Awake

2.4K 104 5
                                    

( G l a i z a )

"Ang sweet naman ni Rhian." Biglang nasabi ni Chynna pagkatapos kong maikwento sa kanya ang nangyari.

"Sweet ka dyan. Mabait na tao lang talaga si Rhian." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Sabi mo eh." Sagot nya tapos tumawa pa ng nakakaloko.

"Wag ka ngang tumawa ng ganyan. Wag mo akong itulad sayo, okay?" Sabi ko sa kanya.

"Tulad kong ano?" Tanong ni Chynna. As if naman hindi nya alam ang tinutukoy ko.

"Yong hilig mo sa chicks." Sagot ko sa kanya. Hay nako! Painosente pa ito eh.

"Ah ganon pala yon. Bakit parang nag iba na ngayon. Dati, mahilig ka rin sa chicks eh. Wait, alam ko na. Dahil kay Rhian no? Ayaw mo na sa iba kasi sya yong gusto mo." Tumili pa sya pagkatapos sabihin yon.

"Chynna, stop it. Hindi magandang biro yan ha?" Nakakainis na kasi yong pinagsasabi nya.

"Joke lang po. Sige na. Alis na muna ako."

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Nakakagulat naman, biglang nagpaalam.

"Maghahanap ng chicks. Sama ka?" Nakangiti sya ng tumingin sakin.

"Iwan ko sayo. Matutulog na nga lang ako. Goodnight." Sagot ko sa kanya. Puro biro ang lumalabas sa bibig nito eh.

"Ay confirm. Nagbago ka na nga talaga." Kumindat pa sya sakin. Kala mo naman pogi, mas pogi kaya ako sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Oh sya, sasama na ako. Ang dami mo pang sinasabi."

Tumawa lang ito at pumunta na kami sa kotse sya then nag drive na sya papunta sa bar.

Pagdating namin, agad kaming umorder ng drinks. Tapos ayan, ang likot na ng mga mata ni Chynna. Malamang naghahanap na yan ng chicks.

Maya maya nakahanap na sya, at nagpaalam saglit para sumayaw, kasama ang chicks nya.

Ako naman, heto, umiinom mag isa habang patingin tingin sa paligid. Wala namang exciting dito, bakit ba ako sumama? Ang boring tuloy.

Naglakad ako papunta sa Rooftop, medyo madilim dito, kaya maingat akong naglakad. Then ng makahanap ako ng perfect spot, saka ako pumwisto at tumingala sa langit.

Ang ganda ng mga bituin, at kay lamig pa ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Nagselfie ako ng madami at inubos ang alak ko, saka ako pumasok ulit sa loob.

Pagkabalik ko sa table namin, nandoon na rin pala si Chynna.

"Saan ka galing?" Tanong nya.

"Sa rooftop." Sagot ko.

"Sino kasama mo?" Tanong nya ulit.

"Wala, ako lang. Bakit? Masama bang mag isa?" Sagot ko sa kanya. Nagsisimula na naman sya.

"Okay. Okay. I'll shut my mouth na."

"Saan na yong chicks mo?" Tanong ko sa kanya. Para naman may masabi manlang ako.

"Ayon, pinaalis ko na. Maghahanap ulit ako ng iba." May angas na pagkakasabi nito.

"Yabang mo. Uwi na nga lang tayo." Sabi ko sa kanya tapos napatingin ako sa relo ko, 2 a.m na pala. Shit. Dapat matulog na ako, may office work pa bukas. Mapupuyat ako nito.

"Ang aga naman. Mamaya na." Sagot nya sakin.

"Kung ayaw mo pang umuwi, mauuna na ako sayo. May trabaho pa ako bukas." Sagot ko sa kanya. Palibhasa walang ginagawa eh, puro party at enjoyment lang inaatupag nito.

"Naks naman, bigyan kaya kita ng medal. Nagbago ka na nga talaga, lakas ng pwersa ni Rhian sayo." Sagot ni chynna, tapos tumawa pa ito.

"Chynna!" Suway ko sa kanya.

"Okay. Okay. Let's go."

Bumyahe kami papunta sa bahay, at dali dali akong pumasok sa kwarto, para matulog. Bahala na si Chynna sa labas. Sana naman maaga akong magising mamaya.

_____

( R h i a n )

Habang nagbabasa ako ng libro, ilang beses kong nakakagat yong labi ko. Nakakainis, ang sakit! Siguro may nag uusap tungkol sakin. Matipalok sana, nang makabawi ako.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. It's 2 a.m. na pala, hala bat di pa ako natutulog. Baka malate ako nito sa trabaho ko.

Niligpit ko ang libro at saka humanap ng komportableng pwesto para matulog. Pero hindi pa rin ako makatulog.

Ano bang nangyayari sakin? Wala naman akong iniisip. Wala din naman akong problema, o kahit na ano. Bakit ganito?

Kinuha ko yong Cellphone at nanuod nalang ng movie sa Netflix, para may magawa naman ako para pagurin ang mata at isipan ko.

After an hour, finally, inaantok na rin kaya goodnight na sainyo.

*****

"Where is Rhian? Bakit wala pa sya dito? Anong oras na? Gusto nya bang masisanti agad?" Sabi ni Glaiza na galit na galit.

Saka naman tumunog ang Alarm Clock ko.

It's just a bad dream! Buti nalang, akala ko totoo na.

It's 5 o'clock in the morning, para akong zombie na naglakad papunta sa kusina.

Nako, kung hindi lang talaga malayo ang trabaho ko, mamaya pa ako gigising. Pero wala naman akong choice.

Nagtimpla ako ng gatas, saka nagluto ng scrambled egg at nagsangag na rin.

Tapos nag breakfast na akong mag isa kasi tulog pa ang mga tao dito sa bahay.

Pagkatapos, naligo na ako, at nagbihis, tapos lumabas na ako para sumakay ng jeep.

Buti nalang hindi pa matraffic kaya nakarating kaagad ako sa Office.

"Good morning manong guard." Bati ko sa guard.

"Good morning din ma'am." Sagot nya.

"Nandyan na ba si Ma'am Glaiza?" Tanong ko sa kanya. Para sure akong mas nauna akong dumating sa kanya, baka kasi magkatotoo yong panaginip ko.

"Opo ma'am. Kanina pa po dumating. Nagtaka nga po ako kasi ang agang pumasok." Sagot ni manong, nakangiti pa ito.

Patay! Nauna sya sakin. 

Nginitian ko nalang si manong para hindi ako makahalata sa kaba ko tapos pumasok na ako.

Kinakabahan tuloy ako. Sana naman hindi magkatotoo yong panaginip ko. Nanginginig ang mga tuhod ko ng sumakay ako ng elevator at nag goodluck sa sarili ko sa mangyayari sakin.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon