( R h i a n )
Magla lunchtime na, wala pa rin akong nahahanap na trabaho. Pero hindi pa rin ako susuko.
Pumunta muna ako sa isang karenderya at pumila sa pagkain. Habang nakapila, namomroblema talaga ako kung paano ako makakahanap ng trabaho! Lord, patulong naman po please.
Habang kumakain ako, nag isip ako kung saan ako pupunta after ko dito. Palingon lingon ako sa labas ng karenderyang ito, tapos nakita ko ang isang building na my nakasulat na Hiring daw sila. Sa sobrang happiness ko, binilisan ko ang pagkain ko at binayaran kaagad ito. Then naki-gamit na rin ako ng CR para makapag ayos.
Pagkatapos noon, naglakad na ako papunta ng building. Nakafingers crossed ako habang papalapit sa building.
Tapos nilapitan ko ang security guard at nagtanong tungkol sa nakapaskil sa tabi nya. Sabi niya, pumasok daw ako at hanapin si Miss Solenn.
After kong magpasalamat, pumasok na ako sa loob ng building.
Lumapit ako sa information disk at nagtanong kung saan ko mahahanap si Miss Solenn, buti nalang mabait si Ate Girl at tinuro kaagad sakin ng walang maraming tanong.
Nasa fifth floor daw si Miss Solenn, kaya pagkatapos kong magpasalamat, naghanap ako ng elevator at pumasok kaagad dito.
Hay kabado ako sa mangyayari, pero sana naman makapasa ako. Ang tagal tagal ko ng naghihintay, sana ito na yon.
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, may nakatayong babae na mukhang kanina pa naghihintay na bumukas ang elevator.
Nginitian ko sya, pero hindi sya ngumiti sakin. Medyo napahiya ako sa sarili ko kaya naman lumabas nalang kaagad ako at naglakad palayo sa elevator.
Ang mahal naman ng ngiti nya. Siguro may pinagdadaanan. Di bale, di ko naman sya kilala.
Anyway, nahanap ko rin ang office ni Miss Solenn.
Kumatok ako sa pintuan, tapos narinig kong sabi mula sa loob na pumasok ako. Kaya yon ang ginawa ko.
"Good morning po." Bati ko sa kanya.
"Tanghali na, pero good morning din sayo, Miss. How can I help you?" Sagot nya sakin.
"Kayo po ba si Miss Solenn?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, why?" Tanong nya sakin.
"Andito po ako para mag apply sa vacant position ng company nyo po." Sabi ko sa kanya, ang taray nya, nakakailang tuloy.
"Vacant Position? Upo ka muna, kausapin ko lang ang boss ko about it. Patingin na rin ako ng Resume mo." Kinuha nya ang resume ko at lumabas saglit.
Bakit parang hindi sya aware na hiring sila? Kaloka. Pero umupo nalang ako at tumingin tingin sa paligid.
Sana matanggap ako. Sana, sana, sana. Paulit ulit na wish ko.
Medyo tumagal bago bumalik si Miss Solenn kaya naman medyo haggard na ako ng bumalik sya.
"Sorry kung natagalan ako. My boss wants to see you in her office now. So, let's go." Sabi nya sakin.
Hindi na ako nagkaroon ng time na makapagsalita kasi mukhang hindi ko rin naman kailangan gawin yon.
Lumabas kami at naglakad papunta sa office ng boss nya.
Nang makarating na kami, kumatok sya, at pinapasok kami.
Nakatalikod ang babae samin. She's sexy! Siguro maganda sya.
"Glaiza." Sabi ni Miss Solenn.
Saka naman lumingon si Miss Glaiza samin.
Napangiti ako, sya yong babae kanina sa elevator. Hindi lang pala sya maganda, sexy pa sya.
"Miss, okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Miss Solenn.
Saka ko naman naalala na para akong tangang nakangiti kay Miss Glaiza.
"Good morning ma'am."Binati ko kaagad sya, kasi nakakahiya yong ginawa ko.
"What's good in the morning?" Sabi niya.
Ay sayang, maganda at sexy pero suplada pala. Sabi ko sa sarili ko.
"Besides, hindi na umaga, tanghali na." Sabi niya pa ulit.
Ay oo nga pala, hay kaloka, pero diba dapat good morning ang sinasabi kahit hapon na.
"Glaiza." Biglang sabi ni Solenn.
"What?" Pagtataray ni Glaiza kay Miss Solenn.
"Lalabas lang ako saglit, and please be nice to our Applicant." Sabi ni Miss Solenn, napaisip ako sa sinabi ni Miss, sino nga ba ang boss sa kanila?
Umirap lang si Miss Glaiza at lumabas na si Miss Solenn.
Nakatayo lang ako sa may pinto, at sya naman ay nakaupo lang sa Swivel chair nya, nakatingin sakin. Tiningnan ko rin sya. Tsaka bakit ba sya nakatingin sakin?
Tapos maya maya, napabuntong hininga sya at nagsalita.
"What brought you here?" Tanong nya sakin.
"Naghahanap po kasi ako ng trabaho, at nakita ko sa labas ng building na hiring kayo ang kompanya nyo, kaya po ako nandito." Sagot ko sa kanya ng diretso.
"Well, we are not hiring." Seryosong sabi ni Glaiza.
"Eh bakit nakapaskil sa labas ng building na ito na hiring kayo?" Tanong ko sa kanya. Medyo napipikon na ako. Hindi ko alam kung anong problema ng babaeng ito o kung bakit sya ganito.
"I don't know and I don't care, pwede ka ng umalis." Sabi ni Miss Glaiza at tinalikuran na ako.
Aba'y bastos pala itong babaeng ito. Nakakainis.
"Thank you for your time." Sabi ko nalang sa kanya at lumabas na ng office nya.
Nakasalubong ko si Miss Solenn, tiningnan ko lang sya at dumiritso na ako sa paglalakad ko.
Gosh! Sana pala, hindi nalang ako pumunta dito. Nasira lang ang araw ko eh.
Nakarating na ako sa labas ng building, at ako na mismo ang tumanggal sa hiring na nakapaskil sa tabi ng Security Guard.
Tinanong pa nga nya ako kung bakit ko ginawa yon, kaya kinwento ko sa kanya ang nangyari. Para naman maibsan ang inis ko.
Naikwento rin ni kuya ang tungkol kay Miss Glaiza na bagong boss sya, at yong papa nya may sakit daw. Oh diba? Palakwento din si Kuya eh.
Pagkatapos naming magkwentuhan, nagpaalam na ako, medyo gumaan naman pakiramdam ko ng makakwentuhan ko si Kuya. Pero naiinis pa rin ako sa Glaizang yon.
Sana maging successful sya sa pagiging boss nya dyan. Ayusin sana nya yong ugali nya. Baka iwan sya ng mga empleyado nya. Hay nako!
Naisipan kong umuwi nalang dahil sira na rin naman ang araw ko. Kaya sumakay ako ng jeep at bumyahe pauwi.
➡➡➡⬇Good evening po readers.
Sorry po, ngayon lang ako nakapag update, super busy po kasi sa work.
I hope you like this chapter. 😘😘
🔚
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.