( R h i a n )
Pagkatapos kong maligo, tiningnan ko ang phone at nakita ko ang text ni Glaiza.
Hay, kumusta na kaya sya? I dialed her number.
"Hello mahal ko." Masigla ang boses ni Glaiza na sumagot sa tawag ko.
"Hi mahal ko. Kumusta na ang papa mo?" Tanong ko kaagad sa kanya.
"Well, he's awake now. Ikaw, kumusta naman ang pag uwi mo?" Tanong nya sakin.
"I'm glad na okay na ang papa mo. Okay naman ang pag uwi ko dito mahal ko. Wala namang naging problema." Sagot ko sa kanya.
"I'm glad to hear that. Well, I have a problem here, but I think I can manage. Magpahinga ka na muna dyan ha? I love you." Sabi ni Glaiza.
"I love you too. Sigurado ka ba? Pwede naman akong pumunta dyan ngayon." Sagot ko sa kanya.
Ano kaya ang problema nya? Parang gusto ko tuloy pumunta doon ngayon.
"Wag na muna. Okay lang ako. I'll call you nalang mamaya, okay? Bye." Sagot ni Glaiza at pinatayan na ako ng phone.
Bakit kaya ayaw nya akong papuntahin doon? Sino kaya ang nandoon?
Anyways, ayoko namang maging makulit sa kanya. Kaya hindi nalang ako pupunta doon, dito nalang muna ako sa bahay. Para makapaglaba na rin lang ako.
Kinuha ko ang mga labahan ko, pati na rin yong kay mama at papa, total weekend naman, marami akong time na maglaba.
Pumunta ako sa likod ng bahay, at nagsimula na sa labada ko. Tapos dumating si ate.
"Total masipag ka today, isali mo na rin yong sakin." Dala nya ang isang basket ng labahan nya.
"Ayoko nga, isabay mo nalang dito pero ikaw din yong kumusot ng mga yan." Sagot ko sa kanya. Ang dami kaya ng lalabhan ko, dadagdagan pa nya.
"Edi wag. Umurong ka nga doon, maglalaba din ako." Sabi nya tapos inurong yong pinaglalabhan ko.
Natawa nalang ako kay ate.
Tanghali na akong natapos maglaba. Pagkatapos kong magsampay, bumalik ako sa kwarto ko at saka na nagpahinga.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pagkagising ko, maggagabi na.
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko, at tiningnan kung nagtext si Glaiza. Tama nga ako, nagtext talaga sya. Pinapapunta nya ako sa hospital ngayon.
Sa wakas magkikita na ulit kami. Nagbihis ako at nagpaganda na rin. Tapos lumabas ako para magpaalam kay mama at papa.
"Ma, Pa. Magpapaalam po sana ako." Sabi ko sa kanila.
"Saan ka na naman pupunta?" Tanong kaagad ni papa.
"Saan pa na edi sa hospital." Sagot ni ate.
"Hay nako, Rhian, tapos umaga ka na naman uuwi? Wag nalang." Sagot naman ni mama.
"Ma naman." Sagot ko eh.
"Payagan nyo na ma. Naglaba naman yan kanina, atleast may nagawa sya dito sa bahay." Sabi ni ate kayla mama na ikinatuwa ko.
"Natuwa ka naman? Ayusin mo lang na makauwi ka mamaya, kasi pag hindi, susugurin kita doon." Sagot ni ate.
"Opo." Salamat kay ate, pinayagan ako nila mama.
Lumabas ako ng bahay at sumakay ng jeep papunta sa hospital.
Pagdating ko, nakita ko sa labas ng hospital si Chynna. Mukhang nagulat ito ng makita ako, pero lumapit sya sakin.
Hindi ko feel si Chynna, pero dahil pinsan sya ng girlfriend ko, pakikisamahan ko sya.
"Hi chynna." Nginitian ko sya, at ngumiti rin sya sakin.
"Hello Rhian. Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin.
"Ah, tinext kasi ni Glaiza na pumunta dito. Sige ha? Puntahan ko muna sya." Sagot ko sa kanya.
"Rhian, wag ka munang pumunta doon." Seryosong pagkakasabi nito.
"Bakit naman? Pinapunta ako ni Glaiza dito kaya pupuntahan ko sya." Sagot ko sa kanya at tinalikuran sya.
"Just don't, please." Hinawakan nya ang braso ko.
Ano bang nangyayari? Pinagtitripan kaya nya ako? Ang gulo lang.
"Bakit ba kasi? Sabihin mo sakin." Naiinis na ako.
"I'll tell you. But not here." Sabi ni Chynna, tapos niyaya ako papunta sa isang coffee shop.
_____
( G l a i z a )
I'm glad na okay naman si Rhian. Gustong gusto ko sana syang papuntahin dito pero ayoko namang makita nya na may problema dito. Kaya yon, hindi ko na muna sya pinapunta dito.
Pumasok si mama kaya ako naman lumabas para bigyan ng space ang sarili ko. Baka hindi ako makahinga.
"Cous, okay ka lang?" Tanong ni Chynna sakin.
"No." Sagot ko sa kanya.
"Ano nang gagawin mo ngayong nandito na ang mama mo?" Tanong ni Chynna.
"Wala, para kay papa, wala akong gagawin kundi ang dedmahin nalang sya." Kung hindi lang talaga dahil kay papa, pinaalis ko na sya kanina pa.
"Hindi mo pa din ba sya napapatawad sa pag iwan nya sainyo?" Tanong uli ni Chynna.
"Hinding hindi ko sya mapapatawad, Chynna. I really feel bad now!" Sagot ko.
Ang sakit sakit ng ginawa nya, tapos ngayon mag a-act sya na parang hindi big deal sakin yong nangyari.
Bakit naman kasi ngayon pa sya dumating na may sakit si papa, edi sana, naisigaw ko sa kanya lahat, at napaalis kaagad sya.
Ang hirap naman nito.
"Cous, you need to calm down, namumula ka na. Baka mahigh blood ka nyan." Puna sakin ni Chynna.
"I need to get out of here." Kailangan ko ng hangin, kailangan ko munang lumayo dito.
"Sige, sasamahan kita." Sagot niya sakin.
"No! You stay here and keep me updated. Okay?" Sagot ko kay chynna. Hindi pwedeng walang maiwan dito na mapapagkatiwalaan ko.
"Sige cous. Ingat ka." Sabi sakin ni Chynna.
Lumabas ako ng hospital.
Tinext ko muna si Rhian na pumunta dito. Hindi naman ako pwedeng lumayo, kasi baka hanapin ako ni papa.
Hindi nagreply si Rhian, so I guess busy sya.
Nakakita ako ng bookstore sa tapat ng hospital, mabuti siguro kung doon ako pumunta. Maghahanap ako ng book na pwedeng ibigay kay Rhian. Siguradong matutuwa sya.
Pagtawid ko, nakarinig ako ng busina. Kaya napatingin ako sa pinanggagalingan nito. Pero huli na ang lahat.
*****
Happy weekend my dear readers.I hope you're enjoying reading my story.
Kung may mga mali man ako, o may suggestions kayo, comment lang kayo. Promise, malaking tulong yan sakin.
Madalas kasi wala akong maisip na isulat o idugtong sa naisulat ko. Kaya malaking bagay ang mga sasabihin nyo.
Salamat ng marami. 💋👄
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.