Who's that girl

3.2K 123 2
                                    

( G l a i z a)

Pagdating sa bahay, agad akong kumuha ng tubig at ininom ito.

"Now tell me, bakit umuwi tayo ng maaga?" Tanong ni Chynna sakin.

"Wala eh, boring na doon!" Sagot ko sa kanya, then naglakad ako papunta sa kwarto ko.

"Boring? Wow! Ngayon ko lang narinig sayo yan. Mukhang okay naman tayo kanina eh, pero mukhang nasira ang gabi mo nong makita natin si Katrina." Nang aasar na pagkakasabi ni Chynna.

"Chynna, pwede ba? Tigilan mo ako." Sagot ko sa kanya.

Ang hilig nyang mang asar, promise. Sadly, palagi akong natatamaan at naaasar.

"Aminin mo muna kasi sakin ang nararamdaman mo para kay Kat." Sabi nya sakin, at humiga sa kama ko.

"Ano ba Chynna, wala nga, what happened is over! Hindi naging kami, alam mo naman ako when it comes to girls, diba? Ayoko ng relasyon. Kaya tigilin mo ako." I said to her with matching irap pa.

"Okay, fine. Eh yong isang girl? Sino sya? Kapatid sya ni Kat diba?" Tanong ni Chynna sakin.

Kumunot ang noo sa tanong nyang yon.

"Don't tell me, trip mo sya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Mas trip ko si Katrina. Ikaw? Trip mo ba?"

Tiningnan ko sya.

" Si Rhian? No way!" Sagot ko sa kanya.

Anong klaseng tanong ba ito. Nakakagoosebumps.

"So tell me, bakit parang kilala mo na sya." Seryosong tanong nya sakin.

Napatingin ako sa kanya.

"Ang curious mo yata sakin ngayon. " Taas kilay na sabi ko sa kanya.

"Aba. Aba. Palagi naman akong updated sa buhay, ngayon lang yata hindi pwede. Bakit kaya?" Tanong ni Chynna sakin.

Napaisip tuloy ako. Bakit nga ba?

"So ano na? Hindi ka talaga magkikwento?" Tanong ulit nya sakin.

"Sige na nga." Sagot ko nalang. Baka ano na namang isipin sakin nito.

Kaya yon, napilitan ako magkwento sa kanya. Sinabi ko sa kanya kung pano kami nagkita, and I even told her that I don't like her.

Matapos kong magkwento, napatawa sya.

"Anong nakakatawa sa kwento ko?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Wala. Kaya naman pala parang mangangain ng tao yong itsursa nya kanina, dahil pala sayo." Sabi ni Chynna while shaking her head.

"Baka sayo, kasi lumapit lapit ka doon at muntik na kayong mag eskandalo ni Katrina." Sagot ko sa kanya.

"No way! Hindi naman ako mag iiskandalo. Tsaka bakit ba kasi galit sya sakin, eh wala naman akong ginawa sa kanya. Ikaw kasi bakit mo hinalikan si Katrina noon."

"Excuse me, sya yong humalik sakin, at sya rin naman ang lumayo satin right after that diba? Kaya ewan ko sa kanya kung galing ang hugot nya. Wala naman akong ginawa. Hindi ako nanligaw o kahit na ano. Pag nandyan sya, edi nandyan sya, pag wala naman, okay lang din. You know what I mean, right?" Tiningnan ko si Chynna.

Tumango naman ito.

"Okay, enough with Katrina. Let's talk about Rhian." Sabi ni Chynna.

"Ano naman yon?" Wala sa mood na sabi ko sa kanya.

"You don't like her that much?" Tanong ni Chynna.

"Hmm, ewan." Sagot ko sa kanya.

"Ang ganda nya no?" Chynna asked.

"Malay ko ba sayo." Sagot ko sa kanya. Ako pa talaga tinanong nya. Eh lahat naman ng babae maganda para sa kanya. Except sakin dahil pogi ako.

"Is she into girls kaya?" Tanong ni Chynna. Pero parang mas tinatanong nya ang sarili nya. Kaya hindi ako sumagot kaagad. Pero nong tiningnan ko sya, tinatanong nya pala talaga ako.

"There's only one way to find out. Kaibiganin mo sya." Sabi ko sa kanya.

"Tama ka nga. So pano, matutulog na muna ako." Sabi nya sakin then naglakad papunta sa kwarto ko.

"Hep, hep, bat sa kwarto ko ang lakad mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Liliko naman ako, tingnan mo." Sabi nya at naglakad papunta sa katabing room ng kwarto ko, which is the guest room.

"Goodnight couz." Sabi ni Chynna sakin.

"Goodnight." Sabi ko rin sa kanya at sabay kaming pumasok sa mga room namin.

Agad akong pumunta sa banyo para makapagbabad sa tubig at matanggal ang pagod sa katawan ko.

While relaxing, sumagi sa isipan ko papa. Kumusta na kaya siya? Sana okay sya. Sana magaling na sya.

Pagkatapos kong magbabad sa tubig, kinuha ko ang phone ko at tinawagan sya.

Isang ring palang, sinagot na nya kaagad ang tawag ko, hindi yata sya busy.

"Hi papa."

"Hello, Glaiza. Anak."

"Kumusta ka na Pa?"

"I'm fine anak. Ikaw, kumusta?"

"Okay lang naman ako Pa."

"How's your day sa Office?"

"Nakakapagod, grabe."

"And why is that?"

"Alam mo naman ang reason diba?"

"Anak, kailangan mong asikasuhin ang company natin. Wala naman akong ibang pwedeng lapitan kundi ikaw lang."

"I know. It's just I'm really having a hard time." Sagot ko sa kanya. Naaawa ako kay papa, at sa mga oras na ito, dapat hindi sya nagmomroblema.

"Kaya mo yan anak. Okay? So pano, I have to end this call na."

"Okay. Take care Pa."

"You too."

Pagkababa ko ng phone, nag isip isip ako kung ano ba ang dapat kong gawin bukas, pagpunta ko sa office.

Arg! I hate this feeling na kailangan kong mag isip. Bahala na nga bukas.

I turn off the light and tried to sleep. Sana maging okay bukas.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon