( G l a i z a )
Where is she?
Tinanong ko isa isa ang mga stafss ko, pero wala namang may alam. Tapos wala silang phone number kay Rhian. Kahit ako wala.
Nasan na kaya yong babaeng yon? Sasama ba sya? Kasi kung hindi lagot talaga sya sakin.
Umabot na ang 1 p.m. pero wala pa rin sya. Sya lang yong wala.
"Hindi na siguro dadating yon." Sabi ni Chynna. Inirapan ko lang sya.
"Seryoso ka? Hihintayin natin sya?" Tanong ni Chynna.
"Shut up." Sagot ko lang sa kanya.
Tumigil din naman sya.
Sa totoo lang, medyo naiinis na ako ha? Paasahin nya lang ba kami dito?
5 minutes na ang nakakalipas, wala pa rin sya. So I've decided na paalisin nalang yong van, alam naman kasi ng driver ang location.
Kami? Bibigyan ko sya ng chance, I'll wait for her until 1:30 pm pag di pa sya dumating, she's fired!
"Glaiza? Kaw pa ba yan?" Hinawakan ni Chynna ang magkabilang braso ko, at inalog ako.
"Chynna, ano ba, para kang ewan." Sagot ko and she let go of me.
"Parang hindi kasi ikaw yan, aminin mo nga sakin, tinamaan ka ba kay Rhian?" Nakangiting tanong sakin ni Chynna.
"What? Hindi no. Tumigil ka nga. Hindi ka nakakatuwa." Sagot ko sa kanya.
Ano bang pinagsasabi nito? Nadadagdagan ang inis ko eh.
"Sa loob lang ako ng kotse ha? Bahala ka dyan. Ang init init pa naman." Sabi ni Chynna at pumasok na nga sa kotse tapos pinaandar ito.
Nakahinga ako ng maluwag na wala na si Chynna sa tabi ko. Ang gulu gulp kasi eh.
Anyway, wala pa rin si Rhian. Talagang inuubos nya ang pasensya ko ha? Hindi ko din alam kung bakit ko ginagawa ito. I hate doing this, but still andito pa rin ako. Napakaweird talaga.
5 minutes to go, she's really not coming! Tama na itong kagagahan ko. Pumasok ako sa kotse, at isinara ito ng malakas.
Nakatingin sakin si Chynna. Kaya tiningnan ko din sya.
"What?" Tanong ko.
"Hindi ka sinipot ng princesa mo. Sorry!" Seryosong sabi ni Chynna.
"Pag hindi ka tumigil, hindi kita pasasamahin. Wag mo ng dagdagan ang init ng ulo ko, please lang." Sagot ko sa kanya.
"Okay, sorry na." Sagot nya.
"Just drive na, malilate na tayo ng pagdating doon." Sabi ko sa kanya at umayos na ako sa pagkakaupo ko at naglagay ng seatbelt.
"Okay. Here we go." Sagot nya, at nagsimula na kaming umandar.
Napatingin ako sa side mirror, nagbabaka-sakaling makita ko sya.
May nakita nga talaga akong babaeng tumatakbo papalapit sa building, tapos napatingin samin.
Si Rhian. Sya nga.
"Stop the car." Utos ko kay Chynna.
Hininto naman nya kaagad at lumabas ako.
Nagkatinginan kaming dalawa, hinintay ko syang lumapit pero parang nag aalinlangan sya, kaya ako nalang ang naglakad papalit sa kanya.
Nang magkaharap na kami.
"You're just in time." Ang tangi kong nasabi sa kanya.
I don't know if I'm happy or mad, basta hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.
"Talaga ba?" Tanong nya.
Tumango ako sabay sabing "let's go."
Then naglakad na kami pabalik sa kotse.
-----
( R h i a n )
Nako naman, grabeng traffic ito, malapit ng mag 1 pm pero malayo parin ako sa office namin. Pano na ako nito?
Bakit ba kasi hindi ko hiningi ang phone number ng mga katrabaho ko? Nakakaasara.
Umusad din naman ang byahe namin, at nang tingnan ko ang relo ko, past 1 na.
Nawalan na talaga ako ng pag asa. Wala na, hindi na talaga ako makakahabol. Lagot ako nito kay Glaiza.
Maya maya, nakarating na rin ako sa building. Patakbo akong naglakad papunta sa guard para magtanong.
"Manong, kanina pa ba sila umalis?" Tanong ko sa kanya.
"Yong van, oo, pero sila ma'am Glaiza, kaaalis palang. Ayon pa nga oh?" Sagot ni manong at tinuro ang yong kotse sa di kalayuan.
"Ha?" Napatingin ako sa kotse. Wala na. Wala na talaga. Naiwan na ako.
Pero huminto yong kotse at lumabas ni Glaiza.
Hindi ko alam kung lalapit ako, o kung aalis nalang. Pano kung pagalitan nya ako? Pano kung sesantihin na nya ako?
Naglakad sya palapit sakin, and I swear, sobrang kaba ang nararamdaman ko.
Nang makalapit na sya.
"You're just in time." Sabi nya sakin. Alam ko ang ibig sabihin nya, pero bakit lumakas ang tibok ng puso.
"Talaga ba?" Hindi ko alam kung bakit yan ang lumabas sa bibig ko.
Tumango naman sya at niyaya ako ako papunta sa kotse niya.
Nang makadating na kami sa kotse saka ko lang nalaman na may kasama pala sya.
Medyo nailang ako sa kasama nya, ito yong kasama nya sa bar dati eh. Yong nakakainis.
Sa likod ako umupo, si Glaiza naman katabi ng nagdadrive.
"Just in time." Sabi nya sakin.
Nginitian ko lang sya ng kunti, para naman hindi nya sabihing snob ako.
Then yon, pinaandar na nya ang sasakyan, at bumyahe na kami.
Pero naisip ko lang, bakit 1:30 na, nandito pa sila? Hinihintay ba nila ako o baka may nakalimutan lang kaya nalate ng alis. Pero tingin ko may nakalimutan lang, kasi hindi naman kami close ni Glaiza para hintayin nya ako diba? Tsaka bakit nakita nya kaagad ako sa side mirror kanina? Inaabangan nya ba ako?
I shake my head para mawala sa isip ko ang mga katanungang yan. Nakakagulo eh.
Anyway, kumuha ako ng baon kong libro at nagsimulang magbasa nito.
Hindi pa nga ako nakakapaglipat ng pahina, nakaramdam ako ng antok, kaya kinuha ko ang headset ko at nagpatugtog ng phone ko, tapos natulog ako. Matagal pa naman siguro ang byahe namin, kaya iidlip muna ako.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.