( R h i a n )
Habang nasa byahe kami, panay ang tingin sakin ni Glaiza. Nakangiti pa.
"Ano bang nginingiti mo dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman. May naalala lang ako." Sagot nya sakin.
"Ano yon?" Tanong ko sa kanya.
"Yong kagabi." Tas kumindat sya.
Sinamaan ko sya ng tingin kasi nahiya ako.
"Ewan ko sayo ha?" Sagot ko sa kanya.
Tumahimik naman sya at sumeryoso na sa pagmamaneho.
Ako naman yong patingin tingin sa kanya.
Ang tangot talaga ng ilong nya tas ang nipis ng mga labi. Sarap hal....
Ano ba itong naiisip ko?
Napapikit ako ng madiin para alisin sa utak ko yong naisip ko.
"Oh ano yan? Nag iimagine ka no?" Natatawang sabi ni Glaiza.
Nag blush ako sa sinabi nya.
"Sira!" Sagot ko sa kanya.
Tumawa pa sya lalo.
Tapos napatigil kami sa may stop sign.
Tumingin sya sakin, kaya tiningnan ko din sya.
"Ano?" Tanong ko sa kanya.
Unti unti sya lumapit sakin kaya pumikit ako. Maya maya naramdaman ko nalang ang paglapat ng mga labi nya sa mga labi ko.
Isang halik na naman. Nakaramdaman ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko.
Akala ko dampi lang ulit, pero gumalaw ang mga labi nya hanggang sa gumalaw na rin ako at naging mapusok ang halik namin. Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi ko, at naramdaman ko na nanginginig ang mga kamay nya.
Hinawakan ko ang mga kamay para kumalma sya. Para malaman nyang gusto ko rin ito.
Matagal ang halikang naganap na. Napatigil lang kami ng may bumusina samin. Go signal na pala.
Nagpapasalamat din ako na tinted ang kotse nya. Walang ibang makakakita sa nangyari samin.
Wala saming umimik hanggang sa makarating kami sa office. Pero bago kami bumaba ng kotse, inayos muna namin ang sarili namin. Mukhang kumalat kasi ang lipstick namin.
Matapos naming ma-sure na okay na kami. Tumingin sya sakin sa mga mata ko, kaya ganon din ang ginawa ko.
Hinalikan nya ako ng mabilis lang sa cheeks at ngumiti sakin.
"Ano ka ba? Magmamarka yang red lipstick mo." Sabi ko sa kanya. Tapos tumingin sa salamin at inayos ang pisngi ko.
"Baka magka diabetes ako nito." Biglang sabi ni Glaiza.
"Ha? Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"Ang sweet kasi ng halik mo." Sagot nya tas kumindat pa sakin.
"Corny mo." Sagot ko tas nauna na akong lumabas sa kotse nya.
Umayos ako dahil nasa real life na kami. Hindi ako pwede magpahalata sa kung anong nangyayari samin dahil baka bawal yon dito.
Narinig kong sumunod sakin si Glaiza pero hindi sya nagsalita hanggang sa makarating na kami sa elevator.
Pagkasara nito, saka sya nagsalita.
"I want you to know that whatever happens to us, I take it seriously. Okay?" Sabi nya sakin.
"Masaya akong marinig yan mula sayo. Ganoon din ang kasi ang nararamdaman ko para sayo." Sagot ko sa kanya.
"Really?" Tanong nya.
"Yes." Sagot ko. Ngayong malinaw na sakin, hindi na ako magdedeny talaga. Push ko na ito.
Tapos nakarating na kami sa office namin. Time to work na muna.
_____
( G l a i z a )
Pagkalabas palang ng bahay nila, gustong gusto ko na talagang gawin yon.
Kaya nag mag stop light, hinalikan ko sya. Kinilig ako ng maramdaman kong gusto nya rin pala ang halik na ito.
Napakasweet ng halik nya. Gusto ko sanang hindi na matapos ang moment na ito, kaso lang may mga epal na bumubusina na sa likod namin.
Kaya natigil ang sweet moment ko.
Pagdating namin sa building. Hindi muna kami bumaba. Tiningnan muna namin ang mga sarili namin at nag ayos. Tapos napatingin ako sa kanya. Hinalikan ko sya sa cheeks, nagblush sya. Bumanat pa ako ng pick up line sa kanya. Ang cute nya talagang magblush.
Saka kami lumabas, at naglakad papasok sa building. Hindi ako nagsalita kasi I was a little bit nahihiya sa nangyari sa amin sa Car.
Naisip ko na baka isipin nyang I'm taking her for granted. Seryoso ako sa kanya. At gustong malaman nya yon.
Naglakad kami papunta sa elevator at pagkasara nito saka ako nagsalita.
"I want you to know that whatever happens to us, I take it seriously. Okay?" Sabi ko sa kanya.
"Masaya akong marinig yan mula sayo. Ganoon din ang kasi ang nararamdaman ko para sayo." Sagot nya sakin na nagpakilig na naman sakin.
"Really?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko talagang ulitin nya ang sinabi nya.
"Yes." Sagot nya sakin.
Ayan, malinaw na samin ang nangyayari. Soon, gusto ko malaman ng lahat na akin sya. Pero gusto kong maging bongga ang mangyayari doon, kasi special na tao sya, kaya dapat special din ang gawin ko para sa kanya.
Pagkabukas ng elevator, wala pa naman palang tao dito. Masyado yatang maaga ang pagpasok namin. Sabagay 7:30 palang.
Lumabas kami sa elevator, I hold her hand tight at binitawan ko lang ng makarating na kami sa may cubicle nya.
"Have a nice day, sweety." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw din." Sagot nya sakin.
Pumasok ako sa office ko ng nakangiti at nagsimula na sa mga paper works ko.
Tapos napaisip ako kung ano bang magandang gawin mamaya para sa kanya.
Tapos naisip ko na hindi pa pala kami nagdinner na kami lang, as a date. Yon ang gagawin ko mamaya.
Tumawag ako sa isang restaurant at nagpa reserve ng table for two.
I'm so excited. Sana kiligin sya sa date namin mamaya.
So yon, back to work na ulit ako, para maagang matapos at makapag prepare ako para sa suprise date mamaya.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.