New Day

4.9K 146 15
                                    

( G l a i z a )

I check my clock, and it's already 8 in the morning. Ang aga ko palang nagising, usually kasi 10 na ako nagigising.

Well, I don't have plans today, kaya hindi na muna ako babangon. I opened my instragram account and post some of my photos there. Then after that, I put my phone back in the bedside table and close my eyes.

I will try to sleep again para hindi ako mahaggard. Hindi pa gaanong matagal, I heard my door opened, and a foosteps na naglalakad palapit siguro sakin.

Alam kong si Papa ito kaya hindi ako kumibo at nagtulog tulugan pa lalo. Masama pa rin ang loob ko sa kanya kagabi, kaya bahala sya.

Naramdaman kong umupo si papa sa tabi ko at huminga ng malalim. Pero hindi pa rin ako kumikibo. Then he started talking.

"Anak, alam kong gising ka. Kabisado kita. Alam kong hindi mo ako kikibuin kaya makinig ka nalang." Panimula ni papa.

Ang ganda ng intro nya, I'm all ears tuloy. Pero hindi ako kumikibo para kunwari tulog nga ako, pero makikinig ako.

"Gusto ko lang sabihin sayo anak na aalis na ako bukas papuntang amerika. At hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Kaya gusto ko sanang ikaw muna ang mamahala sa company natin." Seryosong sabi ni papa.

Ano ba yan? Ang aga aga pa, ito na kaagad ang bungad ni papa sakin. Kaloka! Umiinit ang tenga ko eh.

Huminga ng malalim ulit si papa at saka nagsalita.

"Anak, may sakit ako."

Napabalikwas ako ng bangon.

"What?" Tanong ko kay papa na masure kong mali lang ang nadinig ko kanina.

"May Cancer ako anak. Nakapag test na ako ng dalawang beses sa magka ibang hospital and parehong result ang nakuha ko. May stage 2 lung cancer ako." Sabi ni papa at nalungkot ang mukha nya.

"Pa, seryoso? Joke ba ito?" I asked.

"Kung hindi ito seryoso anak, malamang tumawa na ako. Pero hindi diba? Kaya seryoso to, okay?" He said, sounding a little annoyed.

"What if sumama nalang ako sayo? Para may kasama ka habang nagpapagamot ka pa." Sagot ko sa kanya. Kahit naman brat ako, I'm worried about my father. Syempre, papa ko yan eh. at saka nalulungkot din ako na kailangan nyang pagdaanan ito sa buhay nya.

Mabait naman si papa, walang bisyo, kaya nakakalungkot talagang isipin na may cancer sya.

"Anak, hindi pwede, kailangan mong magpaiwan dito para asikasuhin ang company natin." Sabi ni papa while holding my hand.

Nakakaawa si papa. I felt like crying at this moment, pero magpapakatotoo ako sa sarili ko.

"Pa, wala akong alam sa company natin. How can I do it? Wala ka bang ibang pwedeng mahingan ng tulong pa?" Sabi ko kay papa, not knowing how to say it, na hindi masasaktan si papa.

"I know you can do it, honey. I believe in you. Now, let's go to our company, I want you to meet everyone there." Ngumiti si papa sakin. Ngiting alam kong may dinaramdam sya. Kaya wala na akong choice kundi ang sundin sya. I love my father, at kahit ito manlang ang magawa ko para sa kanya. Kahit pa, wala talaga akong kaalam alam sa company namin.

I rolled my eyes while he's not looking.

"Okay. Okay. I'll just take a bath."

"Thank you anak." Saka lumabas si papa at ako naman ay nagsimula ng mag ayos para sa bagong buhay ko.

------

( R h i a n )

Maaga akong gumising para sa bagong araw na ito. Kailangan ko talagang maging maaga kasi alam mo naman ang buhay ng naghahanap trabaho. Kailangan maaga, kasi sa pila pa lang at sa paunahan, dapat mabilis ka at matyaga.

Lumabas ako ng kwarto at patakbong pumunta sa banyo, pero naunahan akong pumasok ni ateng.

"Ate naman, ako muna." Sigaw ko sa labas ng C.R.

"Sandali lang naman, najijibs na ako. Mabilis lang ito. Promise." Sigaw ni ate mula ss loob.

"Siguraduhin mo lang, baka isang oras na naman yang duty mo dyan." Sigaw ko ulit sa kanya,

Padabog akong pumunta sa kusina at umupo sa upuan.

"Good morning anak. Bakit nakasimangot ka?" Tanong ni mama sakin.

"Si ate kasi, inunahan na naman ako sa banyo. Ang tagal pa namang mag jibs noon." Sagot ko kay mama.

"Okay lang yan anak, madaling araw palang naman. Marami ka pang oras." Sagot naman ni papa.

"Babyahe pa kaya ako, matraffic na nyan mamaya." Sagot ko ng nakanguso.

"Oh, kumain ka na muna habang naghihintay kang lumabas si ate mo." Sabi ni mama sabay lagay ng pagkain sa mesa.

Wala na nga talaga akong magagawa kundi kumain. Salo salo kami nila mama sa hapag. Napasarap ang kain ko, kasi naman ang sarap ng pagkakaluto ni mama.

Tapos ayon na nga, pagkatapos ng isang oras na paghihintay ko kay ate na nakarami tuloy ako ng kain. Lumabas na si ate sa banyo.

Sinamaan ko sya ng tingin, nananadya talaga kasi, biruin mo, pagkakita sakin, ngumiti ng nakakaloko at kumindat pa. Kaasar talaga!

Sa dinami ba naman ng kinain ko, edi kailangan ko pang magpatunaw bago maligo.

Kaya naglaro nalang muna ako ng clash of clans, habang nakatayo lang.

Then after an hour, pumasok na ako ng banyo para maligo.

Malinawanag na sa labas. Tanghali na ako sa lakad ko, kaya binilisan ko lang ang pagligo ko. Pagkatapos, mabilis na rin akong nagpaalam kay mama at papa at patakbong lumabas sa bahay para maghanap ng jeep na masasakyan.

Sana naman ngayong araw ay swertehin na ako.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon