Outing

2.3K 104 8
                                    

( G l a i z a )

After that talk with Rhian, inasikaso ko ulit ang mga taong nag aayos sa office ko.

Then napag isip isip ko, hindi ko pa nga talaga lubosang kilala ang mga staffs ko, at ganon din sila sakin. Siguro kailangan naming magsama sama, para naman maging okay kami lahat dito.

Kaya yon, tumawag ako sa isang resort, para makapagpareserve na kaagad.  After everything been settled. Lumabas ako ng office ko.

Lumapit ako kay Rhian and asked her to tell everyone na pumunta sa conference room, at nauna na akong pumunta doon.

Hindi nagtagal, isa isa silang nagdatingan with a question mark look.

After makaupo ng lahat, saka ko sinabi ang tungkol sa plano kong outing.

Nagkagulo kaagad sila, parang ngayon lang makakapag Outing. Syempre, nang makita ko ang mga reaction nila, sumaya din ako na nakikita silang masaya.

"We're leaving this friday, okay? So make sure na makapagready na kayo ng mga gamit nyo, para hindi tayo ma-late sa pagdating doon." Dagdag ko pa.

Tumango naman sila. Then after ng konting question and answer portion, pinabalik ko na sila sa mga trabaho nila.

Nagpaiwan naman si Rhian. Nagtaka ako kung bakit, pero hindi nalang ako nag react.

"Glaiza, pwede bang hindi sumama?" Tanong nya sakin.

Napakurap-kurap ako. Seryoso sya?

"Why?" Tanong ko sa kanya.

"Sa totoo lang kasi, hindi ako mahilig sa mga ganyan eh. Nakakahiya naman sa inyo." Sagot nya sakin.

Hindi pala sya mahilig sa mga gala? How come na nagpunta sa bar dati.

"Seryoso ka?" Tanong ko.

"Wala naman joke sa dulo ng sinabi ko diba?" Sagot nya.

"Kung hindi ka mahilig sa mga ganyan, bakit pumunta sa bar dati?" Tanong ko sa kanya.

"Sumama lang ako kayla ate noon. Actually napilitan nga lang ako, kasi pinipilit nya ako." Sagot nya sakin.

"So kailangan pilitin kita?" Biro ko sa kanya.

"Hindi nga kasi ako sasama ma'am." Sagot nya uli sakin.

Oh well, she just give me an idea.

"Dahil tinawag mo akong ma'am. As your boss, sasama ka. No exemption, no absent." Sagot ko sa kanya, at nauna na akong lumabas.

Hindi rin naman sya sumagot pa, so I think, okay na sa kanya.

Kung hindi sya mahilig sa mga ganon, I will make her like this outing. Para naman lahat kami mag enjoy.

Pumasok ulit ako sa office ko at nagpakabusy na sa mga paper works.

Then biglang tumawag si papa.

"Hello papa." -me

"Hi anak, how are you?" -papa

"I'm fine. How about you?" -me

"I'm fine anak. How's our company?" -papa

"It's good papa. I'm starting to like it." Masaya kong sabi sa kanya.

"Good to hear that. Anyway, I have to hang up now, bye." -papa

Then pinatay na nya.

Hindi ko manlang natanong ang tungkol sa sakit nya. Pero okay naman daw sya.

Then nagpakabusy na ulit ako.

_____

( R h i a n )

Habang nagpapakabusy ako sa trabaho ko, narinig kong bumukas ang pinto ng office ni Glaiza. Kaya alam kong sya yan.

Lumapit sya sakin at inutusan akong papuntahin lahat ng mga staffs sa conference room. Hindi ko alam kong anong reason, basta sinunod ko nalang ang utos nya. Lahat tuloy kami mayroong mga What if's sa isipan, sa kung ano ba ang mangyayari sa room mamaya.

Nang makompleto na ang lahat, saka sya nagsalita.

Nagulat kaming lahat nang sabihin nyang may outing kami, halos lahat sila natuwa, maliban sakin. Hindi kasi ako mahilig sa mga outing, party o kahit na anong madaming tao.

Nakakahiya naman kung sasama ako, kasi ako lang ang hindi masaya yon. Ayoko ng ganon. Kaya hindi nalang ako sasama.

Pagkatapos ng kaonting mga katanungan, natapos din ang meeting namin. Sinadya ko talagang magpaiwan para makausap si Glaiza.

Siguro naman okay lang na hindi ako sumama, kasi lahat naman sila sasama, so madami na sila.

Kinausap ko kaagad sya, but sadly, hindi sya pumayag. Sinubukan ko pa syang pilitin pero dahil nga boss ko sya, wala din naman akong nagawa. Baka magalit pa sakin. Kaya hindi na ako sumagot pa.

Pagkalabas nya, sumunod na rin ako.

Hay sana naman, bukas, magbago ang isip nya at pumayag na syang hindi ako sumama, kasi ayoko talaga.

Bumalik ako sa pagtatrabaho ko, at hindi ko namalayang, oras na pala ng pag uwi.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko, at naunang lumabas. Kanina pa kasi ako inaantok, kaya mas mabuti kong maaga akong makauwi para makatulog kaagad.

Buti nalang hindi gaanong matraffic, kaya nakarating kaagad ako sa bahay.

Pagdating sa bahay, agad akong pumunta sa kusina para tingnan kung may food na. Kasi 6:30 pm palang naman. Luckily, mayroon ng food.

"Ma, Pa, ate, kain na tayo." Yaya ko sa kanila.

Naglabasan kaagad sila sa mga kwarto nila.

"Oh anak, andito ka na pala." Sabi ni mama at papa. Nagmano ako sa kanila at kumuha na ng mga plato.

"Aba Rhian, hindi ka ba kumain kanina? Ang aga pa kaya para mag dinner." Sabi ni ate Katrina sakin.

"Inaantok na kasi ako, kaya please, kumain na tayo." Sabi ko sa kanila.

"Idi matulog ka." Sagot ni ate.

"Mauna ka ng kumain anak, wag mo ng pansinin ang ate mo." Sagot naman ni mama.

Binalik ko ang mga plato, at nauna na nga talagang kumain.

"Talagang nagsolo kang kumain, noh?" Sabi ni ate.

"Please lang te, patapusin mo na ako ate, para hindi mo na ako gisingin mamaya. Okay?" Sagot ko sa kanya.

"Bahala ka nga sa trip mo." Sagot nya at iniwan na ako.

Pagkatapos kong kumain, pumunta na ako sa kwarto ko at nagbihis ng pantulog, at yon, see you sa dreamland.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon