( R h i a n )
Pag-gising ko, gusto ko sya ang nakikita ko, sa pagkain, gusto ko sya yong kasalo ko. Sa lahat ng bagay, gusto ko syang kasama. Alam ko na sa sarili ko na si glaiza na talaga. At ayoko syang pakawalan.
Matapos kong kausapin ang parents ko, at natutuwa ako dahil pinayagan nila ako. Nasa tamang idad na rin daw naman ako, kaya okay na sa kanila na mag settle down na ako.
Napakaswerte ko, kasi tanggap nila ang pagkatao ko. Butong buto din naman kasi sila kay Glaiza. Maganda na, pogi pa.
Okay na sana, kaya lang nakipag deal sila sakin, na dapat daw makikita nila ang pagpropose ko kay Glaiza.
Gusto ko sana sekreto lang yong pagpropose ko, yong kaming dalawa lang, kaso I have to say yes sa pamilya ko, ayoko namang sumama ang loob nila sakin.
So yon, habang wala pa si Glaiza, bumili ako ng singsing at nagpatulong ako kay Ate sa flowers.
Si ate na ang pinadecide ko sa flowers. Alam ko namang magaling syang pumili. Pagkatapos noon, bumalik na kami sa resort kasi on the way na daw sila Glaiza.
Mabilis lang ang naging preparation ko para sa proposal na ito, kasi ayoko ng patagalin pa. Mas lalo kasing lalala ang kaba ko kung patatagalin ko pa eh.
I guess this is it! Sana lang, hindi pa nagbago ang isip nya na gusto nya akong makasama ng habang buhay.
So yon, pagkatapos naming maglunch, pumunta muna kami sa kwarto para makapagrelax. Actually, kasali na yon sa plano ko.
Sinabihan ko muna sya na maligo, para makapagpahinga. Knowing her, susunod yan sa sinabi ko. Tsaka matagal magbanyo yon, kaya may oras pa ako.
Kakapasok palang nya sa banyo at nang marinig ko yong tunog ng shower, agad akong lumabas.
Nagulat ako ng makita ko ang parents ni Glaiza. Nakangiti sila sakin at isa isa silang yumakap sakin.
"I give you my blessings." Sabi ng papa nya.
"Congrats Rhian. Welcome to the family." Sabi naman ng mama nya.
"Salamat po. Sana nga, umuo sya." Sagot ko sa kanila. Ngumiti lang sila sakin.
Kinakabahan talaga ako. Ganito pala ang feeling ng magpopropose.
Tiningnan ko ang paligid ko kung nasa ayos na ba ang lahat. Sa mga petals sa sahig, sa lightings, sa bouquet, at sa singsing. Okay na ang lahat. Kaya naman, ang pinakamamahal ko nalang ang hinihintay ko.
Maya maya, tumunog yong phone ko. Pero hindi ko ito pinansin, kasi si Glaiza at ang oo nya lang ang nasa isip ko ngayon.
Alam kong any moment now, lalabas yan, pagnalaman na wala ako sa room kom
Nakaluhod ako in one knee, at ramdam ko ang panginginig nito. Tinatry kong kumalma, pero wala eh, nagwawala ang puso ko.
Tapos narinig ko ang pagpihit ng knob. Oh my G! Ito na sya. Huminga ako ng malalim at nilagay sa mukha ko ang pinakamagandang ngiti ko.
This is it.
_____
( G l a i z a )
As I open the door. I was shocked sa nakita ko.
Rhian is on her knee while holding a ring.
"You are the reason for the smile on my face. Today, I am asking you to put it there forever. Will you marry me? Mahal ko." She asked me.
Feeling ko naiihi ako na parang hihimatayin, na di makahinga, na ewan sa sobrang saya na nararamdaman ko. Ako dapat ang nagpopropose sa kanya, pero ito sya ngayon, ginulat ako. At pinaramdam sakin, kung gano nya ako kamahal.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanficA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.