

Hindi ako sanay na umuuwi ng malalim na ang gabi, kaya mabilis ang ginawa kong pagpapatakbo sa sasakyan nya.

Pagkadating namin, binigay ko kaagad sa kanya ang susi at nagpaalam na.

10 p.m. na pala, pano kaya ako makakauwi nito? Nako naman. Lagot ako nito kayla mama at papa. Lalo na kay ate.

Sinubukan akong pigilan ni Glaiza, pero as if naman magpapapigil ako. Eh kakaibigan lang namin, tsaka hindi ko pa naman sya lubusang kilala. Friends na kami, pero getting to know each other palang ang level.

Habang naghihintay ng sasakyan, panay ang tingin ko sa relo ko.

Di nagtagal nakaramdam na ako ng sakit sa paa. Ang tagal na pala naming naghihintay. Tingin ko talaga imposible na akong magkaalis nito. Nakakainis. Pano na ako nito?

Nakakahiya naman kasing magpahatid kay Glaiza, tsaka lasing din ito, kaya delikado.

Napabuntong hininga ako at tumingin kay Glaiza.

"What?" Tanong kaagad nito.

"Wala na ba akong pag asang makasakay?" Taga dito sya, kaya siguradong alam nya.

"Wala na." Sagot nya.

"Bakit di mo agad sinabi? Ang tagal na nating nakatayo dito." Sagot ko sa kanya. Grabe naman sya.

"Eh gusto mo diba? Alangan namang pigilan kita, desisyon mo naman yan." Sagot nya sakin.

Oo nga naman.

Napaupo nalang ako. I feel hopeless.

Maya maya, nakita ko ang kamay ni Glaiza na nakalahad sakin.

"Ano yan? Ano ibig sabihin nyan?" Tanong ko.

"Halika na. Ihahatid na kita." Sabi nya.

Tiningnan ko lang sya.

"Ayaw mo ba?" Tanong nya.

"Seryoso ka?" Tanong nya.

"Wala naman joke sa sinabi ko kaya malamang seryoso ako. Ayaw mo ba?" Sabi sakin ni Glaiza.

"Syempre gusto. Pero kasi lasing ka diba?" Nahihiya kong sabi sa kanya. Seryoso nga talaga sya. Nakakahiya naman. Pero kailangan ko lang talagang makauwi. Hindi ako sanay na hindi na natutulog.

"Trust me. Hindi na. Sobrang isang oras mo tayong naghintay dito, so malamang nawala na ang kalasingan ko." Sagot nya.

Tama nga naman.

"Let's go?" Yaya ni Glaiza.

Tumango ako, at tinanggap ang kamay nya.

"Salamat talaga. Hulog ka ng langit." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka ng masukit. Okay?" Sabi pa ni Glaiza, habang naglalakad kami papunta sa kotse.

Nahalata pala nya yon. Masyado pala akong obvious.

Nginitian ko lang sya at pumasok na kami sa kotse nya, at nagdrive na sya papunta sa bahay.

Sa wakas, makakauwi na rin ako.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon