Sorry dahil hindi ako nakapag UD kagabi. Hirap kasi ng Internet dito. 😢
Pero ayan na po. 😊 I hope you like it.
Good morning. 😩
-----------------
( R h i a n )
Pagkatapos kong kumain, kumuha ako ng wine at naisipan kong pumunta sa kwarto nalang. Total hindi naman talaga ako mahilig sa ganito, plus wala ako sa mood.
Buti nalang walang ibang tao dito. Solo ko ang gabi. Baka madaling araw na umakyat yong dalawa. Mas okay sakin yon.
Pumunta ako sa terrace, at tiningnan ang mga bituin sa langit. Napaka ganda nila.
Naalala ko bigla yong pag uusap namin kanina, bakit parang ang sama ng loob ko? Hay nako. I don't know what I really feel about her. I feel bad. Really bad.
Maya maya narinig kong may sumara sa pinto. Alam kong isa sa mga room mate ko yan. Hopefully si Glaiza ito.
Naglakad sya papunta sa terrace.
Nagulat sya ng makita ako.
Bakit nandito ka lang?" Tanong nya sakin.
"Ikaw bakit andito ka?" Tanong ko din sa kanya.
Pareho kaming may hawak na wine. Pareho kaya kami ng pinagdadaanan?
"Gusto ko sanang mapag isa eh." Sagot nya sakin.
"Pareho pala tayo, gusto mo bang umalis ako?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi, okay lang na nandito ka." Sagot nya sakin.
Napangiti ako sa sarili ko, yong hindi obvious sa paningin nya.
Hindi ako sumagot sa kanya, pareho kaming natahimik nalang at nanuod sa magandang view ng langit.
Tapos maya maya, parang ang init na ng katawan ko. Siguro nakadami na ako ng nainom.
Napatingin ako sa kanya, ganoon din sya.
"Rhian, can I ask you something?" Bigla sabi ni Glaiza.
"Sure." Sagot ko sa kanya.
Halatang nag iisip pa sya ng itatanong.
"Wala ka ba talagang gusto sakin?" Nagulat ako sa tanong nya. Pero parang sya rin gulat na gulat.
Sa facial expression nya, mukhang seryoso sya. Well, wala din naman akong balak na magkipagbiruan.
"The truth?" Tanong ko nalang sa kanya.
"Yes, the truth." Sagot nya sakin.
"Crush kita." Sagot ko. Tingin ko yon naman talaga nafefeel ko eh.
"Totoo?" Tanong nya.
Nagtatanong tas hindi maniniwala. Hay nako.
"Ayaw mo, sige hindi nalang." Sagot ko sa kanya.
"Hindi, okay lang sakin." Sagot nya.
"Ikaw ba?" Tanong ko. Syempre gusto ko ring malaman, para talagang clear samin ang lahat.
"Ako?" Sagot nya.
"Oo." Sabi nya ulit.
"May gusto ka sakin?" Tanong ko.
"Oo nga kasi." Sagot nya sakin na ikinatuwa ko. Gumaan yong pakiramdam ko, kumpara sa unang pag uusap namin kanina. Siguro nga, ito talaga ang totoong nararamdaman ko.
"Pareho pala tayo." Sabi nya sakin.
Tumingin ako sa kanya, at nagcheers kami.
Mabuti na yong ganitong malinaw, para walang samaan ng loon diba?
I wonder kung nasaan yong pinsan nya. Pinauwi kaya nya? Kawawa naman.
"Si Chynna pala nasan? Tanong ko.
"Andyan lang yan. Nagpapakalma lang siguro, nasapak eh." Sagot nya sakin.
Kawawa naman yong tao.
_____
( G l a i z a )
Nang matanong nya kung nasan si Chynna. Naalala ko palang yong pinsan ko. Asan na kaya yon?
Biglang umambon, kaya pumasok na kaming dalawa sa loob ng kwarto, at umupo sa higaan ko.
"So Rhian, bakit mo pala dineny kanina na may crush ka sakin?" Tanong ko sa kanya. Curious kasi ako. Lulubus lubusin ko na baka bukas, hindi na pwedeng magtanong ulit eh.
"Actually, kanina, ang alam ko talaga wala eh, pero ngayon ngayon lang, naging clear sakin na crush pala kita eh." Sagot nya sakin.
"Ganon ba? Bakit parang palagi tayong pareho ng nangyayari today. Kasi ngayon ngayon ko lang din nalaman na crush din kita eh." Sagot ko sa kanya.
"Weird no?" Sagot nya sakin.
"Sobra." Sagot ko sa kanya.
Ano na nga ba ulit ang kasunod ng Crush? Parang hindi ko alam eh.
Then biglang pumasok si Chynna. Napatingin sya samin. Pero hindi sya umimik, dumiritso lang sya sa bed nya. And I feel bad about it.
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Chynna?" Tawag ko sa kanya.
"Bakit?" Sagot nya.
"Tama ka." Sabi ko sa kanya. Para naman gumaan pakiramdam nya.
"Tama sa ano?" Takang tanong nya.
"Tama ka na may feelings sakin si Glaiza." Sagot ni Rhian. Gusto rin siguro nyang makabawi sa pananapak niya kanina.
Parang hindi nya nagets. Siguro napalakas yata yong sapak namin kanina.
"Crush ko Si Rhian at ganon din sya sakin." Sabi ko kay Chynna para mas clear.
"Talaga?" Sagot nya.
"Edi panalo ako. Asan na price ko?" Sagot nya tas lumapit kay Rhian.
Pero hinarang ko sya.
"Ops, hindi pwede. Baka ihulog kita sa terrace nyan." Bigla kong nasabi.
"Joke lang." Sagot ni chynna. Tapos nagtawanan kami.
Mas masaya pala na nagkaalaman na kami.
Then tumabi si Chynna kay Rhian.
"I'm happy para sa inyong dalawa. Matagal ko ng alam na mayron, kailangan nyo lang talaga ng ipush sa isa't isa. Nasapak pa ako." Sagot ni Chynna.
Naawa tuloy ako kay Chynna.
"Sorry pinsan." Sabi ko nalang sa kanya.
"Umayos kayo ha? Nakakapanakit pa kayo ng tao dahil sa mga patagong damdamin nyo eh." Sabi niya ulit.
"Sorry." Sabi naman ni Rhian.
"Okay na yan. Tara na, inuman nalang tayo." Yaya ni Chynna samin.
Lumipat kami sa sofa at doon pinagpatuloy ang pag iinuman namin.
Sarap sa feeling na okay na kami. All thanks to Chynna pa pala, nasaktan pa sya sa kaartehan namin ni Rhian.
Looking at her, she seems happy. That makes me happy too.
Tuloy ang inuman. Tuloy ang saya.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.