By my side

1.9K 103 4
                                    

#76 na ako sa fanfic.

Nakakatouch!

Salamat ng marami. 💋

******

( R h i a n )

Pagkatapos ng masayang gabi namin, napalitan ito ng pangamba. Naaawa ako sa papa ni Glaiza at lalong lalo na kay Glaiza mismo. Alam kong nasasaktan sya ngayon, kaya hindi ko sya pababayaan. Dito lang ako sa tabi nya.

Nailipat na ang papa nya sa private room. At nalaman kung nahimatay daw ito, kasi nga galing palang ito sa sakit. Bawal itong mapagod at mastress.

"Mahal ko, bibili lang ako ng pagkain ha? Anong gusto mo bilhin ko para sayo?" Tanong ko sa kanya.

Naglakad pa papunta sakin, at hinawakan ang mga kamay ko.

"Mahal ko, salamat na nandito ka sa tabi ko. Magpapabili nalang ako ng food kay yaya para hindi ka na mapagod. Okay?" Sagot nya sakin.

Tumango ako at umupo kaming pareho. Tumingin kami sa papa nya na mahimbing na natutulog.

"Gagaling sya mahal ko. Magtiwala lang tayo." Sabi ko sa kanya. At niyakap sya.

Hindi pa kami nakaligo o nakapagbihis lang man. Gusto ko sanang umuwi kaso ayaw ko namang iwan si Glaiza. Baka kailanganin nya ako.

"Mahal ko, umuwi ka nalang kaya muna, total umaga naman, para makaligo ka at makapagpahinga din sa bahay nyo." Sabi sakin ni Glaiza.

"Hindi na mahal ko, okay lang naman ako." Sagot ko sa kanya. Total weekend naman, okay lang na nandito ako.

Maya maya nagring yong phone ko, si ate tumatawag. Lumabas ako ng room para doon sagutin ito.

"Hello ate."

"Nasan ka ba? Bakit di ka umuwi kagabi? Alalang alala kami sayo. Napano ka ba?" Puro tanong kaagad sakin si ate.

"Ate sorry. Pakisabi kayla mama andito ako ngayon sa hospital, kasama ko si Glaiza..

Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko, sumagot na kaagad si ate.

"Ano? Bakit kayo nandyan? Anong nangyari sainyo? Saang hospital? Lagot talaga sakin yang Glaiza na yan." Sagot ni ate sakin.

"Ate.. patapusin mo kasi ako, dinala kasi yong papa ni Glaiza dito sa hospital. Kaya sinamahan ko sya." Sagot ko sa kanya.

"Ano? Umuwi ka nga muna dito, para kang walang bahay ah. Umuwi ka na." Sabi pa ulit nya.

Tapos pinatayan ako ng phone.

Napapikit nalang ako.

"Mahal ko?" Biglang sabi ni Glaiza. Hindi ko alam na nasa likod ko na pala sya.

Nilingon ko sya.

"Umuwi ka nalang muna. I'll be fine here." Sabi niya sakin.

"Babalik kaagad ako." Tapos hinalikan ko sya sa pisngi.

Hinatid ako ng driver ni Glaiza at pagdating ko sa bahay, hinihintay na talaga ako ng pamilya ko.

_____

( G l a i z a )

Narinig ko ang pakikipag usap ni Rhian sa phone nya. Alam kong pinapauwi na talaga sya at kailangan nyang gawin yon, kahit pa gusto ko sanang dito lang sya sa tabi ko.

"Mahal ko?" Tawag ko sa kanya.

Mukhang hindi talaga nya alam na nandito ako.

"Umuwi ka nalang muna. I'll be fine here." Sabi ko sa kanya.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon