Not Today

2.8K 115 8
                                    

( G l a i z a )

Grabe! Kinabahan ako kanina. Akala ko magbaback out si Rhian. Buti nalang hindi, dahil mahihirapan akong maghanap ulit.

Pagkasakay namin sa Elevator, nakahawak pa rin sakin si Rhian. Medyo nailang ko kaya ako ang bumitiw. After kung gawin yon, edi mas lalong naging awkward.

Teka, bakit ba kami magkakailangan? Di naman kami close. Ay! Tama, hindi nga kami close, so bakit kami magkahawak kamay?

Finally, bumukas na ang elevator at naglakad na kami papunta sa office ko.

Lahat nakatingin samin, or maybe sa kasama ko. Maybe they're checking her out, or just wondering why kasama ko sya.

Binilisan ko nalang ang lakad ko para makarating na sa office ko.

Sa dami ng nasa isip ko, baka mabaliw ako nito.

Pagkapasok namin sa office, saka ako nakahinga ng maayos.

Ano bang nangyayari sakin? Parang iba ako ngayon, masyado akong affected sa mga tawo sa paligid ko. This is not good!

Napatingin ako kay Rhian na nakatayo lang din, katulad ko.

"Maupo ka." Ang tanging nasabi ko. Nakakahiya ako ngayon, grabe.

"Thanks." Sagot ni rhian sakin. Tapos umupo sya ng nakayuko.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Wala naman." Sagot niya pero parang may something eh.

"Sigurado ka ba?" Tanong ko uli sa kanya at tiningnan sya sa mga mata nya.

Napabuntong hininga sya.

"Ano kasi, kung hired na ako, ano ang mga gagawin ko? Magsisimula na ba ako ngayon." Nahihiya nyang tanong.

"Not today! Bukas na." Sagot ko sa kanya.

Actually, hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin nya, dahil nga si Solenn na gumawa noon. Nakakainis talaga yong babaeng yon.

"Bakit?" Tanong nya.

"Basta. Just relax for today." Sagot ko sa kanya.

Then bumukas ang pinto ko, at pumasok si Chynna. Unexpected timing.

"Hindi ka manlang kumatok couz." Sabi ko sa kanya.

"Opss. Sorry." Sabi nya at lumabas na rin naman at kumatok then binuksan ang pinto ko.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Oh, atleast kumatok na ako this time. By the way, free ka ba today?" Tanong nya sakin. Hindi pa nya siguro nakikita si Rhian kasi nakaupo ito at nakatalikod samin.

"Hindi ako free ngayon, Chynna." I answered, looking at Rhian. Nako, pag nakita nya si Rhian, parang nakajackpot na naman yan.

"Why?" She asked.

"Basta." I answered.

Then naglakad sya papalapit sa inuupuan ni Rhian.

"Is it because of her?" Sabay ikot nya sa inuupuan ni Rhian.

"Oh, Rhian, right? Hi, I'm Chynna." Naks, pinapairal na naman nya ang kanyang pogo points.

"Ako nga." Sagot ni Rhian.

Ang bitter ng pagkakasagot ni Rhian. Hindi tumalab ang pogi points ni Cous. Nakakatawa itsura nya.

"So, dahil ba sa kanya kaya ka hindi free today? Teka, bakit nga pala sya nandito? Wag mong sabihing inunahan mo ako sa kanya. Glaiza naman."

Ang daming sinasabi ni Chynna. Ang O.A..

"Shut up, cous. She's my secretary." I answered at nag cross arms.

"Wow. Nice move. Secretary, and then what?" She asked while slightly smiling.

Ano bang pinagsasabi nito?

"Glaiza, alis na muna ako ha?" Biglang sabi ni Rhian.

"No, you don't have to leave." Sagot ko sa kanya at hinarang sya.

"Yeah, ako nalang muna aalis. But Glaiza, you have to tell me everything later. Okay? See yah!" Then lumabas na sya sa office ko.

"Sorry ha? Masyado lang talaga baliw yong pinsan ko." Nahihiya kong sabi sa kanya. Baka ano pang isipin sakin nito. Uunahan ko nalang sya.

Tumango lang sakin si Rhian.

"Wag kang maniniwala sa sinabi ni Chynna ha? She's just joking." I am being defensive right now, kainis.

"Okay." Tanging sagot nya.

_____

( R h i a n )

Napaka awkward naman, hindi ko alam na ganito pala pag first day mo sa trabaho o baka naman dahil ito sa hindi maganda ang una naming pagkakakilala.

I don't think na may gagawin ako today, kasi wala naman syang sinasabi. Sigurado ba syang work talaga ang pinapunta nya sakin dito?

Then biglang pumasok yong pinsan nya, yong Chynna.

Mas lalong naging awkward ang paligid sa pag pinagsasabi nito. Napapaisip tuloy ako, kung bakit ba talaga ako nandito.

Hay, parang iba yata ang napasukan ko eh.

Kaya naman nagpaalam nalang muna akong umalis, total wala rin naman akong ginagawa. Pero hindi nila ako pinayagang umalis.

Si Chynna ang umalis.

Then nung umalis na si Chynna. Paulit ulit nyang sinasabi na hindi ko paniwalaan ang sinabi ni Chynna. Parang gusto kong paniwalaan nalang si chynna, paulit ulit kasi sya eh. Ang defensive ng dating. Pero hindi dapat ganito ang iniisip ko. Nandito ako para magtrabaho, that's all.

Tapos biglang syang nagsalita, "let's go".

Napakunot ang noo ko, makalet's go, kala mo may pinag usapang lakad.

"I mean, tara, kain tayo sa labas." Sabi nya at ngumiti sakin.

Nganga na naman ako. Boss ko, niyaya akong kumain, may ganon?

"Samahan mo nalang kaya ako." Sabi niya at hinatak na naman ako palabas ng office nya.

Hindi na ako nakaimik.

Sana naman, bukas wala ng mga ganito, parang gusto ko ng mag backout eh, nakakatakot, para akong natatanga ngayong kasama ko si Glaiza. Ano ba ito?

Alam kong matalino ako, pero mukhang iba ang epekto sakin ng taong ito.

Anyway, dumating na din kami sa restaurant at umorder na sya ng pagkain. Treat nya! Ang swerte ko naman. Sana palagi syang mabait. Para palagi akong libre.

Pagkadating ng order nya, ayon, kumain kami. Nahiya pa nga ako kasi naman pang mayaman ang food. Pero hindi naman maarteng kumain si Glaiza kaya hindi nagtagal naging komportable na akong kumain.

Pagkatapos noon, bumalik na sya sa office at ako naman pinauwi na muna nya, para daw makapag ready ako para bukas, kasi start ko na.

Salamat sa kanya. Kailangan ko talagang magready, kasi nganga ako kanina. Kailangan kong ipasok sa kukuti ko na sya ang boss ko, at makakasama ko sya everyday.

Hay sana kayanin ko.

Nagready ako ng isusuot ko bukas, pagkatapos, naghalfbath ako, at nang makapagbihis na, nahiga na ako sa higaan ko and tried to sleep.

Goodnight.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon