( G l a i z a )
Pagkalabas ko palang CR. Napansin kong parang masinsinang nag uusap yong dalawa sa table. Kinabahan tuloy ako sa kung ano man ang sasabihin ni Chynna.
Hay itong pinsan ko talaga kasi, medyo pasaway.
Anyway, binilisan ko ang lakad ko, at niyaya na sila. Kung ano man ang pinag usapan nila, tatanungin ko si Chynna mamaya. Ayusin nya lang talaga. Lagot sya sakin pag nagkataon na puro kalokohan ginagawa nya.
Pagkapasok namin sa kotse. Tiningnan ko si Rhian.
"Okay ka lang ba dyan?" Tanong ko sa kanya.
Medyo nagulat sya tapos napatingin kay Chynna. Then pagtingin ko kay Chynna, nakangiti ito ng mag isa. Parang may something eh! Curious tuloy ako.
"Yeah. Okay lang ako dito." Sagot ni Rhian tapos umayos ng upo, then kinuha ulit yong libro nya at nagbasa.
Umayos na rin ako sa pag upo ko, at inistart na ni Chynna ang kotse.
Habang nasa byahe kami, hindi ako mapakali eh, gusto talagang malaman kung anong pinag usapan nila kanina.
Tiningnan ko si Rhian, busy ito sa pagbabasa, sana antukin sya para matanong ko na itong pinsan ko. Pero umabot na kami sa Venue, wala akong napala.
"We're here". Sabi ni Chynna.
Napatingin si Rhian sa labas, at alam kong nagandahan sya sa lugar. Kahit ako nagandahan din sa view eh.
Nang maipark na ni Chynna ang kotse, lumabas na kami at nag check in sa hotel.
"Pwede bang share nalang tayo pinsan?" Tanong ko kay Chynna. Para alam ko lahat ng gagawin niya. Gusto ko sanang magsolo kaso itong pinsan ko eh, hindi mapapapagkatiwalaan.
"Sure, pero si Rhian, sama na rin natin sa kwarto, kawawa naman mag isa lang sya." Sagot ni Chynna.
Hindi ko alam kung may binabalak sya o nagbabait baitan lang kay Rhian. Pero hindi na ako nagreact, kasi nakakahiya naman kay Rhian, baka sabihin nyang ayaw kong makasama sya.
"Kung gusto ni Rhian, okay din sakin." Sagot ko nalang kay Chynna.
Tiningnan ni Chynna si Rhian, kaya tiningnan ko din sya.
"Sige, okay lang din sakin." Sagot ni Rhian na ikinatuwa ni Chynna.
Alam mo yong feeling ng walang kaalam alam? Yon yong nararamdaman ko. Nakakainis.
Then pumunta na kami sa room namin, which is sa Third floor.
Pagkapasok namin sa room, may tatlong bed na para samin, si Rhian muna pinapili ko, sa gilid daw sya, si Chynna naman inunahan ako sa gilid din, so ayon sa gitna ako.
Then nagkanya kanya kami ng ayos sa mga gamit namin. At pagkatapos, natulog na muna ako.
_____
( R h i a n )
Bakit ba kasi ako nakipagdeal kay Chynna? Hay, yan tuloy, masyado akong apektado sa sa mga nangyayari.
Pagdating namin sa Resort, ayan na naman yong hirit ni Chynna na magsama sama nalang kami ng room, kung ako lang talaga masusunod, gusto kong mag isa, kaso hindi naman ako yong gagastos, si Glaiza naman kaya hindi ako mag iinarte.
Pagkapasok namin sa room, pinili ko kaagad ang gilid kasi ayoko sa gitna, in between nila? Ano ako muse? No way!
So yon, inayos ko muna ang mga gamit ko, at maya maya, dala ng pagod sa byahe, natulog muna ako.
Hindi rin naman nagtagal, nagising din ako kasi ang ingay ng dalawang kasama ko. Hindi ako gumalaw para hindi nila malaman na gising ako. Hindi ko gustong marinig ang pag uusap nila pero hindi naman maiiwasang hindi ko marinig kasi nga nasa iisang kwarto lang kami.
"Chynna, umayos ka ha? Kung may mga binabalak kang gawin, wag mo akong idadamay, okay?" Boses ni Glaiza.
"Ano ka ba, Glaiza, syempre hindi no. Tsaka promise, magbebehave lang talaga ako." Sagot ni Chynna.
"And this girl here, wag mong pagtitripan o kahit na ano mang pwede mong gawin, okay?"
Ano bang pinagsasabi ni Glaiza? Bakit ganyan yong mga linya nya? May gusto ba sya sakin?
Bigla akong napabalikwas ng bangon dahil sa naisip kong yon. Bakit ko ba biglang naisip yon?
Pero mas may malala akong problema, dahil nalaman nilang gising pala ako. Napatingin ako sa kanila, at titig na titig sila sakin.
"Bad dream." Pagsisinungaling ko sa kanila.
Napangiti lang sakin si Chynna.
"Tara na sa baba." Sabi naman ni Glaiza.
Doon ko palang napansin na nakabihis na sila. Naka short shorts sila at naka bikini top. Labas ang abs ni Glaiza, ang sexy nya.
Iniba ko ng direksyon ang tingin ko.
"Mauna na kayo, susunod nalang ako." Sagot ko sa kanila.
"Sige, mauna na kami." Sagot ni Glaiza tas hinawakan si Chynna, hindi naman ito pumalag, pero nakangiti sakin.
Nakakainis yong ngiti nya. Parang sinasabing mananalo sya sa deal namin. Arg!
Nang makalabas na sila, nag ayos na ako ng sarili at nagbihis na rin ng pang beach at napag isip isip ko na kailangan kong mapatunayang walang feelings sakin si Glaiza, para tigilan na ako ni Chynna.
Pagkatapos kong magbihis, lumabas na ako at pumunta sa baba para sa welcome party namin.
Pagdating ko sa baba, completo na sila, ako nalang yong kulang. Nakakahiya, late na naman ako.
Sa baba lang ako tumingin kasi all eyes on me.
May naririnig pa akong sipol at mga woohooh.
Nang makalapit na ako, tumayo ako sa tabi ni Glaiza.
"Ang tagal mong bumaba." Bulong sakin ni Glaiza.
"Sorry." Sagot ko nalang sa kanya at nagsimula na syang magsalita.
Pagkatapos ng maikling pawelcome ni Glaiza, kainan na.
Lumapit sakin si Chynna, habang busy si Glaiza sa pagkuha ng pagkain.
"Lagkit ng tingin sayo ni pinsan kanina. Sexy mo kasi eh." Sabi niya.
"Tigilan mo nga ako. Wag ka ngang ganyan sa pinsan mo." Sagot ko sa kanya.
Naiinis na naman ako.
"Basta sinasabi ko sayo, may gusto sya sayo." Seryosong sabi niya.
Hindi ko nalang sya sinagot, para tumigil na sya. Bakit nya ba kasi pinagpipilitan na may Feelings sakin si glaiza, eh wala naman akong makita.
Bago pa man masira ang gabi ko, kumuha na ako ng pagkain at nakisalo sa mga katrabaho ko.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.