( R h i a n )
Pagdating ko sa bahay, niyakap ko kaagad si Ate.
"Oh, drama na naman? Anong nangyari?" Tanong nya sakin. Pero hindi ko sya sinagot. Nakayakap lang ako sa kanya.
Lumabas si mama at papa mula sa kwarto nila. Pagkakita sakin, nagtanong sila kay ate, pero hindi naman ni ate masasagot yon, kasi hindi ko pa nasabi sa kanya.
Pagkatapos kong umiyak, saka ako nagkwento.
"Alam na ni Glaiza ang katotohanan." Sabi ko sa kanila.
"Akala ko naman nadisgrasya ulit." Sabi ni ate tas huminga ng malalim.
"Ate naman." Ang sama na nga ng pakiramdam ko, nagawa pang magbiro.
"Pano nya nalaman?" Tanong ni mama sakin.
Saka ko kinuwento ang nangyari kanina.
"Aba'y idi sana nagpaliwanag ka anak. Ikaw yong napasama." Sagot naman ni papa matapos kong magkwento.
"Wala eh. Nagalit din ako kanina, kaya hindi ako nakapag explain sa kanya." Sagot ko kay papa.
"Eh nasan si Glaiza?" Tanong naman ni mama.
"Hindi ko alam. Umalis kaagad eh, pagkatapos nong nangyari." Sagot ko kay mama.
"Eh baliw ka pala eh. Dapat hinabol mo, tapos ngayon iiyak iyak ka dyan kasi malabo na kayo. Hay nako talaga." Sabi sakin ni ate.
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni ate.
"Ano? Nganga lang? Tawagan mo na kung gusto mo na hindi na mas lumalim pa ang galit nya sayo o baka naman gusto mo pang lumala ang away nyo." Dagdag pa ni ate.
Sumiksik sa isipan ko ang mga sinabi ni ate. Ako pa ba ang kailangan lumapit sa kanya? Hay ang gulo ng isip ko. Nagpaalam na muna ako sa kanila para makapagpahinga na.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, tiningnan ko kaagad ang pisngi ko. Namamaga ito, at mukhang namanhid na.
Bakit ba kasi nangyari pa yon? Ayokong sisihin yong mama nya sa nangyari, pero sino ba dapat ang sisihin?
Kinuha ko ang phone ko. Wala manlang text na galing sa kanya. Grabe! Kaya nya akong tiisin. Pero sabagay, kasalanan ko din naman. Nakauwi na kaya sya? Maya maya nakareceive ako ng text from Chynna, saying na hindi pa daw sya nakakauwi.
Nagpanic ako bigla sa text ni Chynna.
So yon, tinawagan ako ang number, at nagpapasalamat ako na sinagot nya.
"Hello Glaiza. Si Rhian ito. Pwede ba tayong mag usap?" Tanong ko sa kanya.
"Pasensya na, pero ayokong kausapin ka." Sabi ko sa kanya. Lasing sya? Nako! Baka mapano sya.
"Please pakinggan mo naman ako." Sabi ko sa kanya. Dala ng pagkamiss at pag aalala sa kanya, nalulungkot ako.
"Look, ayokong makipag usap sayo. Okay? Kaya leave me alone." Sagot nya sakin. Nakakainis, ayaw daw makipag usap pero hindi naman pinapatay yong phone.
"Anong tawag mo sa ginagawa natin ngayon?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya sumagot sakin.
"Hello. Nasaan ka ba? Pupuntahan kita!" Tanong ko sa kanya ng pagalit na boses.
Sinabi nya sakin yong address. Maybe, this is really the time para magkausap kami, at malaman nya ang katotohanan.
"Wag na wag kang aalis dyan Glaiza. Pupunta ako dyan." Sabi ko sa kanya.
Nagpaalam kaagad ako kayla mama, at naghanap ng taxi na masasakyan papunta doon.
Hay sana naman, pakinggan nya ako. Sana hindi sya umalis kasi lasing na sya.
_____
( G l a i z a )
Nagising ako dahil sa ingay na naggagaling sa pintuan ng room ko. Katok ng katok. Nasa hotel ako tas may ganito? Nasa bahay lang?
Pinilit kong maglakad papunta sa pinto, kahit na hirap ako, kasi ang lambot ng mga tuhod ko, at malabo yong paningin ko.
Sasapakin ko talaga yong taong ito. Makikita nya mamaya, pag nabuksan ko na.
Nang makarating ako sa pinto, binuksan ko kaagad ang pinto.
"Ano ba? Nakakastorbo ka! Natutulog yong tao, ang ingay ingay mo." Sabi ko sa taong nakatayo sa harap ko.
Bigla nya akong niyakap.
"I'm sorry. I'm so sorry." Sabi nya habang humihikbi. Hindi ko alam kung ngongo ba sya o dala lang ng pag iyak nya, kaya ganyan ang boses nya. Yong mukha nya kasi blurred eh, kaya hindi ko makita kung sino sya.
Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat at nilayo sakin.
"Ah, miss. Sorry ha? May girlfriend na kasi ako. May Lover's Quarrel lang kami ngayon pero mahal ko yon." Prangka kong sabi sa kanya.
Tumahan sya, at pinunasan ang mukha. Siguro alam na nyang naliligaw sya ng kwarto.
"Glaiza, ano ka ba? Si Rhian ito. Hindi mo na ba ako naalala?" Sabi nya sakin.
Si Rhian daw. Kumurap kurap ako at nilakihan ang mga mata ko, pero wala eh, sadya malabo ang paningin ko. Baka impostora ang nasa harap ko.
"Ewan ko sayo girl ha? Ang layo nya, para puntahan ako dito. Bahala ka sa buhay mo. Basta ako, matutulog na ako. Umalis ka na." Sabi ko sa kanya, at pinagtulakan sya palabas.
Ang mga tao talaga ngayon, ang hilig mang trip.
Nang maisara ko na ang pinto, saka ako bumalik sa kama ko at natulog.
_____
Kinaumagahan, nagising ako na sobrang sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa CR.
Nagulat ako ng hindi ko mapihit ang knob. Nakalock. Anong klaseng hotel ito? Nakalock ang banyo. Lalabas sana ako para magreklamo. Pero bumukas ang banyo at lumabas si Rhian.
Kumunot ang noo ko.
"Anong ginagawa mo dito? At pano ka nakapasok?" Tanong ko sa kanya.
"Dumating ako dito kagabi, pero ayaw mong maniwala na ako ito. Pinaalis mo pa ang ako eh. Buti nalang hindi mo nailock yong pinto kaya nakapasok ulit ako." Sagot nya sakin.
Tumango tango lang ako at inalala ang nangyari kagabi. So sya nga talaga yon?
"Wait lang. Iihi muna ako." Sabi ko sa kanya at pumasok na sa CR. Naghilamos na rin ako para mahimasmasan. She's really here. Pano kaya nya ako nahanap.
Pagkalabas ko tinanong ko kaagad sya.
"So pano mo nalaman kung nasan ako?"
"Tumawag ako sayo kagabi at sinabi mo na nandito ka. Kaya pumunta ako dito." Sagot nya sakin. Saka ko lang napansin ang mugto nyang mga mata. I feel guilty tuloy.
"And why are you here?" Tanong ko sa kanya.
"Let's talk." Seryoso nyang sabi.
"Okay, I'll give you a chance to explain." Sagot ko sa kanya. Sayang naman yong effort nya pagpunta dito para gaguhin ko lang. Mabait pa din naman ako kahit papano.
She smiled and started talking.
*****
Keep Safe Everyone! Goodnight. 💋❤
BINABASA MO ANG
The Deal (Rhian and Glaiza Story)
FanfictionA Romantic Comedy Story of Rhian Ramos and Glaiza de Castro. This is for all the people out there, who love Rastro. I hope you enjoy reading this story.