Happiness

2.3K 107 11
                                    

( R h i a n )

Inabot ng madaling araw ang bonding naming tatlo. Sa totoo lang nag enjoy talaga ako. I feel na I belong here. With them. With her. Kasi diba sabi ko pa nga, hindi ako mahilig mag gala, mag party party o kahit na ano. But here I am now, enjoying their company. Enjoying the moment with them.

Syempre sa inuman, may usapan, kaya naman mas lalo ko silang nakilala. Si Chynna lang talaga ang mahilig sa Chicks. Si Glaiza hindi. Buti naman.

So yon, dahil madaling araw na nga, hindi na ako dinalaw ng antok. Yong dalawa ayon, tulog na tulog na sa sofa.

Wala naman akong magawa, kundi ang mahiga nalang sa kama ko. Kumuha ako ng libro at magbasa.

Nagbasa lang ako hanggang sa lumiwanag na ang paligid.

Yong dalawa tulog pa rin. Nilapitan ko sila at kinunan ng picture para naman may mapagtatawanan ako sa gallery ng phone ko.

Ang ganda ni glaiza. Kahit tulog. Kaya yon, napadami tuloy ang kuha ko sa kanya.

Pagkatapos noon, bumalik ako sa higaan ko at nag relax. Marami daw kaming activities mamaya, sabi ni Glaiza, kaya dapat ready ako.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pagkagising ko kasi, as usual, ready na ang dalawa. Ako nalang ang hindi, kaya binilisan ko ang mga kilos ko para sabay sabay na kaming bumaba.

After that, bumaba na kami. Pagdating namin, ready na rin ang iba.

Pumunta kami sa tabi ng dagat at naglagay ng net ng Volleyball. Yang yong first game namin. Para daw sa teamwork namin yon.

Magkateam kami ni Glaiza, si Chynna naman sa kabilang team.

So yon, nag start ang game, at ito namang si Chynna mapang asar talaga.

"Crush, galingan mo naman." Sabi nya in a loud voice.

Buti nalang hindi alam ng mga katrabaho ko kung sino ang sinasabihan nya noon.

Sa isip ko, ano? Karera nalang tayo? Pero hindi nalang ako sumagot sa kanya, baka malaman pa nilang ako yong Crush na yon.

At dahil si Glaiza ang naapektuhan ng sinabi nya, ayon, napalakas yong pag spike nya ng bola papunta kay Chynna. Naharang naman nya, pero siguradong masakit yon. Natawa tuloy ako. Pikon talaga tong si Crush.

Napa ouch look naman si Chynna, kaya natawa si Glaiza. Ewan ko ba sa magpinsang ito. Kung bakit ganyan sila.

Syempre, gumanti naman ito, at dahil sa ayaw kong masaktan si Glaiza, ako sana yong haharang, kaso nagkasabay kami at yon, natumba si Glaiza, pati ako. Kaya yon, magkayakap kami ngayon.

Parang nag slow motion ang paligid. Napakalapit ko kay Glaiza. Ang ganda ganda ng mga mata nya, ng ilong nya, at ng mga labi nya.

Maya maya, naririnig ko ang boses ni Chynna.

"Ang OA, tama na. Overtime na, dami ng langgam oh." Sigaw nya.

Natawa nalang kami at tumayo na.

1st game kami nanalo.
2nd game sila Chynna.
3rd game kami ulit nanalo.

So kami talaga ang nanalo. Iba kasi ang teamwork namin ni Crush.

_____

( G l a i z a )

Pagkagising ko, ang hinanap kaagad ng mga mata ko ay si Crush.

Ayon sya, tulog na tulog sa kama nya. Aba'y princesa talaga, nakabalik pa doon samantalang kami dito na sa sofa natulog. Nilapitan ko sya, at tiningnan. Sleeping beauty nga talaga sya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at kinunan sya ng madaming photo.

Si Chynna naman, panay tawa sakin.

"Alam mo pinsan, nakakakilig ka. Promise." Sabi nya sakin.

Ngumiti lang ako sa kanya, kasi naman kinikilig din ako.

"Oh sya, maliligo na ako. Mamaya mo na sya gisingin. Kasi baka katutulog palang nyan." Sabi ni Chynna.

Habang naliligo si Chynna, hindi ako umalis sa tabi ni crush. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi talaga sya nakakasawang tingnan. Ang ganda ganda nya.

Nagselfie ako kasama sya pero tulog nga lang. Okay na yon. Atleast may remembrance ako sa Crush ko.

Maya maya lumabas na si Chynna.

"Aba pinsan, grabe ka naman. Tantanan mo na si Sleeping beauty mo. Baka matunaw na yan." Sabi ni chynna. Tapos binato ako ng tuwalya nya.

"Maligo ka na nga doon." Sabi pa nya.

"Oo na." Sagot ko sa kanya tapos pumasok na ako sa banyo.

Mabilis lang akong natapos. Paglabas ko, tulog pa rin si Crush. Aba'y puyat na puyat talaga.

Nagbihis na muna ako at lalapitan ko na sana sya pero nagising na sya.

Ang ganda pa rin nya kahit kagigising lang.

Mabilis itong naligo, parang nagmamadali. Nahiya sigurong ready na kami tas sya hindi pa.

Sabay sabay kaming bumaba, mabuti nalang lahat na ready para sa activity namin, which is volleyball. Tapos yon, ang team ko ay kasali si Rhian. Syempre, hindi ko naman sya gustong kalabanin baka masaktan eh.

Tapos yon, nag start na yong game. Ito namang si Chynna, nang aasar na naman. Kaya ayan, napalakas talaga yong pagtira ko ng bola. Pano kasi, mapang asar talaga.

Nilakasan nya din ang pagtira ng bola papunta sakin. Haharangin ko sana pero humarang si Rhian. Nagkabanggaan tuloy kami at parehobg natumba.

Nakadagan sakin si Rhian, kaya naka close up ang mga face namin. Ang pungay ng mga mata nya, ang cute ng mga labi nya. Hay nako, ang ganda talaga ni Crush.

Nakakakilig naman itong pwesto namin. Lakas ng tibok ng puso ko.

"Ang OA, tama na. Overtime na, dami ng langgam oh." Sigaw ni Chynna.

Panira talaga ng moment itong pinsan ko. Tumayo kaming dalawa at pinagpatuloy ang paglalaro.

Pagkatapos ng laro, syempre panalo ang team namin. Rhian plus Glaiza? Aba'y matindi yan. Hindi magigiba yan.

After ng game, lunchtime na. Kaya yon, nagkagulo na ang mga tao at kanya kanya ng kuha ng pagkain.

Ako naman, nakatingin lang sa mga staffs ko. Ang ganda nilang pag masdan, masaya sila. Pero mas masaya ako sa kanila. Syempre kasi sucessful ang trip na ito. Plus andito si Crush and by looking at her, she seems to be enjoying the day too. Kaya sobrang saya ko ngayon.

Sana ganito nalang palagi. Puro nalang party, enjoyment. Pero hindi naman pwede. In two days, papabalik na kami sa  trabaho. At sana malaki ang maitulong nitong outing namin.

The Deal (Rhian and Glaiza Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon