Accident

1.7K 84 6
                                    

( R h i a n )

Pagdating namin sa coffee shop. Hindi mapakali si Chynna.

"Ano bang sasabihin mo? Tsaka bat ayaw mo akong papuntahin doon?" Ayoko ng patagalin ito, ang dami ko na kasing naiisip.

"Rhian kasi, si Glaiza nabangga kanina. Tas yong mama nya nandito." Sabi ni Chynna sakin.

"Ha? Pupuntahan ko si Glaiza. Ano ka ba? Nadisgrasya pala, tas di mo ako papupuntahin doon? Pano? Ano bang nangyari?" Napalakas yong boses ko.

"Hindi ko din alam, basta nagpaalam muna syang lalabas tas yon,bigla nalang may nag ingay sa labas ng hospital, si Glaiza na pala yon." Maluha luhang sabi ni Chynna sakin.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Baka naman joke nya lang ito.

"Kumusta na yong lagay nya?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa emergency room pa rin sya." Sagot ni Chynna.

"Nakuha mo pa akong yayain dito, eh yong pinsan mo nasa emergency room pala? Anong klaseng pinsan ka." Hindi ko na mapigilan ang galit.

"Gustong gusto kong mag stay doon, pero pinaalis ako ng mama ni Glaiza. Sinisisi nya kasi ako sa nangyari. Kaya wag ka na ring pumunta, baka mas lalong magalit yon. Mapahiya ka pa." Sagot ni Chynna.

Naawa ako bigla kay Chynna. Bakit kaya sya yong sinisi ng mama nito?

Noong nagdinner kami, yong papa nya lang ang nakilala ko. Bakit wala yong mama nya? Nacurious tuloy ako.

"Chynna, pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa mama ni Glaiza?" Tanong ko kay Chynna.

"Yong mama kasi ni Glaiza, iba ang ugali noon, actually iniwan nya si glaiza at yong papa nya noong 5 years old palang sya. Hindi nila alam ang reason. Maarte din yon si tita, choosy at mapili. Saka pag hindi nya kilala, hindi ka talaga pasok sa taste nya. Hindi nya rin alam na hindi straight na babae si Glaiza.Tapos ngayon lang sya bumalik, edi syempre si Glaiza nagalit kasi nga hindi nya tanggap na nandito yong mama nya. Ang hindi ko lang maintindihan, eh kung ano bang nangyari talaga, bat sya nabangga?" Kwento ni Chynna sakin.

"So hindi okay ang pamilya nya ngayon?" Tanong ko.

Umiling lang si Chynna sakin.

"Chynna, sige na please. Puntahan natin si Glaiza. Gusto ko syang makita." Tumutulo ang luha ko ngayon, sobrang awa ang nararamdaman ko kay Glaiza Mas kailangan nya ako.

Tiningnan ako ni Chynna ng matagal bago nag desisyong bumalik kami sa ospital.

Pinigilan ko ang hininga ko ng makarating kami sa emergency room. Tinanong ni Chynna ang nurse kung nasan na si Glaiza, nailipat na daw sa kwarto, kasi stable na ang kalagayan nya.

Napahinga kami ng maluwag at hinanap ang room nya. Katabi lang pala ito ng room ng papa nya.

Kumatok si Chynna, at halata kong kinakabahan sya.

Pinagbuksan kami ng nurse at pumasok.

May binda sa ulo si Glaiza at may mga galos sa katawan. Napaluha ako sa nakita ko.

"I told you not to come here." Sabi ng babae na sa tingin ko ay mama ni Glaiza kasi kamukha nya.

"Stop it, Cynthia." Sabi naman ng papa ni Glaiza na nakawheelchair.

Lumapit kami ni Chynna sa higaan ni Glaiza at doon na talaga ako naiyak ng todo.

Hinawakan ko ang kamay ni Glaiza.

"Who are you?" Tanong ng mama ni Glaiza sakin.

Tumingin ako sa kanya and she's looking at me from head to toe.

"Kaibigan ko po tita." Sagot ni Chynna.

"I'm not asking you." Sagot ng mama ni Glaiza.

"She's Rhian. She's the girlfriend of your daughter." Nakangiting sabi ng papa ni Glaiza.

"What?!" Gulat na gulat na reaksyon ng mama nya.

"I'm glad you're here Rhian. I'm sure, gagaling kaagad ang anak ko." Alam kong masakit sa papa nya ang makitang ganito ang anak nya, pero nagpapasalamat ako sa kanya na hindi nya ako pinabayaang harapin mag isa ang mama ni Glaiza.

"Alfredo, anong pinagsasabi mo?!" Tanong ng mama ni Glaiza.

"There are a lot of things that you still don't know about our daughter. Kaya if she wakes up and find out that you're treating her girlfriend bad, I just don't know what will happen." Kalmadong sabi ng papa nya.

Napangiti naman si Chynna. Alam kong tuwang tuwa sya sa nangyayari.

Tiningnan nya ako ng masama.

"So ganyan mo pala pinalaki ang anak natin?" Tanong nya.

"Actually, naging ganyan sya ng iniwan mo sya." Kalmado pa rin ang boses ng papa ni Glaiza.

Siguro nga tama si Chynna, hindi na sana ako nagpunta dito. Nakakahiya naman ako pa ang dahilan ng pagtatalo nila.

Gustuhin ko mang mag stay dito, pero mukhang hindi pwede eh. Mas lalong gugulo lang ang sitwasyon.

"Aalis na po muna ako." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Mabuti naman." Sagot ng mama nya.

"Rhian, I'm so sorry about this." Sabi naman ng papa nya.

"Okay lang po." Sagot ko sa kanya saka ako lumabas. Sumunod pala si Chynna sakin.

"Sabi ko na sayo, wag ka ng pumunta dito, kita mo tuloy ang nangyari. Pasensya ka na kay Tita ha?" Sabi sakin ni Chynna.

"Okay lang sakin yon, gusto ko lang talagang makita si Glaiza." Sagot ko sa kanya.

"Uuwi na ako."Dagdag ko pa.

"Hatid na kita, baka ikaw naman ang mapano nyan." Sagot nya sakin.

Pumayag naman ako kasi delikado na din naman kasi gabi na.

Habang nasa kotse kami tinanong nya ako kung mahal ko daw ba ang pinsan nya. Syempre mahal na mahal ko yon, kaya nga sinagot ko.

"Alam mo ngayon lang yon tumino. Kaya ang laki talaga ng naitulong mo sa kanya." Sabi ni Chynna sakin.

"Talaga ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo." Sagot sakin ni Chynna.

"Yon nga lang mukhang magkakaproblema na ngayong nandito yong mama nya." Sabi ni Chynna.

"Bakit kilalang kilala mo ang mama ni Glaiza?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi yong mama ko at mama nya ang magkapatid. Saka mas matanda ako kay Glaiza, kaya noong time na nang iwan si Tita, clear sakin ang lahat. Kaya simula noon, hindi ko na iniwan si Glaiza kahit pa madalas kaming mag away." Sagot ni Chynna.

"Ah ganon pala yon." Nakarating kami sa bahay. Kaya bumaba na ako at nagpasalamat sa kanya.

"Chynna, balitaan mo naman ak pagbalik mo. Ha?" Sabi ko sa kanya.

"Sure, pahingi ako ng mobile number mo." Nagpalitan kami ng number at umalis na sya pabalik sa hospital.

Sana naman gumaling kaagad si Glaiza. Pumasok na ako sa bahay, at dumiritso sa kwarto ko.

Doon ko binuhos ang mga luha ko na kanina pa gustong maglabasan.

Sana maging okay kaagad si mahal ko.

******

Goodnight Everyone 💋👄😪

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon