Meeting Him

2.1K 102 12
                                    

( R h i a n )

Pagdating namin sa restaurant, agad kaming nilapitan ng waiter para kunin ang order namin. Yong pinili nya lang ay isang ice tea at isang slice ng cake, kaya sa tingin ko, hindi magtatagal ang pag uusap na ito.

Ako naman, umorder lang ako burger at Ice tea kasi nga mabilis lang itong usapan namin.

Panay ang tingin sakin ni Glaiza, pero wala naman syang sinasabi.

"Okay ka lang? Ano bang problema at kailangan pa nating mag usap privately?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin sya sakin ng diretso at huminga ng malalim.

"My father invited you to have dinner with us sa bahay." Sabi ni Glaiza sakin.

Napakurap kurap ako, parang hindi mag sink in sa utak ko ang sinabi nya.

Ano daw?

"Ha?" Sagot ko sa kanya.

"Look, kahit ako nagulat eh, pero okay lang sakin kung ayaw mong pumunta." Sagot sakin ni Glaiza.

Nataranta ako sa sinabi niya.

"Wait. Bakit ba kasi ako inimbitahan ng papa mo? Para sa ano?" Tanong ko sa kanya.

"Do you really need to know?" Sagot nya sakin.

"Aba'y syempre naman. Napaka weird naman na yayayain nya lang ako ng walang rason. Diba?" Sagot ko sa kanya.

"Pano ko ba sasabihin sayo." Sagot nya sakin.

"Ano ka ba? Para naman tayong hindi magkaibigan nyan. Sabihin mo na kasi, kinakabahan tuloy ako sayo." Sagot ko sa kanya.

Napapaisip tuloy ako na sisisantihin ako ng papa nya. Kahit si Glaiza ang boss ko, papa nya yon eh, syempre mas boss yon sa company nila.

"Ganito nalang. Ikikwento ko nalang sayo mula sa simula para maintindihan mo ako. Okay?" Sabi sakin ni Glaiza.

"Mas mabuti yan. Para hindi ako nganga." Sagot ko sa kanya.

So yon, sinabi nya na pasaway talaga syang bata, na nagkasakit yong papa nya, kaya wala syang choice kundi ang asikasuhin ang company kahit pa ayaw nyang gawin yon.

".......Then my life started to change, simula ng makilala ko yong isang tao na hindi ko talaga inaasahang magiging sobrang malapit sa puso ko. Tapos yon, dahil sa kanya, gusto kong magbago. Then, dumating si papa at masaya sya sa naging resulta ng buhay ko, kaya gusto nyang makilala ang taong na naging dahilan ng pagiging okay ko." Mahabang kwento ni Glaiza.

"Ibig mong sabihin, ako yong taong yon?" Pagkiclear ko sa kanya. Baka naman kasi, feelingera lang ako.

"That's why he's inviting you. That's why I'm here. Kasi ikaw yong taong yon." Nakangiting sabi nya sakin.

Hindi ko alam kong naiiyak si Glaiza, kasi yong mga mata nya nag i-spark. Tapos yong heartbeat ko naman, masyadong malakas, baka nga naririnig nya eh.

Wala akong masabi sa kanya. Nakatingin ako sa mga mata nya, at nakikita kong maligaya sya. So I smiled, para malaman nyang maligaya din ako.

_____

( G l a i z a )

After telling her everything, parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko, sobrang saya ko. At nakikita ko ring masaya sya. Mabuti yong ganitong pareho kaming masaya,masarap sa pakiramdam.

Napansin kong hindi sya makapag salita, maybe kinikilig sya. Pero kailangan ko pa ring malaman ang sagot nya.

"Pwede ko bang malaman kung pupunta ka?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang makasiguro, baka naman mali yong iniisip ko.

"Nahihiya ako, ngayong nalaman ko na yong reason, mas lalong nahihiya ako." Sagot nya sakin.

Natawa naman ako sa sinabi nya.

"So dapat pala hindi ko nalang sinabi sayo, para hindi ka mahiya." Biro ko sa kanya.

"Kahit naman hindi mo sinabi, mahihiya parin ako. Syempre, papa ng boss ko ang mamemeet ko. Diba nakakahiya yon?" Sagot nya sakin.

"Oo nga naman. Pero wala ka namang dapat ikahiya, okay naman si papa. Tsaka nandoon naman ako. Promise, dinner lang yon." Sagot ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot, pero halatang nag iisip sya. Sana naman pumayag sya.

"Yong papa ko, may sakit yon, kaya bawal sa kanya na sumama ang loob. Kaya please, pumayag ka na." Pacute kong sabi sa kanya.

"Oo na. Pumapayag na ako." Sagot ni Rhian.

"Yes!" Sa sobrang saya ko, napasigaw pala ako.

"Ay hindi halatang masaya ka no?" Natatawang sabi ni Rhian.

"Syempre naman, pumayag ka eh." Sagot ko sa kanya.

"May choice ba ako?" Sagot nya.

"So napipilitan ka lang pala?" Tanong ko.

"Hindi naman." Sagot nya.

Nagkatinginan lang kami, ayan na naman ang tibok ng puso ko. Sobrang lakas.

"Alam mo, bago pa ako matunaw, kumain na muna tago." Biro ni Rhian. Tapos nauna na itong kumain.

Ang sarap nyang kasama. Ang gaan sa pakiramdam at ang saya saya ko. Am I just really crushing her or iba na ito?

Ayoko namang magmadali, kasi gusto kong ienjoy ang every moment with her. Ayoko naman na isang araw, bigla nalang syang mag iba sakin.

Pagkatapos namin kumain, hinatid ko na sya pauwi.

"Sunduin kita mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman. Ang layo kaya ng sa inyo." Sagot nya.

"Sabi ko nga. Sige, 6 pm andito na ako." Sagot ko sa kanya.

"Okay. See you." Sagot nya sakin.

Nag ngitian kami at tumalikod na sya. Pero tinawag ko sya.

"Rhian?"

"Yes?" Sagot nya.

"Thank you." Sincere kong sabi. I'm thankful kasi na pumayag sya.

"You're welcome." Sagot nya sakin tapos tuluyan ng pumasok sa bahay nila.

Ako naman ay bumyahe na pauwi sa bahay, para masabi kay papa ang magandang balita. At makapag handa na rin para sa date namin mamaya. I mean dinner pala.

*****
Good evening readers at goodnight na rin. 😊

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon