Surprise

1.2K 54 2
                                    

( R h i a n )

Nagulat ako sa nakita ko.

"Ate?" Sabi ko nalang pero ang gusto ko talagang itanong kung bakit ako nandito at bakit sya nandito?

"Ako nga. Please wag kang magalit sakin." Sagot niya at niyakap ako.

Saka ko lang napansin ang malaking salamin sa harapan ko.

Nakita ko ang sarili ko, ang suot ko.

I am wearing a wedding dress. Napa ha nalang ako. Kasi hindi ko magets. Nananahinip pa rin ba ako?

Saka pumasok ang pamilya ko.

"Surprise anak." Sabi nila.

Mas lalo akong nagulat kasi nakabihis silang lahat at ang gaganda nila.

"Anak, hindi ka ba masaya?" Tanong ni mama sakin.

Lumunok muna ako bago nagsalita.

"Ano ito? Nananaginip ba ako? Bakit kayo nakabihis ng ganyan? Tsaka ako, bakit nakawedding dress ako? Bakit ako kinidnap at napunta dito?....

Tinakpan ni ate ang bibig ko.

"Sasagot muna kami. Okay? Ang dami mong tanong, tapos sunod sunod pa." Sabi ni ate.

"It's your wedding day anak." Masayang sabi ni papa.

Nagloading ang isip ko. Wedding daw? Eh hindi pa nga kami nakapag prepare para doon. Wala pa nga kaming napapag usapan tungkol sa venue at sa kung ano ano pa.

"Sige, para maliwanagan ka, ikikwento ko sa iyo kung bakit ka napunta dito." Panimula ni mama.

"After ng proposal mo anak, nag usap kami ng pamilya ni Glaiza. Napagdesisyunan namin na kami na ang bahala sa kasal nyo. Regalo namin sa inyo. Alam mo namang hindi tayo mayaman, pero mayroon naman kaming naipon ng papa mo, kaya ito, andito kami ngayon. Surprise wedding ito at kasali sa plano ang pagkidnap sainyo, para naman daw kakaiba bago kayo mag isang dibdib. Idea yon ng parents ni Glaiza, na sinang-ayunan namin ng papa mo. Nakakatawa nga lang ang part na pagkidnap sainyo kasi... 

"Mama!" Sigaw ko sa kanya. Alam ko na ang sasabihin nya eh. Nakakahiya.

"Congratulations anak. We are so proud of you. I love you." Sabi ni mama at naluha luha pa.

Niyakap ko sya, pati na rin si papa at si ate.

Nang matapos, saka ako lumingon sa paligid, yong kumidnap pala sakin ay mga relatives namin. Grabe, hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari na ito ngayon sa buhay ko.

"Salamat mama, papa at ate, pati na rin sa inyong lahat. Yong kaba ko kanina, napalitan ng mas lalong kaba dahil magiging married na ako mamaya. Binigla nyo talaga ako pero salamat talaga." Naiiyak kong sabi.

"Si Glaiza nga po pala?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa kabilang room sya. Kagaya mo, kasama din nya ang pamilya nya sa mga oras na ito." Sabi naman ni ate sakin.

"Oh sya, ready ka na ba?" Tanong ni papa sakin.

Tumango ako.

Saka naman pumasok ang mag aayos sakin. Parang nananaginip pa rin talaga ako. Hindi ako makapaniwala. I'm so touched!

Lumabas na muna silang lahat, at naiwan kami ng hair and make up artist ko.

This is it! I am getting married. Magiging misis na ako.

_____

( G l a i z a )

"Bakit mo nagawa sakin ito? Bakit mo ako pinakidnap?" Mahinahon kong tanong sa kanya, pero medyo nagagalit na ako.

"Ma, a little help here please." Sigaw ni Solenn.

Saka naman pumasok si mama, papa at si chynna. Lahat sila nakabihis na parang pupunta sa isang celebration.

"Anyari?" Tanong ko sa kanila.

Ngumiti sila sakin.

"We want to congratulate you anak. You're getting married." Sabi ni mama sakin.

"Married?" Tanong  ko sa kanila.

Wait di ko ma-gets. Oo getting married ako, nandoon naman sila noong nagpropose si Rhian diba?

"Yes. Today!" Sagot naman ni papa na sobrang excited.

Mas lalo akong naconfuse sa sinabi ni papa.

"Ah cous. Suprise sayo ito ng pamilya ni Rhian at kami na pamilya mo. Ikakasal na kayo ni Rhian today. Mukhang loading ka kasi." Sabi naman ni Chynna sakin.

"Today? As in? Eh bakit may kumidnap sakin?" Tanong ko sa kanila.

"About that. It was my idea, para naman may kaba ang mga puso niyo bago kayo ikasal." Sabi ni mama.

"Sobrang kaba ang nararamdaman ko kanina mama. Grabe naman kayo makapag supresa. Nakakatakot." Sabi ko sa kanila.

Naiiyak tuloy ako. Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon.

"We are so proud of you anak. I love you so much!" Sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you anak." Sabi din ni papa sakin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko sila isa isa habang umiiyak. Ayan, naging iyakin pa tuloy ako ngayon.

"So, what can you say about your outfit?" Tanong sakin ni Solenn.

Napatingin ako sa kanila. Nginuso nya ang salamin na nasa may gilid ko pala.

Naka white toxido ako.

Ang pogi pogi ko sa suot ko. Napangiti ako sa sarili at hinarap ulit ang pamilya ko.

"Thank you so much!" Sabi ko sa kanila.

"So pano anak, see you later." Sabi ni mama.

Pumasok ang tatlong tao na may dalang make up kit at kung ano ano pa.

Kumindat sakin si Chynna at Solenn tapos lumabas na sila.

Napahinga ako ng malalim.

Para parin akong nananaginip sa lagay kong ito.

Kinidnap, tapos ikakasal pala? Tapos ang pogi ko ngayon.

Hindi ko naisip na ganito ang isusuot ko sa kasal ko, pero mas lalong hindi ko naiisip na mag gagown ako. So I guess parents knows best talaga.

I'm comfortable naman sa suot ko, and I look good kaya okay na ito.

Si Rhian kaya? Asan kaya sya? Nakalimutan ko tuloy itanong sa parents ko kung nasan sya.

Pero di bale na, para surprise na rin namin sa isa't isa ang mga itsura namin.

I guess this wedding will be exciting, lalo na't nasimulan na sa kidnapan. What's next?

Whatever happens, okay lang sakin. Basta makasal kami ni Rhian.

Lumapit sakin ang isang make up artist at pinapaupo na ako sa silya na nakatapat sa salamin.

This is it! Best wishes for the both of us!

At nagsimula na sila na mas lalo pa akong pagandahin, kahit pogi ang suot ko.

******

Good morning readers. 😘

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon