( R h i a n )
Hindi ako masyadong nakatulog kaya naman maaga akong bumangon at nagprepare para sa first day ko sa trabaho.
Habang nag aalmusal, biglang tumabi sakin si ate.
"Sigurado ka na ba talaga sa trabaho mo?" Tanong nya sakin.
Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkaon.
"Good morning anak, goodluck sa first day sa trabaho mo, sana mabait ang boss mo." Sabi ni mama.
Ngumiti nalang ako, kasi hindi ko naman pwedeng sabihin na yong boss ko ay hate ni ate, at hindi masyadong maganda ang ugali.
"Anak, ayusin mo ang pagtatrabaho ha? Para magustuhan ka ng boss mo."
Nabilaukan ako sa sinabi ni papa.
"Ma, Pa, tama na. Mas lalo nyong pinapakaba si Rhian eh." Sabi naman ni ate at kumindat pa sakin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon.
Sa wakas, natapos din ako sa pagkain ko, naghugas ako ng pinagkainan ko at pumunta sa kwarto ko para iready ang isusuot ko.
Pagkalabas ko, dumiritso na ako sa banyo para maligo at pagkatapos nagbihis na, at nagpaalam sa kanila.
Excited ako sa bagong pahina ng buhay ko, pero sana maging maayos ito.
Sumakay ako ng jeep papunta sa company nila Glaiza o Ma'am Glaiza kasi boss ko naman sya. Buti nalang hindi pa masyadong matraffic, kaya nakarating kaagad ako.
This is it! Napabuntong hininga ako, at naglakad papasok sa loob ng building. Nakarinig pa ako ng goodluck mula sa guard, kaya napangiti ako.
Sumakay ako sa elevator at ng bumukas na ito sa floor ko, lumabas na kaagad ako.
Bawat taong madadaanan ko, ay nakangiti sakin. Kaya nginitian ko din sila, kahit nakakahiya ng sobra.
Nakarating ako sa dulo, kung saan naroon ang cubicle ko. Actually ilang lakad lang, pinto na ng office ni Maam Glaiza. Alam kong wala pa sya dito dahil maaga akong pumasok.
Nang makarating ako sa cubicle ko, ninamnam ko ang unang pag upo ko, pati na rin ang mesa ko, at mga gamit ko.
Tapos nag isip ako kung ano na ang mga dapat kung gawin today. Kaya tinanong ko isa isa ang mga tao dito sa mga bagay bagay na pwede kong malaman. Mostly, ang introduction nila ay kung gano kasuplada si Ma'am Glaiza sa kanila.
"Mayroon ba sainyo nakakita sa bagong Secretary ko?" Narinig kon sigaw ni Maam Glaiza.
Shit! Hindi ko sya nakitang dumaan ah. Lagot ko nito. Galit yata.
Dahan dahan akong tumayo, lahat ng tao ay tahimik lang. Natatakot din siguro.
Tumingin sya sa kinaroroonan ko.
"You! In my office, now!" Sigaw nya at pumasok sa office nya.
Nako po, akala ko magiging okay ang araw na ito, sana naman wag nya akong sisantihin, kakasimula ko pa nga lang.
Pinagpapawisan ako at ang lakas ng tibok ng puso ko. "Please don't fire me!" Sabi ko sa isip ko.
Kumatok ako sa pinto ng office nya, at narinig sinabi niya na pumasok ako. Kaya pumasok ako.
"Sit down." Sabi niya.
Umupo naman ako.
"Bakit ka nakikipag usap sa mga staffs dito? Hindi mo ba alam na oras na ng trabaho?" Mataray na tanong nya sakin.
Nakayuko naman ako, ang taray talaga nito. Hay, kung hindi ko lang sya boss, kanina ko pa sya binara.
"Nagtatanong tanong po kasi ako sa mga pwede kong gawin dito sa office. Sorry po." Sagot ko sa kanya. Para akong batang napagalitan nito.
"I'm your boss. Ako dapat nagsasabi sayo kung anong gagawin mo. At sakin ka dapat nagtatanong hindi sa kanila." Seryosong sabi nito.
Oo nga naman, may point sya. Hindi ko kaagad naisip yon.
"Sorry ma'am." Sagot ko sa kanya.
_____
( G l a i z a )
Maaga akong nagising dahil excited ako sa first day ng secretary ko. Alam kong malayo sya sa pagkatao ni Solenn, ang bossy noon. Ngayon, dapat ako ang boss dito.
Naligo ako, nagpaganda, at hinanap si Chynna, pero hindi ko nahanap, baka umuwi na. Kaya umalis na kaagad ako at nagpunta na sa Company.
Pagdating ko, wala pang katao tao, maliban sa guard. Kaya naman comportable akong lumakad. Nakakailang kasi ang mga tingin ng staffa dito. Parang ang sama sama kong tao, basi sa mga tingin nila. But anyway, hindi ko naman yan masyadong minamind.
Pumasok ako sa office ko, at umupo ako sa swivel chair ko.
Then nakita ko ang kalat sa table ko. Hindi naman super makalat, pero ang daming papers na nakalagay. Kinuha ko ang isa at tiningnan ito. Resignation letter agad ang bumungad sakin. I don't know kung sino ito sa staffs ko, pero nakakasira ng umaga ha? Ito kaagad bumungad sakin. Kainis ha?
Tapos napansin ko ang oras, it's 8 'o clock na, baka dumating na si Rhian, ito na muna ang ipapaayos ko sa kanya. Itong mga papel na nakakalat sa mesa ko.
Inabot na ng 9 pero hindi pa rin pumapasok sa office ko si Rhian, kahit katok, wala. Kaya nagdecide akong lumabas.
There, I saw Rhian's table. May mga gamit na doon, so andito na sya, and she didn't come to me right away. Isa rin ito, nakakainis.
"Mayroon ba sainyo nakakita sa bagong Secretary ko?" Sabi ko in a loud voice.
And then I saw her.
Oh diba? Nandito na sya. Ano ba ito. Akala ko pa naman okay sya. Kaya pinatawag ko sya sa office ko.
Pinaupo ko sya, at tinanong kong bakit sya nakikipag usap sa oras ng trabaho. Nang sumagot na sya, parang nakakahurt naman na sa iba pa sya nagtanong.
"I'm your boss. Ako dapat nagsasabi sayo kung anong gagawin mo. At sakin ka dapat nagtatanong hindi sa kanila." Pagtataray ko. Pero naguguilty din ako. Lalo na nong magsorry sya.
I don't know why I feel this way, pero parang ayaw kong natatakot sya sakin. Gusto ko, okay sya sakin. Gusto kong makilala nya ako bilang isang mabuting tao, hindi katulad ng iniisip ng mga staffs ko dito. Pero mukhang mahihirapan akong gawin ito dahil ako mismo hindi ko makontrol ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
Fiksi PenggemarA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.