It's Okay

2.3K 96 7
                                    

( G l a i z a )

Akala ko makakatulog na ako, pero hindi pa pala. Nagpaiba iba ako ng pwesto pero wala pa rin.

Kaya tumayo nalang ako at pumunta sa terrace ng kwarto ko at tiningnan ang mga bituin sa langit.

Kumusta na kaya si papa? Sana maayos ang lagay niya. Sana gumaling na kaagad sya.

Tingin ko good thing na rin na iniwan sakin ni papa ang company namin, kahit alam kong wala lang syang choice. Maganda naman ang naidulot nito sakin. Tama nga si Chynna, may nabago na sakin. Malaking malaki talaga. At dahil yon kay Rhian. Thanks to her. She's really a good person.

Kumuha ako ng wine sa ref at bumalik sa terrace, total hindi naman ako inaatok, iinom nalang ako at mag eemote dito.

Inubos ko ang oras ko sa pag inom ng wine at pag i-enjoy sa sariwang hangin at magandang view ng langit.

Hinintay kong sumikat ang araw, saka ako pumasok sa kwarto ko, para maligo at mag ayos para sa pagpasok ko.

After kong maligo, pumunta ako sa kusina para mag almusal. Wala pa si Chynna, malamang tulog pa yon. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko at nagtoothbrush, then inayos na ang sarili ko.

Tapos lumabas na ako at nag drive papunta sa Company.

Alam kong masyado akong maaga ngayon, pero okay lang. Wala rin naman akong gagawin dito sa bahay. Tsaka mabuti rin ito, para makita ko ang pagdating ng staffs ko.

Pagdating ko sa Office. Nagulat ang guard na makita ako. Syempre, napakaaga ko eh. Nginitian ko lang sya ng mag good morning sakin. Atleast, pinansin ko sya.

Pumasok ako sa loob at sumakay ng elevator. Pagdating ko sa floor ko, 7:00 a.m. palang pala, kaya ako palang ang tao.

Pumunta ako sa Office ko, at umupo sa Swivel Chair ko. From the look of my office, masyado palang "panlalaki" ito. Hindi naman sa nag iinarte ako, pero gusto ko sanang baguhin ito. Ayoko din naman gawin itong kikay, kasi hindi naman ako kikay. Gusto ko sana ay yong pwede sa babae at lalaki na aura ng office.

Nag hire ako ng mga tao para ayusin ang interior design ng office ko. Hindi nagtagal dumating na sila. Kaya lumabas na muna ako, matapos kong sabihin ang mga gusto ko.

Nakita kong nagsidatingan na ang mga staffs ko except Rhian.

"Where's Rhian?" I asked, well hindi ko pa alam ang mga names nila kaya wala akong pinangalanan.

One of them answered: "wala pa po sya ma'am."

Saka naman bumukas ang pinto at lumabas dito si Rhian.

Napatingin ako sa kanya, at ganon din sya. She look shocked at parang natakot din. Bakit kaya? Nakakatakot na naman ba ulit ako?

"Good morning Rhian." Sabi ko sa kanya with a smile.

"Good morning Glaiza, Sorry I'm late." Sagot nya at yumuko pa.

Tiningnan ko ang relo ko, it's only 8:00 a.m.

"It's okay, tsaka hindi ka pa late, 8 palang. Wag kang O.a." I joked para naman kumalma sya.

Ngumiti sya sakin at naglakad na papunta sa cubicle nya.

As I walk back to my office, dinaanan ko si Rhian and ask her na sumama sakin sa loob. Ayan na naman yong look nya na parang natatakot. I wonder why.

_____

( R h i a n )

Sa labas palang narinig ko na kaagad ang boses ni Glaiza, hinahanap na nya ako. Oh my! Mukhang magkakatotoo nga talaga yong panaginip ko. Papasok pa ba ako o uuwi nalang? Pero naisip ko din naman na hindi magandang hindi ako magpapakita sa kanya. Hay! Magbabaka-sakali nalang ako na hindi mangyari ang iniisip ko.

Binuksan ko ang pinto, at yon nga, nakita ko kaagad sya.

Nag good morning sya, na ang akala ko ay sisigawan nya ako, kung bakit late ako.

Sinagot ko sya at humingi ako ng paumanhin sa pagiging late ko.

Then napatingin ako sa relo ko ng sabihin nyang 8 palang. Nakalimutan ko na maaga din pala akong pumasok, sadyang nauna lang talaga syang dumating.

Kaya pagkatapos noon, nginitian ko nalang sya at naglakad na ako papunta sa cubicle ko.

Nakahinga ako ng maluwag, dahil hindi ako nasisanti ni Boss. Antok na antok pa naman ako ngayon, para akong lumulutang.

Inayos ko ang mga gamit ko, para makapag simula na sana sa trabaho ko. Pero biglang dumating si ma'am. Kinabahan ulit ako, pinapasama pa ako papunta sa office nya.

Tumayo ako at naglakad kasabay nya papasok sa office, pagkapasok namin, saka ko palang nalaman na inaayos pala ito.

"Do you think it will look good?" Tanong sakin ni Glaiza.

"Syempre naman. Ang ganda nga eh." Sagot ko naman sa kanya.

Napatango tango sya.

"Now tell me, bakit parang natatakot ka sakin?" Tanong nya sakin.

Napatingin ako sa kanya. Nag isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol sa panaginip o kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.

"Ano na?" Tanong uli nya.

"Ano kasi, akala ko sisisantihin mo na ako kasi late ako." Sagot ko sa kanya.

"First of all, hindi ka nga late, kulit mo. Nauna lang ako sayong pumasok, it's no big deal. Tsaka bakit mo naman naisip na sisisantihin kita? May ginawa ka bang masama?" Sagot sakin ni Glaiza na nagpatulala sakin sa kanya.

Kumurap kurap ako. May point sya. Ang tanga ko talaga minsan.

"Ay sorry, nadala lang kasi ako sa panaginip ko, na sisisantihin mo daw ako kasi late na akong dumating." Pag amin ko sa kanya.

Bigla naman syang natawa.

"Nakakatawa naman yong joke mo. But anyway, I won't do that, unless you made me do it. Okay?" Sagot nya sakin.

Napatango naman ako.

"Okay." Sagot ko nalang. Saka nagpaalam na ako para makapagtrabaho na.

Buti nalang talaga, mali yong panaginip ko. Dala lang siguro rin ito ng puyat ko, kaya praning ako ngayon.

Sinimulan ko na ang trabaho ko, bago pa ako makaramdam ng antok. Para matapos kaagad ako.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon