( R h i a n )
Tumayo ako at nagpunta sa CR. Total tulog naman si Glaiza, magbabawas na muna ako at maliligo na rin pagkatapos.
Hindi naman ako masyadong tumagal sa banyo. Kasi mabilis lang naman akong magjibs at maligo. Pagkalagay ko ulit ng towel sa katawan at saka ako lumabas.
Pagsara ko palang ng pinto, may tumakip sa mga mata ko.
Napangiti ako dahil alam kong si Glaiza ito. Ano na naman kayang binabalak nya?
Pero bigla akong nilagyan ng blindfolds at may apat na kamay na humawak sakin. Saka lang ako kinabahan.
Hindi naman siguro magkakaroon ng apat na kamay si Glaiza. Unless nalang kung...
Ano ba itong naiisip ko?
Hindi ako makasigaw kasi tinakpan yong bibig ko.
Ano ba ito? Panaginip?! Sana magising na ako. Hindi nakakatuwa eh.
Pinilit kong ibuka ang bibig ko, at nang magawa ko na, agad kong kinagat ang may hawak sakin. Napa Aw sya at boses babae sya, pero hindi ko kilala.
Glaizaaaaaa! Sigaw ko. Pero mabilis na tinakpan uli ang bibig ko, this time, nilagyan na nila ng tela ang bibig ko.
Nasan kaya sya? Sana naman okay sya.
Hindi nagtagal, binuhat na nila ako kahit pa nagpupumiglas ako.
Napakasama nila, tanging towel lang ang suot ko sa pagkidnap nila sakin. Grabe talaga! Kahit manlang tsinelas wala.
Pumasok kami sa sasakyan, wala akong ibang maisip kundi kung nasan si Glaiza at kung anong nangyari sa kanya? Sana magkita pa kami.
Nakakainis naman ang mga taong ito, pag ako nakatakas, lagot sila sakin.
Wala akong makita, wala din akong masabi. Tanging ang pandinig ko lang ang free ngayon. Pero hindi din naman sila nag uusap kaya wala talaga akong clue sa kung sino at ano ang motibo ng ginawang pagkidnap saking ito.
Hindi nagtagal, umandar na ang sasakyan. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ba ako sa mga susunod na mga oras, pero sana naman makita ko si Glaiza, bago mangyari ang kung ano man ang pwedeng mangyari.
Ang tagal namin bumyahe, sa kalkula ko, mga 1 hour kaming bumyahe. Sa tagal ng byaheng yon, hindi manlang sila ang nagsasalita. Ang tibay nila.
Pagdating namin sa lugar, hinayaan na nila akong maglakad, pero nakahawak pa rin sila sakin. Napansin kong mayroong mga damo sa dinadaanan ko. Nasan kaya kami?
Patuloy kaming naglakad hanggang sa naging matigas na ang inaapakan ko, malamig sa paa, so mukhang naka tiles ang sahig.
Hindi ko alam sa sarili ko, kung bakit nakakapag isip pa ako ng ganito imbes na mag isip ng paraan para tumakas. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon.
Pumasok kami sa isang kwarto at pinaupo ako sa isang silya pero hindi nila tinali ang mga kamay ko. Katulad ng napapanood ko sa mga pelikula.
I wonder why?
_____
( G l a i z a )
Nakatulog pala ako pagkatapos ng napakahuwagang sandali namin ng mahal ko.
Pero nagulat ako ng mayroon biglang tumakip sa mga mata ko at tinakpan ang bibig ko. Ramdam ko rin na wala si Rhian sa tabi ko, kaya nagpumiglas ako. Pero mas malakas sila sakin, kasi tatlong tao sila. Anim na kamay ang nakahawal sakin eh.
Nasan kaya si Rhian? Bakit wala sya sa tabi ko?
Nilagyan nila ng tela ang bibig ko, pati na rin ang mga mata ko, nilagyan ng takip.
Kabago bago lang namin sa lugar na ito, ganito kaagad ang nangyari? Hindi na sana ako bumili ng bahay dito kung ganito manlang na mabilis mapasok ng mga kidnapper. Tsaka of all the houses here, ito talaga? Nakakainis pa, eh naka bra at panty lang ako. Walang hiya talaga itong mga taong ito. Pag ako nakatakas, lagot sila sakin.
Itinayo nila ako mula sa pagkakahiga ko, at binuhat, panay ang sipa ko sa kanila, pero mukhang walang epek. Hanggang sa pumasok kami sa sasakyan. Hindi ako makagalaw kasi siniksik nila ako.
Hindi nagtagal pinaandar na nila ang sasakyan, at umalis na kami.
Nasan kaya si Rhian? Sana naman safe sya. Sana okay sya. Sino kaya ang mga kumidnap sakin? Wala naman akong matandaang may nagawan ako ng kasalanan.
Ang tagal ng naging byahe, kaya naman nakatulog ako sa byahe, dahil na rin siguro sa laban namin kanina ng mahal ko.
So yon, nagising ako ng hawakan nila ako ulit at inakay palabas ng sasakyan. Mabilis ang paglalakad namin, hanggang sa maipasok nila ako sa isang kwarto o bahay at pinaupo sa isang silya.
Nasan kaya kami? Anong lugar kaya ito? Bodega? Abandoned house? Gosh! Sana naman walang multo dito.
Hindi nila ako tinali sa upuan pero hindi naman sila umalis sa tabi ko.
Hay, sana naman maayos ang lagay ni Rhian. Bakit ba kasi kailangang maging ganito ang kahinatngan namin? Wala namang kaming kagalit o ginawan ng masama.
Napapaisip talaga ako. Ang dami kong bakit sa sarili ko. Pero hindi ko din naman alam ang sagot.
Teka, hindi kaya nananaginip lang ako? Ginalaw galaw ko ang sarili ko, upang magising. Pero tingin ko gising naman talaga ako. Ang gulo tuloy.
Pano ba ako makakatakas nito? Pano ko sila lalabanan, eh hindi ko naman makita kung nasan sila.
Sana kahit ngayon lang maging tanga sila na tanggalin ang takip sa mga mata ko. Para may laban naman ako, total hindi nila ako tinali.
Maya maya, may pumasok, halatang babae, ang ingay ng takong ng heels nya eh.
Hindi din naman sya nagsalita kaagad, at mayroong pang nagdatingan na madaming tao.
Ano ba naman? Naka bra at panty lang ako, baka marape ako nito. Pahiyang pahiya na ako sa sarili ko. Bakit ba nangyayari ito sakin?
Pangako, gaganti ako. Sabi ko sa sarili ko at hinanda ang sa kung ano man ang pwedeng mangyari sakin.
*****
Hello readers.
Here's the update for you, I hope na magustuhan nyo ito.
Goodnight. 😊
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.