You look Great

1.9K 87 9
                                    

( R h i a n )

Alam ko na kaagad kung anong mangyayari pagdating ko sa bahay.

"Anong pinag usapan nyo?" Tanong kaagad sakin ni ate.

Buti nalang si ate lang nandito. Isa lang ang taong kakausapin ko. Pero sana maintindihan nya ako.

"Wala naman, niyaya lang akong mag dinner mamaya sa kanila." Sagot ko sa kanya.

"Dinner? Tapos wala lang. Nako Rhian ha? Linawin mo nga sakin yang sinabi mo." Sagot ni ate sakin.

Medyo nailang akong magkwento kay ate. Kasi nga alams na diba?

"Ano na? Nganga lang?" Sabi ni ate sakin.

"Inimbitahan ako ng papa ni Glaiza na magdinner sa kanila, kasi daw pasasalamat daw sa naitulong ko sa anak nya. Yon lang." Sagot ko kay ate.

"Naks naman, ang bait ng ama nya para yayain kang mag dinner with them. Ano bang naitulong mo sa kanya?" Sagot sakin ni ate.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso si ate.

"Ate naman, grabe kang magtanong sakin." Sagot ko sa kanya.

"Bakit? Masama bang magtanong sa kapatid ko?" Sagot nya sakin.

"Hindi naman, masyado ka lang kasing matanong eh." Sagot ko sa kanya. Nakakailang naman talaga kasi.

"Ikaw naman, palihim pa. Hindi nalang kasi sabihin sakin. Total halata naman." Sagot sakin ni ate.

"Halata ang ano?" Tanong ko sa kanya. Hala, halata ba masyado?

"Asus, sabihin mo na kasi, nahiya ka pa." Sagot nya sakin.

Huminga ako ng malalim.

"Actually ate, hindi ko rin talaga alam. Basta daw pinapapunta ako ng papa nya to personally thank me, dahil sa pagbabago ni Glaiza." Sagot ko sa kanya.

"Eh, kay Glaiza? Ano ka ba para sa kanya?" Tanong nya ulit sakin.

Hay nako, di talaga ako titigilan ni ate, hanggat hindi ko nasasabi ang lahat lahat.

"Crush ko sya, Crush nya ako, Crush namin ang isa't isa." Mabilis kong sagot sa kanya.

Nagulat si ate sa sinabi ko. Halatang halata sa itsura nya.

Hindi sya makapagsalita. Nakatingin lang sakin.

"Oh sya, pasok na ako sa kwarto ko ate ha? Maghahanap pa ako ng maisusuot mamaya." Sabi ko sa kanya tapos tumalikod na ako.

"Wait." Biglang sabi ni ate.

"Ano na naman?" Tanong ko sa kanya.

"Crush? Para naman kayong bata nyan. Ang aarte nyo ha?" Sagot nya sakin.

"Anong masama doon ate?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Basta wag kang magpapaloko sa kanya, pag nagkataon, uupakan ko talaga sya." Sagot ni ate sakin.

Akala ko naman, pipigilan nya ako sa nararamdaman ko. Buti nalang hindi pala.

"Opo ate." Sagot ko sa kanya.

Tapos pumasok na ako sa kwarto ko para makapaghanap ng maisusuot mamaya.

Ang napili ko ay isang pink na dress na sa tingin ay presentable naman tingnan.

Then, naligo na ako at nag ayos ng sarili ko para sa dinner namin.

Kailangan kong maging presentable sa paningin ng papa ni Glaiza, kasi mabuting impluwensya ako sa anak nya diba?

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon