( R h i a n )
Pagkatapos ng pag uusap naming yon, sobra akong kinakabahan sa gagawin kong pagsisinungaling kay Glaiza.
Tumingin si Chynna sakin at tumalikod na rin agad para bumalik sa guest room.
Ako naman ay naglakad papunta sa kwarto ni Glaiza. Pero bago pa ako makaabot sa may pintuan ng kwarto nya. Lumabas ang mama nya. Aa
Ngumiti ako sa kanya. Agad namang sumama ang tingin nya sakin at mabilis na naglakad. Kaya yon, pagkalagpas nya sakin, saka ako pumasok sa kwarto ni Glaiza.
"Hi mahal ko. Where have you been?" Yon kaagad ang tanong ni Glaiza sakin.
"Sa labas lang. Tumawag kasi ako sa bahay. Kinumusta ko sila." Sagot ko sa kanya. Mukhang simula na ng pag sisinungaling ko.
"Ganon ba? Kumusta naman sila? Siguradong namimiss ka na nila." Sagot nya sakin.
"Okay naman sila." Sagot ko sa kanya.
"Mahal ko, kumain ka na ba?" Tanong niya sakin.
"Nako, tara na. Para makapagbreakfast ka na rin. Ako kasi kumain na. Dinalhan ako ni mama dito ng pagkain, eh wala naman akong choice kaya kinain ko nalang." Sabi nya tapos yon naglakad kami palabas ng kwarto.
Actually, wala naman talaga akong ganang kumain eh. Pero hindi ko nalang sinabi, baka magtaka sya.
Pagdating namin, naroon din ang papa nya at si Chynna. Nagkatinginan kami ni Chynna at nag-ngitian.
Tahimik ang lahat habang kumakain. At mukhang napansin yon ni Glaiza.
"Hello. Ang tahimik nyo yata. May problema ba?" Tanong ni Glaiza.
Yong papa nya kaagad ang sumagot. Kasi wala naman akong balak magsalita, I guess si Chynna din.
"Wala naman anak. We are just enjoying our food. That's all." Sagot nya.
"Hmm, okay. Pa, I want to know nga pala, bakit wala dito si mama?" Tanong ni Glaiza.
Biglang naubo si Chynna. Ako naman ay muntik ng mabilaukan sa tanong nya.
Buti nalang hindi yon naging big deal sa kanya. Mukhang hindi nga nya napansin eh.
"May pinuntahan lang saglit anak." Sagot nya sakin.
"Okay. I'm just wondering, bakit kaya si mama lang ang hindi ko maalala?" Tanong bigla ni Glaiza.
Hindi na naman kami nakaimik.
"Hindi din namin alam anak. But I'm sure you'll get better soon." Sagot ulit ng papa nya.
"Sana bukas maalala ko na sya. Para naman hindi sya stranger sakin." Sagot ulit ni Glaiza.
Tapos yon, hindi na sya umimik. Kaya nakakain na kami ng maayos.
Pagkatapos noon, bumalik na kami sa kwarto ni Glaiza. At nilinisan ko ang mga sugat nya.
"Mahal ko, uuwi muna ako ha?" Sabi ko sa kanya.
Kailangan ko munang makapag refresh. Masyado akong kinakabahan sa mga natatanong ni Glaiza. Ang hirap magsinungaling. Kaya mas mabuting umuwi nalang muna ako.
"Sige mahal ko. Pero babalik ka din ba mamaya?" Tanong nya sakin.
"Oo naman. Maglalaba lang ako saglit. Tapos babalik na ako dito." Sagot ko sa kanya.
"Sige. See you." Tapos she kissed me on the lips.
Then yon, umalis na muna ako. Nagpaalam muna ako sa papa nya, tapos ipinahatid na ako sa bahay.
_____
( G l a i z a )
Alam kong may something wrong sa mga tao dito sa bahay. Lalong lalo na kay Chynna at Papa. Pero hindi ko pinahalata sa kanila na nahalata ko sila.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa kwarto tapos nilinisan ng mahal ko ang mga sugat ko. Ang sweet talaga ng mahal ko, ang bait bait pa sakin.
Nagulat naman ako ng bigla syang magpaalam na uuwi. Pero alam ko namang may pamilya sya at nakakahiya naman kung nandito lang sya palagi, at ako lang ang aasikasuhin nya diba? Kaya yon, pinayagan ko sya.
Pagkaalis nya, lumabas ako ng kwarto at hinanap si Chynna.
Pumunta ako sa guest room, at binuksan ito.
"Hi Chynna." Bati ko sa kanya.
"Uy Glaiza." Gulat na sagot nya sakin.
"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napansin ko kasing nakabihis na sya tas hawak ang backpack nya.
"Uuwi muna ako. Namiss ko na ang bahay ko. Matagal na akong hindi umuuwi eh." Sagot nya sakin.
"Ganon ba? Si Rhian din umuwi. Nakakalungkot naman." Sagot ko sa kanya.
"Babalik din naman ako, wag kang magdrama dyan." Natatawang sagot nya sakin.
"Talaga?" Excited ako na babalik din sya. Iwan ko ba, parang ayaw ko na iwan ako ng mga tao.
"Yes. Sige na. Aalis na muna ako." Sabi nya tapos niyakap nya ako.
Pagkaalis nya, naglakad ako papunta sa gilid ng pool. Kung saan naroon si papa at si mama.
"Hello." Sabi ko sa kanila.
"Anak, come, join us." Sabi ni papa.
Umupo ako sa tabi ni papa.
"Dahil wala akong maalala saiyo, tell me about us." Sabi ko kay mama.
Napatingin si mama kay papa.
"Well anak, both of you were so close. Mas close pa nga kayo kaysa satin eh." Si papa ang sumagot at tumango tango lang si mama.
"Really? I want to go shopping kasi. Ang boring dito. Iniwan naman ako ni Chynna at ng girlfriend ko. So can the both of you go with me?" Sabi ko sa kanila.
"Yeah, that's a good idea. Gusto ko ring magshopping. Tara, magbihis na tayo." Masayang sabi ni mama.
"Tara na Pa." Yaya ko kay papa. Pero tumanggi sya, kami nalang daw na dawalaw.
So yon, nagbihis na sya, pagkatapos nya, tinulungan nya akong magbihis.
Mas gusto ko sanang si Rhian lang ang nagbibihis sakin, kaso wala sya. Sana bumalik na kaagad sya.
"Let's go." Sabi ni mama. Tapos yon, sumakay na kami sa kotse at nagpunta sa mall.
Pagdating namin, agad kaming nabusy sa pamimila ng jewelries. Habang namimili sya, napansin ko na pareho kami ng hilig. Napangiti ako, dahil mukhang totoo nga ang sinabi ni papa na close kami dati.
Mukhang magiging interesting ito pagsashopping namin. Madami akong malalaman.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.