( R h i a n)
"Rhian, bakit biglang kang napamura ?" Tanong ni Ate Kat sakin.
"Wala, wala." Sagot ko sa kanya. Nakakahiya naman sa mga kasama ni ate kung sasabihin ko ang tungkol kay Miss Glaiza.
"Sigurado ka ba?" Tanong ni Ate Kat sakin.
"Oo naman." Sagot ko sa kanya.
Mamaya nalang ako magkikwento sa kanya.
"Kat, okay ka lang ba?" Tanong naman ng kaibigan ni Ate sa kanya.
"Hindi nga eh. Tapos na ba kayong kumain? Pwede lumipat nalang tayo ng lugar? " Tanong samin ni ate.
Anong kayang nangyayari dito? Kailangan kung malaman.
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyayari dito?" Tanong ko kay ate pero nakatingin din ako sa mga kasama nya.
Pero bago pa man mayroong makasagot sa tanong ko. May sumigaw ng pangalan ni Ate.
Lahat kami napalingon sa Table ni Miss Glaiza.
Nakita ko ang pagbatok niya sa kasama nya, tapos nagkatinginan kami. Syempre sinamaan ko sya ng tingin. I hate her. Kaya binalik ko na ulit ang tingin ko sa pagkain ko bago pa man ako mawalan ng gana.
"So, tara na? "Yaya ko sa kanila. Ako ang nagmamadaling makaalis dito, kasi hindi ko talaga gusto na nandito sya.
Mamaya ko nalang aalamin ang nangyari sa kanila.
Inayos na namin ang mga gamit namin, pero biglang may nagsalita sa likod ko.
"Hello girls", boses ito ng sumigaw kanina, hindi muna ako lumingon kasi baka nandito rin si Miss Glaiza, pero after how many seconds na walang ibang nagsalita, lumingon ako sa may likuran ko.
Tiningnan ko sya ng mabuti, mula ulo hanggang paa. Nako! Mahilig ito sa chicks. Teka! Ano bang pinagsasabi ko? Pumikit pikit ako para bumalik sa mundo ng mga tao.
Tumabi sya kay Ate, at si ate naman hindi ko matukoy kung anong klaseng itsura ang mayroon sya, basta ang alam ko, hindi sya okay.
"Hi Kat, kumusta?" Tanong nya kay ate.
"Okay na okay ako Chynna, actually paalis na nga kami eh. Tara na, girls. " Sagot ni ate sa kanya at saka hinawakan ako sa kamay at hinatak patayo.
Ah, Chynna pala name nya.
"Wait lang, iniiwasan mo ba ako?" Tanong ni Chynna kay ate.
"Hindi naman, bakit ko naman gagawin yon? Paalis na talaga kami nang lumapit ka." Sagot ni ate na medyo nararattle na.
"Sigurado ka ba? Baka naman ayaw mo lang talaga na makita kami ni Glaiza." Sabi ulit ni Chynna kay ate.
Tiningnan ko si Ate, tingin ko kailangan nya ng tulong. At sa tingin ko, wala syang mapapala sa friends nya, kaya ako nalang ang magsasalita.
"Chynna, sige na, mauna na kami." Sabi ko at hinatak ko ang kamay ni ate.
"Wait. Who are you?" Tanong nya sakin, nakahawak pa rin sya sa kamay ni ate. Para tuloy kaming nag aagawan ng manika.
"Kapatid ko sya." Sagot ko sa kanya at tiningnan si ate at sya.
"Wooh! Katrina, ang ganda pala ng kapatid mo." Nakangiting sabi ni Chynna.
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nya. Para uminit yong tenga ko doon ah.
"Alam ko na yan, dahil since birth yan sa lahi namin. Kaya tigilan mo na ang ate ko dahil aalis na kami." Sabi ko sa kanya, medyo naiinis na ako sa taong ito ah.
"Chynna, Let go of her! " teka, kilala ko ang boses na yon ah. Si Glaiza.
Tiningnan ko ang babaeng papalapit, nakangiti sya samin.
"Here we go again." Pabulong kong sabi.
-----
( G l a i z a )
Habang kumakain, biglang tumayo si Chynna, I know where she's going, so I stopped her. Pero it's no used. Ayon, naglakad na sya papunta sa table nila Kat.
I want a peaceful night.
Pero hindi talaga mapipigilan si Chynna pagdating sa girls. Ang hilig sa chicks eh. Kaya napatingin nalang ako sa papalayong pinsan ko.
Tumabi sya kay Kat at from the look on her face, ayaw nyang nandoon si Chynna. Napailing nalang ako, at nagfocus ulit sa pagkain ko.
Mayamaya, napatingin ulit ako sa kanila, at mukhang paalis na sila. Ang aga naman yata. Kaya napag isip isip ko na lumapit na rin sa kanila. Total wala akong kasama dito. Ayoko naman maging loner at alam kong matatagalang bumalik si Chynna sa table namin. Kaya lilipat nalang rin ako.
Nakita kong nakahawak sa kamay ni Kat si Chynna at sa kabila naman si Rhian. Alam kong medyo mali na ang nangyayari kaya napatayo kaagad ako at naglakad papunta sa kanila. Ayoko ng eskandalo lalo pa't maaga pa ang gabi.
"Chynna, let go of her!" Sigaw ko kay Chynna ng makalapit na ako.
Napatingin sakin silang lahat, at mukhang nagulat sila maliban kay Rhian at Kat na masama ang tingin sakin. Then binitawan na ni Chynna ang kamay ni Kat.
"Pwede ba, Glaiza, wag ka ng dumagdag, at saka pagsabihan mo nga tong kaibigan mo na umayos." Sabi ni Kat sakin.
"I will surely do." Ngumiti ako kay Kat at tiningnan si Chynna ng masama.
"Well, magkaibigan pala kayo ni Kat." Sabi ko facing Rhian.
Gosh! She's really mad at me. Wala pa nga akong ginagawa.
"Ikaw pala yan!" Sagot sakin ni Rhian.
"Yes, it's me. The one and only." Sagot ko sa kanya.
Nagpalipat lipat ng tingin ang mga kasama namin samin.
"Tara na nga ate." Sabi ni Rhian kay Kat.
"You're sisters? " Takang tanong ko sa kanila.
Pero imbes na sumagot, nagsilabasan na sila at si Rhian, binangga pa ako. Nice!
"Magkapatid sila." Sabi sakin ni Chynna and she pats my back.
I don't know what's that "pat" for, basta I don't like it and I don't know why.
"Let's go home." Ang nasabi ko nalang kay Chynna.
Alam kong nagulat sya pero wala din naman syang magagawa. Sumakay na kami sa kotse at bumyahe papunta sa bahay.
*****
Good evening readers!
I hope you like this chapter.
Goodnight. ❤
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
Fiksi PenggemarA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.