( R h i a n )
"Having witnessed your consent and with the power invested in me, I now pronounce you united in matrimony." Pagkatapos sabihin ni Father yan, ginawa namin ang unang halik bilang mag asawa sa harap ng lahat ng saksi sa aming kasal.
Kasal na kami. Akin na si Glaiza ng buong buo at sobra akong nagpapasalamat sa pamilya nya at sa pamilya ko sa suporta samin.
Sunod na nangyari ang pagperma sa marriage contract. Mukhang ito na nga talaga ang deal namin sa isa't isa sa habambuhay. Ang deal na kailanman hindi ko pagsisisihan.
Nagtinginan kami ni Glaiza na katabi kong umupo, at katulad ko may nakaharap na papel na pepermahan. Ngumiti kami sa isa't isa at dinampian nya ako ng isang halik. Halik na nagsasabing sa akin ka lang at wala ka ng magagawa.
Pareho kaming puperma sa contract namin at nagpalitan ng papel pagkatapos. Nang matapos na kaming puperma pati na rin ang mga witness ng kasal namin, itinaas namin ang papel bilang katunayan na nakatali na talaga kami sa isa't isa.
Nagsilapitan ang pamilya namin para yakapin kami at icongratulate. Tapos nag papicture din kami at ang lahat ng bisita namin.
Pagkatapos, tinawag ng emcee ang lahat ng mga babae para sa pagsalo ng bouquet. Nang magtipon tipon na sila, sa pangunguna ni Solenn at Chynna.
Tumalikod ako para ihagis ang bouquet, at naghiyawan ang lahat ng maihagis ko, tumalikod ako at tiningnan kong sino ang nakasalo ng bouquet, at napanganga ako ng makita kong hawak hawak ni Chynna at Solenn ang bouquet. Tig isang kamay sila.
Nag-ingay ang mga tao at nagpalakpakan.
"I guess, kayong dalawa ang sunod na ikakasal." Sabi ko sa kanila.
"No way, this is mine." Sabi ni Solenn, at pilit na kinukuha ang bouquet.
"Edi sayo na. Wala pa naman akong bride eh." Natatawang sabi ni Chynna saka binitawan ang bouquet.
"Wala pa din naman ako, pero baka bukas dumating din yon." Sagot ni Solenn.
Nagtawanan nalang kaming lahat sa pinagsasabi ng dalawang ito.
Tiningnan ko si Glaiza at niyakap sya ng sobrang higpit.
"Naks, ang higpit naman ng yakap ng misis ko." Dinampian ako ng halik sa ulo at saka namin tinaas ang magkaholding hands naming kamay na mayroong singsing.
This is the beginning of our marriage life. Ito na yong sinasabi nilang seryosong usapan na ito, seryosong buhay na. Nakatali ka na sa kanya at ganon din sya sayo.
Pero kahit naman ikasal kami o hindi, kahit walang kasulatan. Sya pa rin naman ang gusto kong makasama hanggang sa huling sandali ng buhay ko.
Dito sa mundong ginagalawan natin, hindi talaga natin malalaman kung sino ang taong dadating sa buhay natin at kung sino ang mag i-stay hanggang sa pagtanda natin. Katulad namin ni Glaiza, hindi ko ini-expect na sya ang unang at huling taong mamahalin ko.
Yong sarili ko, hindi ko inexpect na same sex ang makakatuluyan ko, pero dahil na rin sa tanggap ko ang sarili ko, at tanggap ako ng mga tao sa paligid ko, ito ako ngayon, kasal na sa taong pinakamamahal ko. Kay Glaiza, and that's all that matters.
_____
( G l a i z a )
"Having witnessed your consent and with the power invested in me, I now pronounce you united in matrimony." Pagkatapos sabihin ni Father yan, ginawa namin ang unang halik bilang mag asawa sa harap ng lahat ng saksi sa aming kasal.
After the final blessing, we kissed each other infront of this wonderful people.
Yes! Were married. Ito palang talaga yong start ng life namin eh. I can't wait to discover things with her. Syempre kasali na doon ang mga little secrets namin sa isa't isa. But anyways, ang gusto ko talagang mangyari ay ang makasama sya habambuhay.
I will make her happy and make sure that everything is under control.
Binigay samin ang marriage contract na pepermahan namin. Is it a deal or now deal? Peperma ba ako? Syempre, peperma ako. Kahit 1 hundred pages pa yan, pepermahan ko yan, para kay Rhian.
After namin pumerma, tinaas namin ang contract namin para ipakita sa lahat na proud na proud kami at para na rin malaman nila nakatali na sakin si Rhian.
So yon, we did a lot of pictures with our family, friends and ofcourse, picture naming dalawa.
Pagkatapos ng pictorial, nagsalita ang emcee na pinapalapit na ang lahat ng single ladies. Napangiti ako na makita si Chynna na lumapit, si Solenn kasi alam kong lalapit talaga sya pero si Chynna? Ay iba, trip nya lang siguro.
Anyways, hinagis na ni Rhian ang Bouquet, at ang nakasalo ay yong dalawa pa talaga. Pero buti nalang nag give way si Chynna, kasi kung hindi, siguradong mag iinarte yang kapatid ko.
After that, Rhian hugged me tight. Ang sweet sa pakiramdam. I kissed her and then we raised each other's hand na may suot na wedding ring.
I guess this is where we start our journey to forever. Simula sa araw na ito, iba na ang magiging buhay namin. Buhay may asawa na.
In life, we choose the person to love pero hindi mo malalaman kung ganon din sya sayo. We choose to give ourselves to that person, pero aalagaan ka ba nya? Susuklian ba nya ang ginawa mo? Ang daming nangyayari sa buhay ng tao, pero nasa sayo pa rin ang huling alas.
Ako? Tinaya ko na ang huling alas ko. Si Rhian. Ang pinakamamahal ko, ang nag iisang tao na nagparamdam sakin kung gano ako kaimportante, kung gano nya ako kamahal, kung gano nya ako pahalagahan. Ang babaeng mamahalin ko hanggang sa dulo ng walang hanggan.
Kahit may kontrata man o wala, sya pa rin ang pipiliin ko.
Nagpalakpakan ang lahat ng tao habang naglalakad kami papunta sa labas ng venue ng kasal namin.
Dumiritso na kami sa reception at ginawa ang mga nakasanayang gawin pagkinakasal.
Ito na siguro ang pinakamemorable an nangyari sa buhay ko. Yong araw na pinakamasaya ako. And I'm sure araw araw magiging masaya ako dahil kasama ko na ang pinakamamahal ko.
*****
💋
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.