( R h i a n )
Pagdating namin samin, niyakap ako ni Glaiza ng mahigpit. Ramdam ko ang pagdampi ng mga labi nya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Parang kuryente na dumaloy papunta sa puso ko.
"Ayee. Sweet nyo." Sabi ni Chynna.
Ngumiti lang ako at nagpaalam na sa kanila.
Ang bigat ng pakiramdam ko na makita silang papalayo sakin. Pero wala naman akong magagawa kasi nasa totoong buhay na ulit kami.
Naglakad ako papasok sa bahay, at ang nadatnan ko ay yong pamilya ko nakaupo sa sala at nakangiti sakin. Silang tatlo talaga.
"Welcome home." Sabag sabay nilang sabi.
"Mukhang excited kayo, anong mayron?" Tanong ko sa kanila.
"Anong mayron? Dumating ka na. Kanina ka pa namin hinihintay." Sagot ni ate.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Umupo ka na dito, tas kwentuhan mo kami tungkol sa outing nyo." Sagot ulit ni ate.
"Seryoso kayo?" Tanong ko.
"Hindi naman kami tumawa. Kaya malamang seryoso kami." Sagot ni ate.
"Bakit naman kasi para akong batang nakalabas palang sa bahay sa lagay na ito." Sagot ko sa kanila.
"Ano ba yan? Ang dami pang arte. Magkikwento ka ba o hindi?" Tanong ni ate sakin.
Natawa ako sa reaksyon nya.
"Sige na. Sige na. Magkikwento na ko." Sagot ko sa kanila.
Syempre, sinabi ko sa kanila ang mga nangyari at kung gano ako nag enjoy sa outing na yon. Pero syempre, hindi ko sinabi ang tungkol sa "Crush" ko. Kasi naman, inaalala ko pa rin ang mararamdaman ng ate ko. Pero ano nga ba talaga ang nararamdaman nya kay Glaiza?
Matapos kong magkwento, at makitang masaya sila, nagpaalam muna ako saglit para magpahinga sa kwarto ko.
Pagkapasok ko, agad akong nahiga at pinikit ang mga mata ko.
"Rhian?" Tawag sakin ni Ate. Bigla akong napabangon sa gulat ko.
"Ate naman. Wag kang nanggugulat ng ganyan." Sabi ko sa kanya.
"Parang may kulang sa kwento mo." Sabi niya sakin.
Napatingin ako sa kanya ng sabihin nya yan. Alam nya kaya?
"Ano bang kulang doon?" Tanong ko sa kanya.
"Yong tungkol sa boss mo." Sagot nya.
"Anong tungkol sa kanya?" Tanong ko.
Ano kayang gustong malaman ni ate? Hala, feeling ko tuloy nahalata nya yong kilig kanina habang nagkikwento ako.
"Okay ba sya? Hindi ka ba nya ginulo o kahit na ano?" Tanong nya sakin.
"Ah yon ba? Okay naman sya ate, mabait naman sya sakin." Sagot ko sa kanya.
Tumango tango si ate.
"Mabuti naman. Oh sya, magpahinga ka na. Gisingin kita mamaya pag kakain na." Sabi nya at lumabas na ng kwarto. Kaya pinikit ko ulit ang mga mata ko.
Pero maya maya, bumalik na naman si ate.
"May dalaw ka." Sabi niya.
Minulat ko ang mga mata ko at nagtanong kung seryoso ba sya.
"Wala akong time makipagbiruan sayo, kaya bumangon ka na at nakakahiya sa boss mo." Sabi niya tapos tinalikuran na ako.
Boss ko? Bigla akong napatayo at tiningnan ang sarili sa salamin tapos lumabas na ako ng kwarto.
"Hi." Bati nya sakin.
"Hello Glaiza, bakit ka nandito? May problema ba?" Tanong ko kaagad sa kanya. From the look on her face kasi, parang may kakakiba.
"Can we talk privately?" Tanong nya sakin.
Ay seryosong usapan yata to.
Nagpaalam mun ako sa parents ko, saka kami lumabas at nagpunta sa isang restaurant.
_____
( G l a i z a )
"Welcome home anak". Sabi ni papa.
Nagulat ako dahil hindi ko manlang alam na nandito na sya.
Nagmano ako sa kanya, at niyakap sya.
"Well, how's your outing anak?" Tanong nya.
"It's good." Sagot ko sa kanya.
Monitored nya ang mga galaw ko, kahit wala sya dito. Pano kaya nangyari yon?
"Tito, uwi na po ako." Sabi ni Chynna.
Tumango si papa as a sign na pumayag sya. Nang makaalis na si Chynna, saka ako umupo sa tapat ni papa.
"Pa, kailan ka pa dumating? Bat di ka manlang nagtext para nasundo kita sa airport?" Tanong ko sa kanya.
"Dumating ako actually sa araw na umalis kayo para sa outing nyo." Sagot nya.
"Tapos di mo manlang ako tinawagan." Sagot ko sa kanya.
"No need for that, pinuntahan kita sa resort, at sa nakita ko, you're doing just fine anak. Kaya hindi na ako nagpakita sayo, umuwi nalang ako dito sa bahay, para dito ka nalang hintayin at kumustahin." Sagot sakin ni papa.
Napangiti naman ako sa sinabi nya.
"Kumusta na pala ang pakiramdam mo Pa?" Tanong ko sa kanya.
"I'm fine anak. Wag mo akong intindihin. Ikaw kumusta? Mukhang okay ka na. Ikaw lang ba talaga yan o may nagpabago sayo?" Tanong ni papa.
Si papa talaga. Nginitian ko sya. Siguro enough na yan, para malaman nyang Oo, may nagpabago sakin.
"I want to meet that person mamayang dinner, if that's okay with you." Nakangiting sabi ni papa sakin.
Sasagot pa sana ako, pero inunahan nya ako.
"Whoever that person is, okay lang sakin. I just want to thank that person personally." Sabi ulit ni papa.
"Para namang ang sama sama ko dati." Sagot ko sa kanya.
Tumawa lang si papa.
"Sige na. Invite ko sya mamaya. Magbibihis lang ako papa." Sagot ko and kissed him sa cheeks. Tas pumunta na ako sa room ko.
After that, nagpaalam ako kay papa para mapuntahan si Rhian.
Ang problema ko lang ngayon, kung pano ko sya yayayain.
Hay nako, bahala na nga.
Bumyahe ako papunta sa kanila, at pagdating ko, si Katrina ang bumungad sakin.
"Hello Kat, si Rhian?" Naiilang kong sabi sa kanya. Halata kasing galit pa rin sya sakin.
"Kat ka dyan,hindi tayo close. Okay? Pasok ka na, tawagin ko lang." Sagot nya sakin.
Nakakailang talaga. Pero hindi naman sya ang pakay ko dito eh. Kaya bahala syang magsungit.
Maya maya lumabas na si Rhian. Halatang gulat sya na nandito ako, pero ayoko namang sabihin sa kanya ang pakay ko, kaya niyaya ko nalang syang lumabas, para naman makapag usap kami ng maayos. Buti na nga lang pinayagan sya.
Nagbihis lang sya saglit at umalis na kami papuntang restaurant.
*****
😉 Goodnight.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.