( R h i a n )
I don't know where to start. Kasi naman, hindi ko alam ko ano ba ang dapat sabihin ni Glaiza sa harap ng staffs nya. Hindi ko pa naman sya lubusang kilala. Ang alam ko lang, medyo may ugali sya. Yon lang.
Nakatingin lang ako sa kanya. Ganoon din sya sakin.
So bago pa maging awkward ang pagtitinginan namin, nagsalita ako.
"Ano ba ang mga gusto mong sabihin sa staffs mo?" Tanong ko sa kanya.
Halatang nag iisip sya kasi ang tagal nyang sumagot.
"Gusto kong sabihin sa kanila na umayos sila, dahil ako ang boss nila. Tsaka walang bossy dapat dito, dahil ako lang dapat yon. Tapos, dapat wala silang gawing mali dahil automatic fired sila. That's all." Sagot niya sakin na nagpalaki ng mga mata ko.
"Wag ganon, Glaiza." Sagot ko sa kanya.
"Eh tinanong mo ko, edi sinagot lang naman kita." Sagot nya, umirap pa sakin. Arte nito.
"Pwede ko bang isulat kong anong sasabihin mo doon? Basahin mo nalang, marunong ka naman sigurong maglagay ng emotion sa binabasa mo." Sabi ko sa kanya.
"Okay. Fine. Whatever." Sagot nya sakin.
"Sige, magsisimula na akong magsulat." Sagot ko sa kanya.
Kumuha ako ng ballpen at Paper at pumunta sa may Sofa ng office nya, at doon nagsulat.
Gusto kong maging maganda ang mensaheng ito, kahit pa alam ko na magiging scripted lang si Glaiza. Para din naman sa ikabubuti nya ito eh. Hindi pwedeng masama ang tingin ng mga staffs nya sa kanya, kahit pa halata naman, kailangang may makita din silang goodness sa kanya.
Habang nagsusulat ako, panay ang tingin ko kay Glaiza na walang ginawa kundi mag cellphone. Infairness ha? Maganda talaga sya, tsaka hindi halata sa itsura nya na may masamang ugali sya.
Tumingin ulit ako sa sinusulat ko. Aba'y mahaba na pala ito, siguro okay na ito, I made my point na naman, so bahala na sya.
"I'm done." Sabi ko sa kanya with smiling face.
Lumapit ako sa kanya, at binigay sa kanya yong sinulat ko.
Tiningnan nya muna ako bago niya ito tinanggap.
"Seriously?" Ayan ang reaksyon nya pagkatapos basahin ang sinulat ko, na wala namang masama doon.
"Ano ka ba, babasahin mo lang yan." Sagot ko sa kanya.
"Okay. Okay. Pero tara, samahan mo muna ako, gusto kong kumain, nagutom ako sa pinagsusulat mo eh." Sabi nya sakin habang hinahatak ako palabas ng office nya.
Habang naglalakad kami, pansin ko ang mga tingin ng mga staffs, para "what happened look" kaya nginitian ko sila para hindi nila isiping kinakaladkad ako ng boss nila, palabas.
Pagdating namin sa elevator, napabuntong hininga si Glaiza.
Kaya hinawakan ko ang kamay nya, alam kong kinakabahan sya.
"I'm here for you." Sabi ko sa kanya, at pinisil ang kamay nya.
Nakatingin lang sya sa mga mata ko, at ganong din ako.
According sa mga mata nya, she's thankful. Pero wala syang sinasabi. Okay lang naman yon.
Pagkabukas ng elevator, saka lang ako napabitaw sa kamay nya, na napaka awkward talaga. Lumabas kami at naglakad papuntang parking lot.
_____
( G l a i z a )
Pagkatapos kong basahin ang sulat na ginawa ni Rhian. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Kasi naman eh.
Kaya niyaya ko syang kumain, para malipaat yong kabang nararamdaman ko sa pagkain. Pagkalabas namin sa office, nahiya ako sa mga staffs ko. Hindi ko alam kung bakit, basta parang nagkakaroon ako ng paki sa mga tao sa paligid ko. Kaya naman mabilis ang mga lakad na ginawa ko, habang kinakaladkad si Rhian. Basta gusto kong makalagpas kaagad sa mga taong ito.
Pagdating sa Elevator, saka lang ako nakahinga ng maluwag. Pero hindi rin nagtagal nahirapan ulit akong huminga. Sabihin ba naman nyang she's here for me. She's here for me, she's here for me. Paulit ulit sa isipan ko ang sinabi nyang iyon.
I don't know what to say, kaya nakatingin lang ako sa kanya. Tapos parang may kuryente pang dumadaloy sa mga kamay naming dalawa. Napaka awkward talaga. Buti nalang bumukas na ang elevator at naglakad na kaagad kami papunta sa parking lot.
Agad kaming sumakay, syempre ako ang nagdadrive.
Dinala ko sya sa favorite kong kainan. Umorder kami at agad naman naiserve. Wala kaming imikan, pareho lang kaming seryosong kumain.
Pagkatapos naming kumain, napatingin ako sa kanya. Mayroon syang dumi sa mukha. Napangiti ako, dahil wala syang kaartehang kumain.
"Rhian, may dumi ka sa mukha." Sabi ko sa kanya.
"Saan?" Tanong nya tapos kinapa kapa nya ang mukha nya, pero di nya makuha.
"Ako na." Sabi ko sa kanya. Kumuha ako ng tissue at pinahid sa may labi nya.
I can smell her breath, so sobrang lapit ko na pala, kaya napaupo na kaagad ako.
"Salamat." Sabi ni rhian.
Nginitian ko lang sya. Napapadalas yata ngiti ko. Baka masanay ako nito.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na ulit kami sa office. Para maghanda sa Meeting mamaya.
Kinakabahan parin naman ako, pero carry na. Kailangan ko lang talagang mag iipon ng kabutihan sa katawan para paniwalaan nila ang sasabihin ko.
Lumabas si Rhian, para pumunta sa conference room, para ayusin ito for the meeting mamaya.
Ang bait ng babaeng ito. Sana lang hindi rin sya magresign, katulad ng ginawa ni Solenn.
![](https://img.wattpad.com/cover/134509389-288-k274855.jpg)
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.