( R h i a n )
Pagkagising ko, mahimbing pa rin ang tulog ng mahal ko. Hinalikan ko sya, at bumangon ako para pumunta sa CR.
Paglabas ko ng banyo, narinig kong may kumakatok sa pinto.
Kaya nilapitan ko ito at binuksan. Nagulat ako ng makita ko ang papa ni Glaiza pati si Chynna.
"Si Glaiza?" Tanong ni Chynna.
"Tulog pa." Sagot ko.
"Pwede ka ba naming makausap in private?" Tanong ng papa nya.
Tumango naman ako, at tiningnan ulit si Glaiza kung tulog pa sya. Tapos lumabas na ako, at nagpunta kami sa private room ng papa ni Glaiza.
"Ano po bang pag uusapan natin?" Tanong ko kaagad ng makarating kami sa room.
Tiningnan ako ni Chynna ng naiilang na tingin.
"It's about Glaiza and her mom." Sabi ng papa ni Glaiza.
Napalunok ako. Mukhang seryosong usapan ang magaganap.
Umupo kaming tatlo at saka nagsimulang magsalita ang papa nya.
"Alam naman natin na may amnesia si Glaiza, at tanging ang mama nya lang ang hindi nya maalala. Alam mo naman Chynna, that she really hates her mother for leaving us, and I'm sure na alam mo na rin ang tungkol doon Rhian." Sabi ng papa nya.
Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya. At pinagpatuloy nya ang pagsasalita nya.
"So naisip ko na maybe this is the right time para magkaayos sila. Total walang naalala si Glaiza, mas mabuti kong magiging okay sila ng mama nya. I really love both of them, and it hurts me na nakikita silang ganyan sa isa't isa. Gusto ko na mabuo ulit ang pamilya ko. And I need your help para magawa yon." Sabi ng papa nya.
Inintindi ko ng maayos ang pinagsasabi nya. May tama naman sya, kasi mag mabuti na buo ang pamilya. Magkaroon sila ng second chance. I'm sure naman na nagsisisisi ang mama nya sa nagawang pag iwan sa kanila dati.
"Tito, what if magtanong si Glaiza tungkol sa mama nya? Sa mga nangyari sa past?" Tanong ni Chynna.
"I'm sorry to say this, pero tingin ko mas makakabuti kung hindi nya malalaman na may ganoong nangyari samin. Let's just say na they were close to each other. Yon lang." Sabi ng papa nya.
"So mag sisinungaling po tayo kay Glaiza?" Hindi ko napigilang itanong sa kanya.
"Yes Rhian. Tingin ko mas makabubuti yon." Sagot nya.
"Masasaktan sya, pag nalaman nyang magsisinungaling tayo sa kanya." Sagot ko sa papa nya. Ayokong lokohin si Glaiza.
"Oo nga tito, mahirap ng magalit satin si Glaiza." Sagot naman ni Chynna.
"I really need your help. Please, tulungan nyo naman akong ma'save ang family ko. I don't know kung hanggang kailan ako mabubuhay, kaya gusto ko na magkaayos sila." Sagot ng papa nya.
"Tito, wag ka ngang magsalita ng ganyan." Sabi ni Chynna.
Bigla akong naawa sa papa nya.
"Chynna, hindi na bubuti ang kalagayan ko. Nararamdaman ko." Sagot ng papa nya habang hawak hawak nya ang kamay ni Chynna.
"Tito naman." Hindi napigilang maiyak ni Chynna. Pati rin ako napapaluha na rin.
"Now please, matutulungan nyo ba ako sa problema ko?" Tanong ng papa nya.
Nagkatinginan kami ni Chynna. Ayokong lokohin si Chynna, pero naaawa ako sa papa nya. Pano kung huli na pala ang lahat. Wala akong choice.
"Tutulungan po kita." Sagot ko sa kanya.
"I'm in." Sagot naman ni Chynna.
"Salamat sa inyo." Sabi ng papa nya.
Tapos lumabas na kami sa room na ito, at naglakad pabalik sa kwarto ni Glaiza.
_____
( G l a i z a )
Nagising ako na wala sa tabi si Rhian. Siguro nasa banyo sya, pero umabot na ng 5 minutes wala pa rin sya.
Hay, saan kaya sya nagpunta? Umuwi na kaya sya? Bakit di nya ako ginising.
Tumayo ako at naglakad palabas sana ng kwarto ko, pero nakasalubong ko si mama ko daw.
"Good morning anak." Bati nya sakin. May dala syang pagkain na nakalagay sa tray.
Hindi ko sya sinagot.
"Pinaghanda kita ng pagkain. Kumain ka muna." Sabi nya sakin. Hindi ko pinansin ang pagkain na dala nya.
"Nakita mo ba ang girlfriend ko?" Tanong ko sa kanya.
Alam kong hindi nya nagustuhan ang term na girlfriend. Halata naman sa itsura nya.
"Hindi ko sya nakita. Sige na, kumain ka na muna." Sabi nya ulit sakin.
"No thanks." Sagot ko sa kanya. At tinalikuran sya.
"Please anak. Stay with me. Give me a chance na magkakilala tayo. Alam kong hindi mo ako naalala but please, treat me as your mom naman. Not just someone na palagi mo nalang paaandaran ng kabitteran mo." Sabi nya in a calm voice.
Am I being bitter? Am I being mean? Napag isip isip ko tuloy na, hindi ko naman talaga sya kilala. So hindi nga dapat ako ganito sa kanya. Kaso sya eh, pinakitaan nya ako ng impression na hindi maganda. Yong girlfriend ko pa talaga ang pinag initan nya.
"I'll stay and eat what you brought, but let's make a deal." Sabi ko sa kanya.
Napangiti sya sakin.
"If that's what you want. Sige. What's your deal?" Tanong nya sakin.
"The deal is you will never touch, say and do anything bad to my girlfriend. Then I promise, I'll be good to you. But if you do that, I swear, you will not stay another day here." Sabi ko sa kanya.
Nakatingin sya sakin na parang impossible ang sinabi ko.
"So, is it a deal or no deal?" Tinaas ko ang isang kilay ko sa kanya.
She smiled at me, but I had this feeling na hindi yan totoo. Pero okay lang, kasi I won't trust her, even if she said yes.
"It's a deal, ofcourse. Para sayo anak." Sabi nya sakin.
"Good. Now, bring me my food." Sabi ko sa kanya at umupo ako sa sofa ko.
Dinala naman nya and I was hungry na pala. Her food makes me drool. Kaya ayan, kumain na kaagad ako without minding her around.
Nang matapos na akong kumain, saka ko lang sya tiningnan. She's smiling at me.
"Why are you smiling?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman anak. Natutuwa lang ako na magkasama tayo ngayon." Sabi nya sakin.
"Okay. Thanks nga pala sa food." Sabi ko sa kanya.
"You're welcome anak." Sagot nya sakin.
Inayos ko ang pinagkainan ko.
"You can go now. I have to take a bath na." Sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya.
"Sige anak." Sagot nya lang sakin. Tapos lumabas na sya at sinara ang pinto ng kwarto ko.
Maya maya pumasok si Rhian.
"Hi mahal ko. Where have you been?" Tanong ko sa kanya.
She just look at me, at medyo kinakabahan ang itsura nya.
I wonder what's wrong.
*****
Good Evening guys. Ito lang muna sa ngayon.
Total holiday bukas, siguro makakapag update ako ng 2 chapters or more, depende lang sa situation.
Anyways, Enjoy! 😗💋
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.