Seriously

2.7K 109 17
                                    

( G l a i z a )

Pagkaalis ni Rhian, biglang tumunog yong phone ko, and the caller is "Chynna".

"Hello Chynna. Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ano na?" Tanong nya sakin.

Alam ko ang tinutukoy nya. Pero as in talaga, hindi sya makapaghintay. Tumawag pa talaga sya.

"Mamayang gabi nalang. Wala ka bang ibang gagawin?"

"Ngayon nalang kasi, I'm bored!" Maarteng pagkakasabi nito.

"Punta ka sa bahay at hintayin mo ako doon, pauwi na din naman ako."  sagot ko sa kanya.

"Okay, see yah!" Sagot nya tapos nag end call na sya.

Napabuntong hininga ako, then inayos ang sarili ko, at lumabas na ng office para makauwi.

After ilang minutes, nakarating na ako sa bahay.

Aba'y inaabangan talaga ako ni Chynna. Ang lokang ito, nasa may pinto, nakatayo.

Pagkababa ko sa kotse, sinalubong ako nito ng yakap.

"Welcome home cous." Sabi niya.

Tinulak ko sya.

"Chynna para kang baliw, alam mo ba yon." Sabi ko sa kanya at naglakad na papasok sa bahay.

"So?" Panimula ni Chynna.

"Hindi talaga ako makakaligtas dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nope." Maikli nyang sagot.

Umupo ako sa sofa, at ganon din sya.

"Ano bang gusto mong malaman?" Tanong ko.

"Lahat." Excited nyang sagot kaya ikweninto ko na.

"Nagresign kasi Solenn. Okay lang sana sakin, eh kaso lang, labas pasok na ang mga tao sa office ko. Nakakainis na ewan. Ayoko ng parang tindahan yong office ko. Kaya naman lumabas ako and I don't know what happened basta pagkakita ko kay Rhian, even though alam kong hate nya ako, at ayaw ko rin sa kanya. Wala akong choice eh. Kaya pasimple kong tinanong kung may work na ba sya, buti nalang wala pa, kaya hindi ko na pinakawalan. Ang hirap kasing maghanap ng secretary ngayon. Tapos yon, pumayag sya, mabuti nga pumayag eh. Bukas sya magsisimula." Kwento ko sa kanya.

"Ang tanong, magtatagal ba yon dito? Alam naman natin  ang ugali mo." Sabi ni Chynna.

"Hopefully." Sagot ko sa kanya.

"Yon lang ba talaga ang reason mo? O baka naman naattract ka na kay Rhian." Nakangiting sabi nya.

"Seriously? Hindi no. At saka wala akong time para sa ganyan." Seryoso kong sagot sa kanya.

"Kailan ka ba kasi mag gigirlfriend?" Tanong nya.

"Wag mo akong itulad sayo na mahilig sa chicks, okay? Mag gigirlfriend ako pag gusto ko na." Sagot ko sa kanya.

"Edi, okay." Sagot nya. Saka pumunta sya sa kusina, at alam ko na ang gagawin nito, kakain.

Napatayo ako at naglakad papunta sa kwarto ko para makapagbihis at makapagpahinga na.

_____

(  R h i a n )

Hindi ako makatulog dahil sa excitement.

Bukas may trabaho na ako, hindi pa rin ako makapaniwala, may trabaho na ako, na ganon lang kadali, at may trabaho na ako.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina para magtempla ng gatas.

Tapos dumating si mama, si papa at si ate. Oh diba? Buong pamilya kami dito ngayon, parang hindi hating gabi eh.

"Rhian, anak, bakit hindi ka pa tulog?" Tanong ni papa.

"Hindi po kasi ako makatulog dahil sa excitement." Sagot ko.

"Excitement sa ano? Hala anak, may manliligaw ka na? Nagpropose na ba sayo? Nako, wag muna anak ha? Kasi bata ka pa." Biglang singit ni mama.

Lahat kami napatingin sa kanya.

"Mama, O.a. lang." Sabi naman ni ate kat.

"Excited po ako kasi may trabaho na po ako!" Sigaw ko.

Napanganga naman ang tatlo, tapos tumalon talon na para bang nanalo sa loto.

"Congrats anak. Nako, Lord, salamat." Sabi ni mama at papa.

"Pagbutihin mo anak ha? Dapat matulog ka na para hindi ka puyat bukas. Ubusin mo na yang gatas mo, at matulog ka na. Goodnight anak." Sabi ni mama at masaya silang bumalik sa kwarto nila.

Naiwan si ate na nakangiti sakin.

"Rhian, proud na proud ako sayo." Sabi niya at niyakap nya ako.

Yong ngiti sa mga labi ko, napalitan ng kaba. Ngayon ko palang kasi naalala, si Glaiza, at si Ate not in good terms. Nako po! Sana naman di na sya magtanong.

"Salamat ate." Matipid kong sagot sa kanya.

"Saan ka nga pala magtatrabaho? At anong trabaho mo?" Curious nyang tanong sakin.

Kinakabahan ako habang nakatingin kay ate. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya. Nagsisisi tuloy ako ngayon.

"Secretary ako." Sagot ko sa kanya.

"Kaninong company? Anong pangalan ng boss mo? Para naman alam ko, in case of emergency." Sagot ni ate sakin.

Ate ko sya, dapat sabihin ko sa kanya. Tsaka big girl na din naman ako, kaya ko na ito.

"Sa company nila Glaiza, si Glaiza ang boss ko." Nakayoko ako habang sinasabi yan.

"Seriously?! Sa kanya pa talaga?" Ang lakas ng boses ni ate.

Kaya tinakpan ko ang bibig nya. Tinanggal naman nya ito.

"Ate wag ka ng magalit, isipin nalang natin na may work na ako, makakatulong na ako sa parents natin." Sagot ko sa kanya.

"Oo nga, pero si glaiza pa talaga? Hindi ka mapapabuti doon. Baka pagtripan ka lang noon, pati nong pinsan noon." Sagot nya.

"Ate, kaya ko itong pinasok ko, tsaka don't worry, kayang kaya ko ang dalawang yon. Tapos kung may resbak pa, nandyan ka naman. Alam kong hindi mo ako pababayaan. Diba?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Basta wag kang magpapaloko sa mga kapogian noon ha? Iuuntog talaga kita." Sagot nya.

Hay salamat, mabuti nalang mahal ako ng ate ko. Hindi na lumala ang sitwasyon. Pero seryoso, kinakabahan talaga ako sa mangyayari sakin bukas.

Pagkaubos ko ng gatas ko, nagpaalam na ako kay ate na matutulog na, at ganon din ang ginawa nya.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon