( G l a i z a )
Mabilis lang akong nagising, kasi hindi naman ako masyadong pagod sa byahe namin.
Buti nalang gising din si Chynna, kasi gustong gusto ko talaga syang kausapin.
Nagbihis na kaagad kami para sa party.
Then, I make sure muna na tulog pa si Rhian. Lumapit ako sa kanya at tiningnan sya, ang cute nyang matulog. Lumayo na kaagad ako at baka ano pang isipin ni Chynna sakin.
"Chynna, may napapansin ako sayo at kay Rhian, anong mayron?" Direktang tanong ko sa pinsan ko.
"Anong klaseng tanong yan, Glaiza. Syempre, walang mayron samin." Pajoke na sagot ni Chynna.
Hay wala talaga akong mapapala sa pinsan kong ito.
"Teka, may feelings ka ba kay Rhian?" Tanong ni Chynna.
"Wala. Baka ikaw mayron." Sagot ko sa kanya.
"Wala akong gusto sa kanya. Okay?" Sagot nya lang sakin.
Mabuti naman, wala syang feelings kay Rhian.
"Chynna, umayos ka ha? Kung may mga binabalak kang gawin, wag mo akong idadamay, okay?" Sagot ko nalang sa kanya.
"Ano ka ba, Glaiza, syempre hindi no. Tsaka promise, magbebehave lang talaga ako." Sagot ni Chynna sakin which I doubt kasi nga pasaway sya at parang may something sa kanila ni Rhian. I wonder what is it.
"And this girl here, wag mong pagtitripan o kahit na ano mang pwede mong gawin, okay?" Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya.
Tapos biglang bumangon si Rhian.
Nagulat kami ni Chynna, o ako lang talaga. Narinig nya kaya ang pinag usapan namin ni Chynna? Nakakahiya. Baka anong isipin nya.
"Bad dream." Sabi ni Rhian.
Kahalati sakin naniniwala, kahalati hindi kasi bakit defensive sya? Hindi naman namin sya tinanong.
But anyway, hindi naman importante yon.
"Tara na sa baba." Yaya ko sa kanya.
"Mauna na kayo, susunod nalang ako." Sagot nya.
Oo nga pala, hindi pa sya nakabihis.
"Sige, mauna na kami." Sagot ko sa kanya at hinawakan ko na kaagad si Chynna para hindi na magpaiwan.
Parang napansin kong napatingin sya sa abs ko, pero baka guni guni ko lang yon. Ito kasing si Chynna eh, gumugulo tuloy isip ko.
Pagdating namin sa baba,hindi nagtagal nagdatingan na ang mga staffs ko, maliban kay Rhian.
"Tagal talagang kumilos ng princesa mo." Bulong sakin ni Chynna.
Sinamaan ko lang sya ng tingin baka kasi may makarinig samin pag sinagot ko sya.
Maya maya, lumabas na sya sa elevator.
Alam kong sya nalang hinihintay namin, pero yong aura nya, napaka eye catchy. Lahat kami napatingin sa kanya.
I don't know but I can't take away my eyes of her. Ang ganda nya tas ang sexy pa.
Naririnig ko ang paligid na nag iingay dahil sa kanya. Buti nalang nakayoko sya, kaya di nya makikitang nakatingin ako sa kanya.
Then napansin kong papunta sakin yong lakad nya. Ano ba naman yan, nakakailang tuloy.
"Lagkit ng tingin ah." Bulong ni Chynna. Kinurot ko nalang sya para tumigil.
Tapos tumabi sakin si Rhian.
"Ang tagal mong bumaba." Sabi ko nalang sa kanya, para kunwari nainip ako sa kakahintay sa kanya.
"Sorry." Sagor nya lang sakin.
Then nag welcome remarks na ako, at pagkatapos noon, kainan time na. Dahil gutom ako, hindi ko na napansin si chynna. Nauna na akong kumuha ng pagkain.
At nang matapos ako, saka ko nakita na nag uusap na naman yong dalawa. Kaya binilisan ko ang pagkuha ng pagkain.
Tapos patagong naglakad papunta sa kanila.
"Lagkit ng tingin sayo ni pinsan kanina. Sexy mo kasi eh." Sabi ni Chynna.
"Tigilan mo nga ako. Wag ka ngang ganyan sa pinsan mo." Sagot sa kanya ni Rhian.
"Basta sinasabi ko sayo, may gusto sya sayo." Seryosong sabi ni Chynna.
Hindi na sumagot ni Rhian at naglakad nalang papunta sa pagkain.
Saka naman akong nagpakita kay Chynna.
Nako, galit na galit talaga ako ngayon sa pinsan kong ito.
"Chynna, baliw ka ba? Ano yon? Nakakahiya kay Rhian." Sabi ko sa kanya.
"Pinsan sorry." Sagot nya lang sakin.
"Pinapahiya mo ako sa tao eh. Let's go to our room now." Sabi ko sa kanya.
Alam nyang galit talaga ako. Kaya sinunod nya ako at naglakad papunta sa may elevator.
"Rhian?" Tawag ko sa kanya.
I want to know what is this all about.
"Yes?" Inosenteng sagot nya.
"Come with me." Sabi ko nalang sa kanya.
Sumama naman sya at sabay sabay kami pumunta sa elevator.
Nakakainis yong ganito. Gusto ko talagang sapakin itong pinsan ko, pero ayokong mag iskandalo.
Nang makarating na kami sa floor namin, pumasok kami sa room namin, at hinarap ko sila.
Alam kong alam ni Rhian kung bakit kami nandito. Si Chynna naman hindi tumitingin sakin.
"Sabihin nyo sakin lahat ng tungkol sa pinag uusapan nyo kanina." Pagalit kong sabi.
Parang pinagkakaisahan ako ng dalawang ito, para akong pinaglalaruan.
"Rhian?" Sabi ko sa kanya.
Tumingin sya kay Chynna.
"Chynna?" Sabi ko ulit.
"Pag hindi kayo sumagot magsisiuwian tayong lahat ngayong gabi." Sabi ko sa kanila.
Napatingin sila sakin.
Alam ni Chynna na kayang kong gawin yon. Kahit si Rhian, alam nya yan.
"No." Sagot nilang dalawa.
"Now tell me." Sabi ko sa kanila.
Mukhang magsasalita na nga talaga sila. Mabuti naman, dahil nawawalan na ako ng pasensya.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
Fiksi PenggemarA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.