Back Home

2.2K 101 14
                                    

( R h i a n )

Nasa byahe na kami ngayon pabalik samin. Natapos na rin ang Outing namin. Kahit nakakapagod, sulit naman.

Kawawa naman si Chynna ngayon, para syang driver namin. Ito naman kasing si Glaiza, sakin tumabi, imbes na sa front seat sya.

Nakahiga sya sa lap ko, habang kinakantahan ako ng sweet child of mine.

Ganito ba talaga ang feeling ng mayroong crush tapos sobrang close nyo na ngayon? Hindi mawala wala ang kilig ko sa kanya eh. Parang sasabog na yong puso ko.

Habang kumukanta sya, sumasabay din kami ni Chynna. Ang ingay ingay namin. Sobrang saya ko talaga. Hindi ko pinagsisisihan na sumama ako sa outing namin.

Hinaplos haplos ko ang buhok ni Glaiza, tapos maya maya nakatulog na sya.

Tinitigan ko ang mukha nya. Ang ganda ganda talaga nya. Sayang, hindi na kami magkakasama ng 24 hours a day. Mamimiss ko sya. Mamimiss ko na ganito kami.

"Hoy crush, baka naman matunaw yong pinsan ko nyan." Sabi ni Chynna sakin.

Sa kanya naman ako tumingin. Para asarin sya.

"Oh baka ako naman ang matunaw nyan. Sige ka, wala na kayong driver pag nagkatao." Pacute na sabi ni Chynna.

"Ewan ko sayo." Tapos pinikit ko ang mga mata ko para matulog sana.

Pero ayan na naman si Chynna.

"Wag mo naman akong tulogan, baka pati ako makatulog din." Sabi ni Chynna.

Oo nga pala.

"Oo na. Hindi na ako matutulog." Sagot ko sa kanya.

"Para hindi ako antukin, magtatanong ako sayo. Sagutin mo ha?" Sabi nya ulit.

"Sige." Sagot ko sa kanya.

"Kumusta na si Katrina?" Tanong nya.

Nagulat naman ako sa tanong nya.

"Okay naman si ate. Bakit mo naitanong?" Curious kasi ako eh.

"Wala lang. Close kasi kami dati, tapos bigla lang syang umiwas." Sagot ni Chynna.

Naalala ko bigla yong sinabi ni ate. Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. May past kasi si ate at si Crush, at ngayong uuwi na ako. Makakasama ko si ate. Pano ko kaya sasabihin sa kanya na crush ako ni Glaiza, at crush ko rin sya. Hindi kaya, magalit sya sakin. Hindi kaya matulad din ako sa nangyari sa kanila?

"Oy, natahimik ka. May problema ba?" Tanong nya sakin.

"Wala. May naalala lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Ano yon?" Tanong nya.

"Wala nga." Sagot ko.

"Hmm, about ba yan kay ate mo at kay glaiza?"  Tanong nya.

Hindi ko sya sinagot, kasi hindi naman ako marunong magsinungaling.

"Don't worry. Matagal ng tapos yon. Okay?" Nakangiti nyang sabi.

Nginitian ko nalang sya, pero hindi ko sya sinagot.

Hindi nagtagal nagising na si Glaiza.

Ako naman ang matutulog ngayon. Sumandal ako sa may bintan ng kotse. Pero inakbayan ako ni Glaiza at pinasandal sa dibdib nya.

Ayan na naman yong puso ko, halos lumabas na sa katawan ko sa sobrang lakas ng tibok nito.

Mabilis akong nakatulog dahil sa komportable ang pwesto ko at ang bango ng kilikili nya.

_____

( G l a i z a )

Pinili kong umupo sa tabi ni Rhian. Syempre naman, gusto kong katabi si Crush eh.

After ng outing, mas lalo kaming naging close ni Rhian, at sobra kong happy dahil doon.

Kasalukuyan akong nakahiga sa lap niya. Ang lambot ng skin nya. Plus nakakarelax ang haplos nya. Kaya nakatulog kaagad ako.

Hindi ko alam kong gaano katagal akong nakatulog, pagkagising ko, mukhang inaantok na si Rhian, kaya inakbayan ko sya at pinasandal sa dibdib ko.

Ang bango bango nya, nakakainlove yong amoy nya. Promise.

Nakatulog kaagad sya, siguro komportable sa pwesto nya.

"Pinsan, ano nang balak mo ngayon sa Crush mo?" Biglang tanong ni Chynna sakin.

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo pa ba sya liligawan?" Tanong nya.

Nag isip tuloy ako.

"Gusto ko pa kasing ienjoy ang moments namin. Hindi naman ako nagmamadali sa kung ano ang sunod na mangyayari samin." Sagot ko sa kanya.

"Ganon?" Yan lang yong reaksyon nya.

"Yes. Tsaka bakit parang ikaw pa itong nagmamadali?" Sagot ko sa kanya.

"Hindi naman pinsan. Nagtatanong lang naman ako." Sagot nya sakin.

"But anyway, kumusta na kaya si Katrina?" Tanong nya.

Napatingin naman ako sa kanya. Sa dinami daming tao na maaalala nya, si Katrina pa talaga. Tiningnan ko si Rhian, baka kasi gising na.

"Bakit mo naman sya naalala?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Bigla ko lang naalala." Sagot nya sakin.

"Tapos na kayo diba?" Tanong nya ulit sakin.

"Chynna, okay ka lang? Matagal na yon. Tsaka hindi naman naging kami diba?" Sagot ko sa kanya.

"Oo nga naman." Sagot nya sakin.

"Bakit ba bigla mong naitopic sya?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman." Sagot nya.

"Hay nako Chynna. Gutom lang yan.Kain na nga lang tayo. Hanap ka ng magandang kainan." Sabi ko sa kanya.

"Sige." Sagot nya.

Nacurious talaga ako kung bakit biglang nasali si Katrina sa usapan.

Soon, nakahanap na din kami ng kainan, kaya ginising ko na si Crush, at umorder na kami ng pagkain.

Pagkatapos, bumyahe na ulit kami.

Hinatid namin si Rhian sa kanila. Si Chynna kasi okay lang naman na sa bahay dumiritso.

So yon, pagdating naman medyo nalungkot ako, kasi babalik na ulit kami sa normal naming mga buhay, yon ay buhay may trabaho. Sa office nalang ulit kami magkikita, hindi na 24 hours.

In fairness, sa ilang araw na yon, sobrang happy ng life ko, at nakakamiss na ngayon ay magkakahiwalay kami.

Bago sya bumaba ng kotse, niyakap ko muna sya ng mahigpit, at pasimple ko syang hinalikan sa leeg. Ramdam ko na mahigpit din ang yakap nya. Siguro pareho kami ng nararamdaman.

Sana bukas sa office, walang magbago samin. Na sya parin yong crush ko, at ako pa rin ang crush nya.

Pagkatapos noon, bumyahe na kami papunta sa bahay.

Pagdating namin doon nagulat ako sa nadatnan ko.

"Welcome home Anak."

******

Hanggang dito lang muna 😊

Sorry kung natagalan. 😗

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon