Just Relax

1.3K 71 13
                                    

( R h i a n )

Alam ko na may posibilidad na yong mama nya ang mamalakad ng kompanya habang wala pa si Glaiza. Pero hindi ko talaga naisip na sya nga talaga ang magiging boss ko for a week.

Dito pa nga lang sa bahay, ayaw nya sakin, mas lalo na sa opisina. Nako talaga nama, ano kayang mangyayari sakin?

Pero sana naman, magbago na sya sakin. Wala naman akong ginawa sa kanya eh.

Pagkatapos naming mag group hug, hindi nagtagal nagpaalam na ako para umuwi, kasi magpiprepare pa ako para sa pasok ko bukas.

"Hatid na kita." Sabi ni Chynna.

"Salamat." Sagot ko sa kanya. Tapos niyakap ko si Glaiza, at nagpaalam na.

Sumakay na kami sa kotse at agad na bumyahe.

"Goodluck nga pala sayo bukas." Natatawang sabi ni Chynna sakin.

"Hindi makakatulong sakin ang goodluck mo Chynna. Nako, bahala nalang talaga bukas." Sagot ko sa kanya.

"Relax ka lang." Sagot ni Chynna sakin.

Akala ko talaga okay ang lahat ngayong okay na sila, sila lang pala. Pero pano yong kami? Tanggap na kaya nya kami ni Glaiza?

"Anong iniisip mo dyan?" Tanong ni Chynna sakin.

"Tingin mo ba Chynna, tanggap na ng mama niya na hindi sya straight?" Tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang, hindi ko rin alam eh. Pero sana naman tanggap na nya." Sagot ni Chynna sakin.

"Sana nga." Sagot ko sa kanya.

Hindi nagtagal nakarating na kami sa bahay. Pagkatapos kong magpasalamat kay Chynna, umalis na din kaagad sya.

Nagmano ako kay mama at papa tapos pumasok na sa kwarto ko.

Ini-ready ko ang mga gamit ko para bukas, tapos humiga na ako para matulog.

*****

Maaga akong nagising kasi balik trabaho na naman ako.

Nagpunta ako sa kusina, at kumain ng breakfast ng mag isa kasi tulog pa ang mga tao sa bahay.

Tumunog yong cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino nagtext. Si mahal ko pala.

"Good morning mahal ko." -Glaiza

Tinawagan ko ang kaagad ang number nya.

"Hello mahal ko. Good morning din sayo. Ang aga mong gumising ah." -Me

"Syempre, wala ka dito sa tabi ko eh. Hindi na ako sanay." -Glaiza

"Pupunta naman ako dyan mamaya diba? Sige na. Matulog ka na ulit." -Me

"Eh, mamaya na. Kausap pa kita eh." -Glaiza

"Hmm, nagbreakfast ka na ba?" -Me

"Yes Mahal ko. Dinalhan ako ni mama ng pagkain dito sa kwarto." -Glaiza

Napangiti ako sa sinabi nya. Mukhang nagiging okay na talaga sila.

"Ganon ba? Mabuti naman. Ako katatapos ko lang kumain, pagkatapos maliligo na ako." -Me

"Ganon ba? Naimagine ko tuloy ang itsura mo habang naliligo." -Glaiza

Tas tumawa sya.

"Sige na. Maliligo na muna ako. I love you mahal ko." -Me

"Call me later ha? I love you more." -Glaiza

"Yes po. I will. Bye." -Me

Tinapos ko na ang tawag.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon