( R h i a n )
It's been 3 days simula ng mangyari ang aksidenteng yon at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may amnesia si Glaiza.
Pagkatapos ng sigawang yon, hindi na ulit bumalik ang mama nya sa hospital.
Sa tatlong araw na yon, naging okay at masayahin si Glaiza. So naisip ko na talaga ngang yong mama nya ang reason ng pagwawala nya. Pero bakit ganon? Bakit yong mama nya pa?
Naaawa ako sa mama nya. Asan na kaya sya? Sana naman maging okay na sila. Sana maalala na sya ni Glaiza.
Tinutulungan ko si Glaiza na magbihis kasi may mga gasgas sya sa katawan, nahihirapan syang magbihis. Kawawa nga eh, may mga pasa pala sya sa katawan.
Pagkatapos naming magbihis, saka naman pumasok yong papa ni Glaiza.
"Anak, ready ka na?" Tanong ng papa nya kay Glaiza.
"Yes papa." Excited nyang sagot.
Tapos inalalayan na namin sya papunta sa wheelchair nya.
Lumabas kami ng nakangiti dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ni Glaiza at pati na rin kami, excited kami na uuwi na sya. Syempre, 3 days na kaming nandito lang sa hospital. Ngayon back to normal life na ulit kami.
Mabuti nalang, pinayagan ako nila mama na mag stay sa piling ni Glaiza. Ang bait nila. Kahit si Ate, suportado ako.
"Anak, gusto mo munang kumain?" Tanong ng papa nya sa kanya pagkapasok namin sa kotse nila.
"Saan?" Tanong ni Glaiza.
"Sa Jollibee. Diba favorite mo yon?" Sabi ng papa nya.
Napangiti ako sa kasweetan ng mag amang ito. Parang baby parin ang turing ng papa nya sa kanya.
Umuo si Glaiza, kaya yon, doon muna kami dumiritso. Sobrang sweet ng mag ama, mas sweet pa samin. Pero okay lang naman sakin kasi papa nya yan.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa kotse nila.
Magkatabi kaming umupo sa likuran, yong papa nya sa tabi ng driver umupo.
"Mahal ko, nabusog ka ba?" Tanong sakin ni Glaiza.
"Oo naman mahal ko." Sagot ko sa kanya.
Tapos bigla syang bumulong ng "Wag kang mag alala, bubusugin kita mamaya ng pagmamahal."
Parang nakuryente ang buong katawan ko, kaya napatingin ako sa kanya, sabay bulong din ng "sira, hindi pa pwede."
Tumawa lang sya, kaya natawa rin ako.
Hay, sobrang saya ko ngayon talaga. Makakabalik na kami sa normal naming buhay. Pero teka? Yong mama ni Glaiza? Bakit bigla nalang nawala? Masyado ba syang naging affected sa sinabi ni Glaiza kaya sya umalis? Sana naman maging okay na sila soon.
Pagdating namin sa bahay nila, nasa labas ng pinto si Chynna at may hawak na flowers at banner na may nakasulat ng welcome home.
Bumaba kami ng kotse at niyakap ni Chynna si Glaiza.
"Welcome home Cousin." Sabi ni Chynna kay Glaiza.
"Salamat Chynna." Sagot ni Glaiza.
"Let's get inside." Sabi naman ng papa nya na nakangiti. Lahat kami nakangiti. Napansin ko lang. We're so happy kasi para kay Glaiza.
Tumango kami at pumasok ng nakangiti.
Mayroong mga balloons sa paligid at flowers na rin. Napakaganda ng decorations.
Tiningnan ko si Glaiza, sobrang happy sya ngayon. Lalo na sa mga nakikita nya sa paligid nya.
Pero biglang nawala ang ngiti nya ng may magsalita. Lahat kami napatingin sa pinanggalin ng boses.
It's her mom.
______
( G l a i z a )
I'm so excited. Finally, makakauwi na ako. Hay, I missed home.
So yon, tinulungan ako ni Rhian na magbihis kasi I can't do it myself. Nakakahiya sa mahal ko, kasi I have to show her my nude body. Kasi naman, wala akong choice.
After that, we went out of the hospital, grabe, it feels good to finally see the outside world again. Ang sarap sa pakiramdam.
Sumakay kami sa kotse and then I feel so excited ng sabihin ni papa na kakain kami sa Jollibee. He still remember my favorite noong bata pa ako.
Kumain kami doon, at sobrang nag enjoy ako. Looking at papa, he's so happy. Si Rhian? Ganoon din. I'm with the most important persons in my life at gusto ko ganito lang kami forever.
Pagkatapos naming kumain, mas naexcite ako lalo kasi miss na miss ko na yong kwarto ko.
So yon, pagdating namin, sinalubong kami ni Chynna na may dalang flowers and banner. She's so sweet, kahit madalas ko syang awayon, love nya pa rin ako.
We hugged each other, and I swear this feels good. Minsan lang kasi naming gawin ito. Most of the time kasi, asar tas away kami.
Pumasok kami sa loob ng bahay, at sobra akong na-amaze sa decorations ng bahay. As in, sobra nilang pinaghandaan ang pag uwi ko. I feel great. I'm touched. Promise.
Tumingin ako sa lahat ng sulok ng bahay, ang ganda talaga.
I was so happy, until I heard her voice. Ang boses nung babaeng nag eskandalo habang nakaconfine pa ako. Yong sinasabi nilang mama ko daw. Pero hindi ko naman kilala. If she really is my mom, dapat naaalala ko sya.
"Welcome home, anak." She said with a smile.
Ayoko sanang masira ang magandang araw na ito, but there's something in her that makes my blood boil.
"Thank you. Why are you here?" Tanong ko sa kanya in a calm voice, kahit pa gusto ko na syang sigawan.
"Because I'm your mother, at dito ako nakatira." She answered, sounding annoyed.
"Really? How come ngayon lang tayo nagkita dito sa bahay?" I asked her, sounding annoyed too.
Hindi sya nakasagot. I guess she's really not my mother, at hindi sya nakatira dito.
"Let's go to your room." Sabi sakin ni papa. Tumango ako at tinalikurab sya. Kasama ko si Chynna, si papa at ang mahal ko papunta sa kwarto.
Nang makapasok na kami, nagsalita si papa.
"Anak, hindi kita mapipilit na maalala ang yong ina, pero pwede bang let's just be happy today? Bukas, we'll talk about it. Please." Sabi ni papa.
I look at him, at naawa ako sa kanya.
"Sure Pa." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti sya, pati si Chynna at Rhian.
"Mahal ko, just try to be nice to her. Kahit ngayon lang." Sabi ng mahal ko.
"I'll try mahal ko." Sagot ko sa kanya.
"Oo Glaiza, relax ka lang dapat, okay?" Sabi naman ni Chynna.
Nagthumbs up ako sa kanya and I took a deep breath.
For this people, sige, palalagpasin ko ang araw na ito. Pero bukas, humanda sya sakin.
We all went back to the kitchen, and face her. Ayan, kailangan kong magpretend na okay ako sa kanya, pero promise, hindi talaga.
As I look at everyone, they are all happy, so I have to be happy too, after all, it's my party. Kaya yon, hindi ko na sya masyadong pinansin, kaya naging okay ang flow ng araw na ito.
Pagkatapos ng party, pumasok na kami sa kwarto ko. Sa wakas masosolo ko na ang mahal ko. Humanda sya sakin ngayon.
*****
Good Evening Everyone. Sorry ngayon lang ulit nakapag update. 😊
I hope you enjoy reading this Chapter. 💋
![](https://img.wattpad.com/cover/134509389-288-k274855.jpg)
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.