Have Fun

3.4K 125 3
                                    

( R h i a n)

Pagdating ko sa bahay, agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng isang pitsel ng tubig at ininom ito. (Pangparelax)

Nang maubos ko na, napalingon ako sa likuran ko, at nagulat ako ng makita si mama, papa at ate na nakatayo at nakatingin sakin.

"Oh?" Ang tanging nabanggit ko.

"Oh ka dyan, ano bang nangyari at kailangan mong uminom ng isang pitsel ng tubig?" Tanong ni mama.

"Oo nga, saan ka ba galing? Anak, ang aga mo yata ngayon." Sabi naman ni papa.

"Nako ma, pa. Alam ko na nangyari dyan. Na love at first yan." Sabi ni ate na agad namang binatukan ni mama.

Sinamaan ko sya ng tingin, ang dami nyang pwedeng sabihin, yon pa talaga.

"Aray ko naman." Sabi ni ate katrina habang hinihimas ang ulo.

Nakatingin lang ako sa kanila.

"Oh? Hindi ka ba magsasalita?" Tanong ni mama sakin.

Hindi ko mahanap ang dila ko. Kaya tumikhim muna ako para maayos ang lalamunan ko.

"Ganito kasi yon." Kakasabi ko palang nyan, kumuha na sila ng upuan at umupo at handang makinig sa kwento ko.

Umirap nalang ako at ikweninto sa kanila ang nangyari sa araw ko.

"I wonder kung sino yong babaeng yon! Nakakainis sya. Resbakan natin gusto mo?" Sabi ni Ate Katrina na galit.

"Kumalma ka nga Katrina." Suway ni mama kay Ate.

"Relax lang ma, hindi naman ni ate gagawin yon. Joke nya lang yan." Sabi ko kay mama at tiningnan si ate ng masama.

"Okay, fine! Basta ba hindi ko lang sya makilala. Lagot sya sakin." Sabi ni ate.

Napangiti naman ako dahil sa kasweetan nya.

"Pano mo makikilala, eh hindi na ako babalik doon. Hinding hindi na ako babalik sa lugar na yon. Maghahanap nalang ulit ako ng maaapplyan." Sabi ko sa kanila at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Sige anak. Ikaw ang bahala." Sabi ni mama at bumalik na sa paghuhugas nya ng plato.

"Anak, wag ka na munang lumabas ngayon, magpahinga ka na. Total hapon na rin naman. Bukas ka na mag job hunting." Sabi ni papa.

Total pagod din naman ako. Tumango ako kay papa upang sumang ayon sa sinabi niya.

Pagkaalis ni papa. Napatingin ako kay ate na seryosong nakatingin sakin.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong niya sakin.

"Oo naman ate." Sagot ko sa kanya ng nakangiti.

"Ayusin mo lang." Sabi niya sakin. Alam ko namang nag aalala sya sakin eh, pero okay lang naman ako, kaya wala syang dapat ipag alala.

"Opo." Sabi ko nalang sa kanya ng matapos na itong pag uusap namin.

"Nga pala, gusto mo bang sumama sakin mamaya? May lakad kami ng mga kaibigan ko." Tanong ni ate.

"Saan naman yan ate?" Tanong ko sa kanya. Pero hindi naman ako sasama kasi hindi naman ako mahilig gumala.

"Hindi pa kami nakapag decide kung saan. Sumama ka nalang kasi, alam mo, kailangan mo ito, para na rin makapag relax ka naman. Masyado kang focus sa paghahanap ng trabaho eh." Sabi ni ate sakin.

"Alam mo namang kailangan kong magkatrabaho asap diba? " sabi ko sa kanya.

"Alam ko naman yan. Basta sama ka mamaya ha? I'm sure mag ienjoy." Nakangiting sabi ni ate.

Tiningnan ko sya, at nag isip. Siguro naman walang masamang mangyayari sakin kung sumama ako sa ate ko diba?

"Oh sya sige. Sasama na ako." Sabi ko sa kanya.

Niyakap ako ni ate at patakbong pumunta sa kwarto nya.

Hay nako, parang bata si ate. Goodluck sakin mamaya.

_____

( G l a i z a)

I'm so bored! Ano bang magagawa ko dito?

Tumayo ako at naglakad lakad sa loob ng office ko. Then I saw a while folder sa table ko, kaya nilapitan ko ito at tiningnan ang laman nito.

Well, look who own this folder.  Napangiti ako at binasa ang mga nakasulat.

Rhian Ramos pala ang pangalan nya. Infairness, ang ganda ng resume nya. Too bad, I don't like her.

After kong basahin ito, I put it back in my table and called Solenn.

"Yes?" Sagot ni Solenn, hindi talaga boss ang turing nya sakin. Nice!

"I need you in my office now." I said and ended the call.  Oh diba? Sinong boss samin.  Tiningnan ko lang kung hindi sya pumunta dito ngayon din.

Maya maya I heard a knock, napangiti ako dahil alam kong si Solenn ito. 

"Come in." I said.

"What can I do for you?" Bungad ni Solenn sakin.

"Oh, itapon mo." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang resume ni Rhian Ramos para abutin nya.

"Why don't you just do it yourself?" Tanong ni Solenn sakin.

"Kasi ayoko." Sagot ko sa kanya. Still holding the folder.

She stared at me and said, "You're unbelievable. Ganda talaga ng ugali mo." Sabi ni Solenna at kinuha yong folder saka lumabas ng office ko.

Hay ang sarap sa pakiramdam na hindi lang yong araw ko ang nasisira.

Maya maya tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nang makita kung sino, sinagot ko kaagad ito.

"Hi Chynna.  What's up?" I said happily.

"Hello Glai.  Saan ka now?" She asked.

"Arg, I'm at my papa's office.  Why?" I asked

"Really? Ano namang ginagawa mo dyan?" Tumawa pa ito.

"Long story.  Anong mayron, bakit ka tumawag?" Sabi ko sa kanya. 

"Pupunta ako dyan ngayon, okay lang ba?" She asked.

"Sure.  Mas mabuti nga, para may kasama naman akong tao dito." I said. 

"Okay, I'll be there in 10 minutes." She said and hang up.

Makalipas ang 10 minutes.  Andito na nga sya.

"Hi pinsan. " She said to me and hugged me.

"Hello couz." I answered. 

"So tell me, what happened? "She asked. 

Ang galing talaga nitong pinsan ko, alam nyang kailangan ko sya.

At yon nga, ikweninto ko sa kanya ang nangyari.

"Kumusta naman si Tito?" She asked. 

"Hindi pa tumatawag eh." I answered. 

"First day mo palang, mukhang stress ka na. You need to have fun later." She said.

I smiled.

"Saan naman tayo pupunta? " I asked.

"Basta, just come with me mamaya.  I'm sure magiging happy ka." She said at kumindat pa.

I look at her and smiled.

"Okay, just make sure na magiging happy talaga ako." I said to her.

"Syempre naman." Sagot nya sakin.

Tapos yon, she stayed in my office hanggang 6 p.m.  then sabay na kaming lumabas ng building.

It's now the time to have fun, I said to myself. Then Chynna drove to where happiness lives.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon