Heartache

1.5K 61 10
                                    

( R h i a n )

Hindi ko sinasadya na marinig nya ang mga sinabi ko, pero huli na ang lahat para bawiin ito. Tapos wala manlang sya ginawa nong sinampal ako ng mama nya. Sinaway nya lang, ano yon, bata lang na nakikipag away?

Lumabas ako at nagtitinginan ang mga katrabaho ko pero hindi ko sila pinansin. Dumiritso ako palabas ng office.

I find myself, sitting beside the elevator.

Namamanhid ang pisngi ko, at hindi ko alam kung nagagalit ba ako, o naiiyak. Hindi ako makapaniwala sa nangyari ngayon.

Minasama na nga ako, pinagsabihan, sinapak, at nag iisa pa ngayon. Grabe! Ang sama naman ng araw na ito sakin. Ang sakit lang!

Napapikit ako ng maalala ko na may amnesia pala si Glaiza, at ako pa mismo ang bumuking sa sekreto naming lahat. Ang tanga ko! Nakakainis. Sana kasi, pinabayaan ko nalang yong mama nya. Pero sobra na rin kasi.

Maya maya lumapit sakin si Glaiza, alam kong galit sya sakin.

Thanks to you. Nalaman ko ang katotohanang niloko nyo ako." Ramdam ko ang sakit sa boses nyan

"I'm sorry Glaiza." Yan lang ang kaya kong sabihin sa kanya. I want her to hug me, kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"I'm sorry for what that woman did to you." Yon lang ang sinabi nya tapos tilakuran ako. Hindi ko manlang nakita ang pag aalala sa itsura nya. Galit lang ang nakikita ko.

Napaluha nalang ako sa nangyari. I ruined everything! Ayoko ko syang habulin dahil ayoko rin namang lumala pa ang sitwasyon namin. We both need time. Nasaktan din ako, mas lalo na si Glaiza.

Maya maya, si Chynna naman ang lumapit sakin.

"Rhian, okay ka lang?" Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.

Tiningnan ko lang sya, pero hindi ako nagsalita.

Niyakap nya ako at nagsorry sakin. Mas lalo akong naiyak.

Nang mahimasmasan ako, saka sya kumalag sa pagkakayap sakin.

Saka naman lumabas ang mama ni Glaiza.

"Look what you've done? Sinira mo ang lahat. Napakasama mong tao." Pasigaw nyang sabi sakin.

"Tita tama na." Saway ni Chynna.

"Isa ka pa." Si Chynna naman ang binalingan ng mama ni Glaiza.

Nakakasira ng bait ang boses ng babaeng ito. Feeling ko, may apoy na ang buhok ko. Baka maging si Fire Girl ako nito.

"Pag hindi ka tumahimik, makakatikim ka talaga sakin." Nanggigigil ako sa babaeng ito. Nakakawala ng respeto.

Nagtitigan kami. Hindi ako nagpatinag sa kanya, lalo pa ngayong nakakainis talaga sya at ubos na ang bait ko.

"Pag hindi kami magkaayos ng anak ko, ikaw lang ang taong hahabulin ko, and I will make sure na pagsisisihan mo na ginawa mo ito sakin." Sabi ng mama niya at tumalikod na sakin.

Hindi ko na sya sinagot dahil alam kong hindi sya aalis pag ginawa ko yon, at pag nangyari yon baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Masasapak ko na talaga sya.

Napabuntong hininga ako at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Chynna sakin.

"Uuwi na ako. Hindi na din naman ako makakapag focus sa trabaho, hindi ko nga alam kung may trabaho pa ba ako." Pagkatapos ng mga pangyayari ngayon, hindi ko na alam kung may puwang pa ba ako sa office na ito.

"Rhian, kausapin mo si Glaiza. Magpaliwanag ka. Hindi mabuti na ganito lang kayo." Sabi nya sakin.

"No need Chynna, kasi kahit yong "kami" ay malabo na din." Saka ako tumalikod at naglakad papunta sa elevator.

Nang makalabas na ako, sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay. Sa lugar kung saan, may nagmamahal sakin at walang mananakit sakin.

_____

( G l a i z a )

Nag check in ako sa isang hotel at kasalukuyang umiinom ng alak.

Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyari kanina. Masakit para sakin na yong mga taong mahal ko ang nanloko sakin. Okay na sana eh, okay na kami ni mama. Pero nakakainis lang kasi na ginamit pa nya ang pagkakaroon ko ng amnesia para mapalapit sakin. Pwede naman nyang magawa yon eh, pero mas pinili nya ang lokohin ako. Lalo na si papa. Mahal na mahal ko ang papa ko, pero bakit pati sya ginawa sakin ito.

Si Rhian? Girlfriend ko, pero nagawa akong lokohin? Just wow!

I feel so heartbroken.

Naglakad ako papunta sa terrace pero naapakan ko ang sapatos ko that causes me to fall. Napatihaya ako at napatitig sa kesame.

Sana magkaamnesia ulit ako. Para makalimutan ko silang lahat. Para mawala ang sakit na nararamdaman ko.

Inabot ko ang bote ng alak, pero wala na pala itong laman.

Wala naman palang kwenta itong alak na ito. Hindi manla nakakalasing. Tinapon ko yong bote sa isang sulok ng kwarto na ito. Narinig ko ang pagkabasag nito.

Napangiti tuloy ako sa naisip ko. Parang ako yong nabasag na bote. Hay buhay nga naman! Hindi talaga kayang mapredict ang mangyayari.

Kinuha ko yong phone ko at ini-on ito.

Ang daming text na nagdatingan pero hindi ko ito binasa.

Tapos biglang may tumawag, blurred na ang paningin ko, kaya sinagot ko ito ng hindi alam kung sino ang caller.

"Hello." Sabi ko.

"Hello, Glaiza. Nasan ka? Pinsan, lasing ka yata. Pupuntahan kita, baka mapano ka." Sabi ni Chynna.

"Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko sa kanya tapos pinatay ko na ang tawag nya.

Maya maya, tumunog na naman ang phone ko. Si Chynna na naman siguro ito. Ang kulit nya.

"Ano ba? Sinabing kaya ko na ito." Pasigaw kong sabi.

"Hello Glaiza. Si Rhian ito. Pwede ba tayong mag usap?" Tanong nya sakin.

Napamulat ng maayos ang mga mata ko. Galit ako sa kanya, pero namimiss ko ang boses nya.

"Pasensya na, pero ayokong kausapin ka." Sabi ko sa kanya.

"Please pakinggan mo naman ako." Naawa ako sa boses nya. Para akong tanga nito, mas naaawa ako sa taong nanakit sakin.

Hindi ako makasagot sa kanya. Ayoko muna na may makita kahit na sino sa kanila. Pero bakit magkaiba ang naiisip ko sa nararamdaman ko?

"Look, ayokong makipag usap sayo. Okay? Kaya leave me alone." Sagot ko sa kanya.

"Anong tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" Tanong nya sakin.

Oo nga naman. Magkausap na pala kami.

"Hello. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!" Tanong nya sakin ng pagalit na boses.

I accidentally told her the address of this hotel dahil nagtatalo ang puso't isip ko. Wow mali talaga ako. Lasing na nga siguro talaga ako.

"Wag na wag kang aalis dyan Glaiza. Pupunta ako dyan." Sabi nya.

Ano pa bang magagawa ko? Bahala sya. Hindi na din naman ako makakaalis kasi masyado ng nanlalambot ang katawan ko. Mabuti pa, matutulog nalang ako.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon