( G l a i z a )
"Hi Rhian." Bungad ko sa kapapasok lang na babae.
"Hello, tapos na yong venue, gusto mo bang makita?" Tanong nya sakin na halatang excited.
"Sure." Sagot ko sa kanya. Pagbibigyan ko sya kahit na ayaw ko sana, para naman hindi mapahiya yong tao.
"Tara." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay sabay hayak sakin palabas ng office ko.
Ay iba din sya, parang may naalala ako sa paghatak na ito, gumaganti ba sya. Pero okay lang naman, hindi naman ako nasasaktan eh.
Pagkapasok ko sa conference room. Nagulat ako kasi may pa'balloons si Madam. Tapos may kunti handa sa gilid. Hindi ko iniexpect ganito ang kalalabasan ng konting oras na pag aayos nya o nila. How did they do it? I don't know. Basta nakakamangha.
"So, do you like it?" Tanong sakin ni Rhian ng nakangiti.
Hindi ko ipagkakaila na masaya ako.
"Yes, Rhian. Salamat. You did a wonderful job." I said to her.
"Hindi lang ako ang gumawa nito, tulong tulong kami." Turo nya sa mga tao sa paligid na kunwari hindi sya narinig dahil busy sila, o ayaw lang nila akong tingnan dahil takot sila. Anyway, wala akong pakialam basta maganda ngayon ang nakikita ko.
Ngumiti lang ako.
"Start na tayo?" Tanong nya.
"Okay." Sagot ko nalang sa kanya.
Kinakabahan ako ng sobra, pero ng makita ko ang effort nila, parang gumaan ang pakiramdam ko.
Tinawag na nila ang iba pang staffs at maya maya ay nag sasalita na si Rhian for the introduction.
Habang nag sasalita si Rhian, naisip ko yong mensahe na babasahin ko mamaya. It was supposed to be scripted, pero parang sa ngayon yon talaga yong mga gusto kong sabihin sa kanila.
Napangiti ako ng magawi sakin ang tingin ni Rhian. Does she know this will happen? Nakakakita ba sya sa future? Napangiti nalang ako.
As she called my name, syempre naglakad ako palapit sa kanya.
And as expected, I delivered my message from the heart.
Yong dating mga mukha nila na parang takot sakin, ngayon napalitan na ng ngiti. And I'm happy about it.
Iba talaga ang epekto ng ginawa nila today. This made my day!
After ng maikling program namin, ayon, time na para kumain.
Lumapit ako kay Rhian para pasalamat sya sa araw na ito.
"Hi Rhian." Panimula ko.
"Glaiza. Oh, plato." Sabi niya tas binigyan nya ako ng plato.
"I just wanted to say thank you. You did a very good job." Sabi ko sa kanya.
"You're welcome. Kung ano ang ikabubuti para sa lahat. Yon lang naman ang gusto kong mangyari." Sagot nya sakin.
"Tama ka nga. Ito ang makabubuti sa lahat." I smiled.
"Friends?" I asked her.
Napangiti sya sakin.
"Friends." She answered at sabay kaming kumuha ng pagkain.
-----
( R h i a n )
Sobrang happy ko today. Biruin mo, naging successful ang preparation namin.
With the help of this people, na mababait naman pala. Ang ganda ng kinalabasan ng venue.
Mas lalo akong natuwa ng makita ko ang reaction ni Glaiza. Tuwang tuwa sya. Mas maganda naman pala syang tingnan pag masaya sya, hindi puro katarayan lang.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon, yong mensahe na sinulat ko, ay parang galing sa kanya. Mensaheng galing sa puso. Totoong totoo eh.
Pagkatapos ng program. Ramdam ko na nag iba ang tingin nila kay Glaiza, nakakatuwang isipin na sa simpleng bagay na ito, nag iba ang pangyayari sa office na ito.
"Friends?" Tanong ni Glaiza sakin na labis kong ikinagulat at labis ko ring ikinatuwa.
"Friends." Nadagdagan ang saya ng araw na ito dahil sa pagiging magkaibigan namin.
Hindi naman pala mahirap paamuhin ang isang tigreng kagaya ni Glaiza. Sana ganito na sya palagi.
Kumain kami kasama ang mga staffs na puno ng katatawanan. At sa itsura ni glaiza, alam kong relax sya.
Atleast I've done something nice para sa kanya.
Pagkatapos ng kainan, ayan, may inuman na.
Hindi ko alam na mahilig palang uminom si Glaiza. Ako kasi hindi masyado. Kaya nag enjoy nalang ako sa kwentuhan at katatawanan namin.
Hindi nagtagal, nagsimula ng mag paalam ang iba na uuwi na, hanggang sa naiwan kaming dalawa nalang.
"Glaiza." Tawag ko sa kanya. Nakayuko na kasi sya sa mesa.
"Hmm." Sagot lang nya sakin.
"Tara, uwi na tayo. Kaya mo ba?" Yaya ko sa kanya.
Tumingin sya sakin at sinubukang tumayo. Pero wala eh, lasing na talaga, napaupo din sya.
Lumapit ako sa kanya at tinulungan syang tumayo.
"Tara na, hatid na kita sa inyo." Sabi ko sa kanya habang akay akay sya palabas ng office namin.
Sumakay kami sa elevator at pinasandal ko muna sya para makapag txt ako sa bahay na gagabihin talaga ako sa pag uwi.
After that, inakay ko ulit sya papuntang parking lot.
"Ma'am okay lang kayo? Tulungan ko na po kayo." Sabi ng guard sa parking lot at tinulungan kaming makarating sa sasakyan ni Glaiza.
"Nako ma'am. Marunong po ba kayong magdrive? Mukhang hindi na kakayanin ni Ma'am Glaiza mag drive eh." Tanong sakin ni Manong Guard.
"Opo, opo, salamat po." Sagot ko sa kanya.
Inayos ko ang seatbelt ni Glaiza at pumunta na ako sa upuan ng driver. Nang mastart ko na ang sasakyan saka ko naalala na hindi ko pala alam ang bahay ni glaiza.
Tiningnan ko sya pero tulog na ito. Nako! Lasing na talaga. Saan ko kaya sya dadalhin? Hindi naman pwedeng sa bahay kasi baka pagalitan ako nila mama at papa, lalo na ni ate.Hindi ko naman sya pwede iwan dito kasi delikado.
Hay nako! Bahala na nga. Sana lang may pera ang taong ito.
Nagbeep ako sa Guard, para malaman nyang okay na, at aalis na kami. Tumango naman ito at nagdrive na ako palabas ng parking lot.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.