Thanks to you

1.4K 62 5
                                    

( R h i a n )

Yong papa lang ni Glaiza ang nadatnan namin sa bahay nila.

"Si Glaiza po?" Tanong ko kaagad sa papa niya at tumingin ako sa paligid kung nandito sya.

Ngumiti sakin ang papa nya.

"Tito, anyari? Bakit ngumingiti ka dyan? Nasan si tita?" Tanong ni Chynna.

"There's nothing to worry about. Magkasama silang nag mall." Natatawang sabi ng papa nya.

"Magkasama?" Takang tanong ko sa kanya. Nako! Baka mag away yong dalawa, walang aawat.

"Tito, bakit mo hinayaan? Baka mag away yong dalawa." Nagpapanic na sagot ni Chynna.

"Wag na kayong mag alala. Nagshopping lang yong dalawa. Tsaka it's Glaiza's idea na magbonding sila, kaya I'm sure they'll be fine. Anyway, thanks nga pala sa pagkikipag deal nyo sakin kahit pa alam ko na labag sa kalooban nyo. Okay na ang mag ina ko, kaya wag na kayong kabahab dyan." Sabi ng papa nya.

Ngumiti lang ako sa kanya, pero deep inside kinakabahan ako kay Glaiza. Yong nangyari sa hospital proves na delikado silang magsama. Nako po!

"Sundan kaya natin." Sabi ko kay Chynna.

"Please don't do that. Hayaan na muna natin sila." Sabi naman ng papa nya.

"Sige po. Pero sana okay lang sila." Sagot ni Chynna.

Tapos pumasok na kami sa bahay. Yong papa naman ni Glaiza ay nagpunta sa may pool nila.

"Chynna, kinakabahan ako sa dalawa eh." Pabulong kong sabi kay Chynna.

"Ako rin naman. Pero hindi naman siguro sila mag i-eskandalo sa mall." Sagot nya.

Tapoa maya maya narinig na namin ang sasakyan nila Glaiza.

Naglakad kaagad kami papunta sa labas para makita kung ano ng nangyari sa kanila.

Unang lumabas ang mama nya, tapos si Glaiza. Sa tingin ko okay naman sila. Mukhang happy. Kaya ngumiti na rin.

Lumapit sya sa papa nya. Pagkatapos niyakap ako.

"Namiss kita mahal ko." Sabi nya kaagad sakin. Mas lalo akong napangiti.

"Kumusta ang pagsashopping?" Tanong ng papa nya.

"Well, it was great. Thanks to you papa, I was able to know my mom. We have a lot in common pala." Sagot ni Glaiza.

Mabuti nalang okay na sila. Kasi kung hindi, hanggang ngayon, kabado pa rin kami.

"Good for you anak." Sabi ng papa nya.

"Masaya ako para sayo mahal ko." Sabi ko sa kanya. Wala ng magiging problema ngayong okay na sila.

"Thank you mahal ko." Sagot nya sakin.

Tapos pumasok na kami sa loob ng bahay nila at dumiritso sa kwarto ni Glaiza.

Habang nagkikwento si Glaiza tungkol sa pagsashopping nila, sobrang saya ang nararamdaman ko. Buo na ang pamilya nya. At masaya na rin ang papa nya. Hiling ko lang sana, tumagal pa ang buhay ng papa nya.

Pinagpahinga ko muna si Glaiza kasi pagkatapos lilinisan ko na ang mga sugat nya.

Sayang, gusto ko sana sa tabi nya lang. Gusto ko ako lang yong mag aasikaso sa kanya, kaso papasok na ako bukas. Nakakahiya na din kasi, ilang araw na akong absent sa trabaho. Kahit naman girlfriend ko yong boss ko, kailangan ko pa ring tumayo sa pwesto ko bilang secretary nya.

Sana gumaling na kaagad si Glaiza para makapasok na rin sya. Para magkasama na ulit kami palagi.

_____

( G l a i z a )

Pagkatapos linisan ni Rhian ang mga sugat ko, lumabas na kami para kumain. Kasama sila mama at papa at Chynna.

"Anak, kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Papa sakin.

"I'm fine Papa." Sagot ko sa kanya.

"That's good to hear." Sagot nya.

"Bukas nga pala, ako muna ang bibisita sa company." Sabi ni papa.

"No Pa. You have to rest din diba? Kagagaling mo lang sa hospital." Sagot ko sa kanya.

"Ako nalang muna ang mag aasikaso sa company natin anak. You two should get some rest." Sabi ni mama.

Naubo si Rhian. Tiningnan ko sya, at hinimas himas ang likod nya.

"Are you okay?" Tanong ko sa kanya with a worried look.

"Okay lang ako." Sagot nya sakin. Tapos uminom ng tubig.

"Sige ma, ikaw na muna ang umasikaso doon, next week, I'll handle it again." Sagot ko sa kanya.

"One thing, please be sure not to let my love one here work a lot. Ayokong napapagod sya Ma." Sabi ko ulit sa kanya. Then I hugged Rhian.

"So sa company pala natin sya nagtatrabaho?" Tanong ni mama.

"Yes, she's my secretary." Proud ko na sabi sa kanya.

"Teka, bakit hindi mo alam?" Tanong ko sa kanya.

"Well, Nagpunta kasi ako saglit sa States anak. Kaya hindi ko alam." Sagot ni mama sakin. Tumango tango ako.

"Ganon ba? Sayang naman. Rhian is a great person. I'm sure you'll gonna love her. Anyway, promise me Ma ha? Don't let her work too much!" Sagot ko ulit sa kanya.

"You have my word anak." Sagot ni mama.

"Thanks Ma."

I'm so happy. I know everything will turn out just fine. Rhian is a great person, I'm sure she'll gonna love her.

After dinner, naglakad lakad kami ni Rhian sa labas ng bahay ng nakaholding hands.

"Mahal ko, mamimiss kita. Bukas may work ka na ulit." Sabi ko sa kanya.

"Ako din naman mahal ko, pero kasi kailangan mo pang magpagaling. Tsaka pupunta naman ako dito after work eh. Aasikasuhin pa rin kita. Ikaw pa ba." Sagot ni Rhian sakin.

"Naks naman. Sweet mo ah." Sabi ko sa kanya at pinisil ang pisngi nya.

"Syempre, mahal kita eh." Sabi nya sakin.

"Mahal din kita." Sagot ko sa kanya.

Gosh! Tumataba yata yong puso ko ng sinabi nya na mahal nya ako.

Maya maya, biglang may sumigaw sa likod namin.

"Ay butiki." Agad kong nasabi.

Si Chynna lang pala.

"Ano ka ba? Bat ka ba sumigaw? Panira ka na naman ng moment." Sabi ko sa kanya.

"Ay yan. Miss ko na yang kasungitan mo sakin Cousin." Natatawang sabi nya.

"Gusto mo ng sample?" Tanong ko sa kanya.

"Bukas nalang, gabi na eh. Masama daw yon pag gabi." Sagot ni Chynna.

Nagkatawanan kaming tatlo.

"Salamat nga pala Chynna, kasi hindi mo ako pinabayaan." Sabi ko kay Chynna.

"Syempre naman. Mahal kita, kahit madalas tayong mag away." Sagot nya sakin.

"Salamat din sayo, mahal ko. Dahil nandyan ka palagi para sakin. Hindi mo ako iniwan." Sabi ko sa kanya.

Nag group hugged kami pagkatapos kong sabihin yon. This feels good. We are all happy. Sana ganito lang kami palagi. Para goodvibes lang ang mga buhay namin.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon