( R h i a n )
Parang mga bata lang, nakakainis. Nakakahiya sa mga tao dito sa loob ng sinehan. Nagtitinginan na sila.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi magalit sa nangyayari ngayon.
"Para kayong mga bata! Umuwi na tayo, wala na akong ganang manood." Sabay tayo at nauna na akong naglakad palabas ng sinehan.
Pagdating ko labas, walang Glaizang sumunod sakin. Nako! Pag hindi talaga sya sumunod, iiwan ko talaga sya dito.
Pumunta ako sa comfort room saglit para makapag ayos.
Tapos maya maya pumasok si Glaiza.
Mabuti naman nandito na sya!
"Kanina pa kita hinahanap. Di mo manlang sinasagot yong phone mo." Sabi nya sakin.
Naalala ko, nakasilent pala phone ko. Bahala sya! Sabi ko sa isip ko. Date daw! Tapos sinira nya, ano yon? Nakalimutan nya kaagad na magkasama kami at date namin yon.
"Uwi na tayo." Yon lang ang sinabi ko at nauna na ulit akong lumabas.
Mabuti naman, sumunod sya sakin.
Pagdating namin sa parking lot, agad nya akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. Bumabawi lang? No epek yan sakin.
Pumasok ako ng sasakyan, pati sya.
Diretso lang ang tingin ko sa unahan. At napansin kong hindi pa din umaandar yong sasakyan.
Tiningnan ko sya at nagtanong.
"Tara na."
"Bakit ka ba nagagalit sakin?" Tanong nya sakin.
"Hindi pa ba obvious?" Tanong ko din sa kanya.
"Okay, alam ko na. Sorry po." Sagot nya sakin tapos sumimangot.
"Ano nangyari doon? Date natin yon pero sinira mo lang dahil kay Solenn? Ano kayo mga bata? Magkapatid kayo,pero daig nyo pa ang mortal na magkaaway!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Yon na nga ang problema, kasi may kapatid ako, half sister pa. Hindi ko yon tanggap. Lalo pa't yong babaeng yon pa ang naging kapatid ko." Sagot ni Glaiza.
Nagulat ako sa sinabi nya.
"Bakit ba galit na galit ka sa kanya?" Tanong ko sa kanya.
"Actually hindi ko din alam. Maybe dahil yon sa pagiging feelingera nya dati sa company. Yong akala mo sya lang ang may alam ng lahat. Ang yabang yabang. Nakakainis. Tas ngayon, feeling close pa, akala mo naman totoong kapatid, kung makaasta." Sagot ni Glaiza sakin.
"Matagal na yon. Tsaka bakit hindi mo sya bigyan ng chance na makasama ka, baka naman maging magkaibigan kayo." Suggestion ko sa kanya.
"No way! Never!" Sagot nya.
Hindi ko din naman sya masisisi, pero sana naman dumating yong time na magkapatawaran na sila, at maging okay.
"Sige, hindi kita pipilitin, kasi wala namna akong magagawa kung ayaw mo talaga. Diba?" Sagot ko at nagseatbelt na ako.
Huminga sya ng malalim.
"Look, I'm really sorry for what happened earlier. Pwede pa ba nating ipagpatuloy yong date natin? Bigyan mo ako ng chance. Please." Tanong nya sakin.
Nagpuppy eyes sya sakin.
"Okay, pero mangako ka sakin na pag nagkita kayo ni Solenn, kung wala ka manlang sasabihing maganda, wag mo nalang syang pansinin. Okay?" Sabi ko sa kanya.
"Deal." Sagot nya. Tas nakipag shake hands sakin. Mukhang seryoso sya sa sinabi ko eh.
Tapos yon, bumalik kami sa loob ng mall at nagshopping nalang ng mga damit namin.
Ititreat nya daw ako. Nako! Pambawi nya sa araw na ito, pero okay na rin. Atleast hindi nasayang yong araw namin.
_____
( G l a i z a )
I asked sorry two times sa kanya. Buti nalang pinatawad na nya ako.
I want to be honest with her sa lahat ng bagay sakin. Kaya kahit nakakahiya, sinabi ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko of having a half sister.
Ayoko talaga, lalo na't si Solenn pa. Nakakainis, mayabang, parang walang problemang iniisip, tas masyadong independent. Basta! Ayoko talaga sa kanya.
Buti nalang pumayag si Rhian pa ako ng isang pagkakataon na maayos ang araw na ito. Pinapili ko sya ng mga damit at pinasukat sa kanya isa isa.
Napakaganda nya sa kahit na anong suot nya. Lahat bagay sa kanya, kahit ako, bagay sa kanya. I mean, bagay na bagay.
So yon, pagkatapos noon, ako ang nagbayad ng mga napili nyang damit. Pagkatapos namin doon, bumili kami ng ice cream at naglakad lakad.
Nakasalubong na namin si Solenn, pero this time, hindi ko na sya pinansin. Sabi ng mahal ko, wag ko daw pansinin kung wala naman akong sasabihing maganda. Wala nga talaga, kaya hindi ko sya pinansin.
Next naming pinuntahan ay Jollibee. Nakakagutom din kasing magshopping eh.
"Mahal ko, masaya ka ba ngayong kasama ako?" Tanong ko sa kanya.
Napatingin sya sakin at ngumiti.
"Oo naman, syempre. Ikaw ba, masaya kang kasama ako?" Tanong nya sakin
"Syempre naman. Gusto ko nga sana, palagi na tayong magkasama habang buhay." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng ubod ng tamis.
Napatingin sya sakin at tumawa ng malakas.
"Hala sya, ilang buwan palang tayo, yan na kaagad ang iniisip mo?" Natatawa nyang sabi.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Nag pout ako sa kanya. Nakakalungkot naman yong sagot nya.
"Syempre gusto ko din. Pero masyado pang maaga para sa ganyan eh." Sagot nya sakin.
"Maaga pa ba? Edi sige, mamayang gabi nalang." Dinaan ko lang sa biro pero promise, nasasaktan na ako.
Natawa lang sya sakin tapos pinagpatuloy na ang pagkain nya.
Pagkatapos naming kumain, pumunta na kami sa parking lot.
I was really sad about what she said kanina sa Jollibee, pero hindi ko pinahalata sa kanya, kasi nakakahiya. Ayoko namang isipin nya na masyado akong nagmamadali sa relasyon namin.
So yon, pinaandar ko na ang sasakyan, at inihatid sya sa bahay nila.
We kissed and she waved goodbye.
Pagdating ko sa bahay, I saw Solenn. Sya na naman? Palagi nalang kaming nagkikita ah. I walked past them, but my mom called me.
"Anak, come, join us." Sabi ni mama.
Nilingon ko sya, nagmimirienda pala sila.
"Busog pa ako Ma. Magpapahinga po muna ako." Sagot ko sa kanya.
I saw Solenn looking at me, pero hindi ko na sya pinansin. I guess tama nga si Rhian. Hindi ko nalang papansinin si Solenn, para hindi nasisira ang araw ko.
Pumasok ako sa kwarto, and take off my clothes. Saka ako humiga sa kama.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga nangyari sa araw na ito.
Is she really serious about me?
Hopefully.
And with that, I fell asleep.
*****
Good Evening po.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.